Hindi na malaman ni Niccolo kung ano ang kanyang gagawin upang matigil na ang gulo sa pagitan nina Alyana at Krishna. Sa totoo lang ay sumasakit na rin talaga ang ulo niya sa dating kaibigan. At isa na lang ang naiisip niya na maganda na gawin. Iyon ay ang kausapin ang babae ng masinsinan. Ayaw na sana niya na makausap pa si Krishna, pero alam niya na ito lang ang maaari na maging paraan upang tumigil na siya sa kagagawa ng kuwento tungkol kay Alyana at gulo sa pagitan nilang lahat. Kaya kahit labag sa kanyang kalooban ay napagdesisyunan ni Niccolo na puntahan si Krishna ng araw na iyon. Bago niya pupuntahan ang kanyang nobya ay kakausapin na muna niya si Krishna. Tinext niya ang dati na kaibigan na daraan siya sa bahay nito upang makapag-usap silang dalawa. Dahil malapit lamang sa kani