Ang mga bagong kaalaman na iyon na napagtanto niya ang mas lalo na nagbigay ng matindi na pagsisisi kay Niccolo. Ang dami niya na nagawa na mali kay Alyana, at ang pinakamatindi ro'n ay ang husgahan niya ang babaeng mahal niya. Napakalaki ng kasalanan niya sa babae na mahal na mahal niya. Bakit nga ba hindi niya nagawa na pagkatiwalaan na hindi nito magagawa ng basta-basta ang mga bagay na ibinintang niya rito? At ang mas lalo na nakapagpasakit sa kalooban ni Niccolo ay ang katotohanan na ang bata na inalayan niya ng kanyang munting paghanga at puso noon maliit siya ay si Alyana. Hindi lamang si Aly ang nasaktan niya kung hindi pati ang memorya ng bata na inalagaan niya sa kanyang puso. At ngayon, pareho na nawala sa kanya ang mga iyon. Labis ang galit na nararamdaman niya para kay Kris