Chapter 34

2199 Words

Nagtulog lamang ako sa buong biyahe papunta ng Batangas at ngising na lamang ako sa mahihina na tapik ni Niccolo sa braso ko. Pagdilat ko ng mata ko ay nakatayo na siya sa may gilid ko at inaalis na ang pagkakakabit ng seatbelt kaya ang mukha niya ay malapit na malapit sa mukha ko. Nanlaki ang mata ko at agad na itinulak siya papalayo. “Sorry. Kanina pa kasi kita ginigising. Tatanggalin ko lamang ang seatbelt mo.” Agad na nag-init ang mukha ko at sigurado ako na namumula na ako sa hiya ngayon. Kainis talaga itong puso ko na ito. Napakatraydor! Ang kabilin-bilinan ko ay dapat galit kami kay Niccolo, pero hindi maka-intindi ang baliw na puso ko at imbis na magalit ay lagi na lang kinikilig sa bawat kilos ng lalaking kasama ko. “Alyana, gusto mo ba na muna uminom or mag-restroom muna?” tan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD