Patuloy ang pagtunog ng alarm clock ko at kahit na nakapikit pa ako ay pilit ko iyon na inabot upang patahimikin. Ngayon ang simula ng araw na pinangangambahan ko: ang pagsasama namin ni Niccolo nang ilang araw dahil sa proyekto niya. Tamad na tamad ako na pumasok sa banyo upang maligo. Kung puwede nga lang na mag-back-out na lamang ay ginawa ko na, ngunit alam ko na hindi maaari kaya wala naman iba na pagpipilian kung hindi ang pilitin na lamang ang sarili ko. Habang naliligo ay hindi ko maiwasan na maisip kung ano ang mga puwede na maganap at mangyari. Ito ang unang pagkakataon na hindi mga miyembro ng Elitista ang kasama ko. Ito ang unang beses na wala si Jake sa tabi ko kaya hindi ko alam kung dapat ba ako na kabahan, lalo na at si Niccolo Madrigal lang ang kasama ko. Si Niccolo na wa