Maayos ang naging ikalawang araw namin ni Niccolo sa bahay-ampunan at sa unang pagkakataon yata ay hindi kami nagtalo sa buong maghapon. Wala rin naging problema sa samahan nila ng mga bata. Siguro nga ay may angking kabutihan na taglay naman talaga siya, hindi nga lang iyon para sa akin. Habang naghihintay sa hapunan ay napagpasiyahan ng mga bata na tumambay sa may hardin at maglaro. Habang pinapanood ko sila hindi ko maiwasan na masulyapan ang mga ngiti sa mukha ni Niccolo. Kapag hindi siya nanggagalaiti sa galit at inis ay napakaganda ng mga ngiti na iyon, kaya muli kong naisip kung gaano kasuwerte si Krishna sa kanya. Dahil tutok na tutok ang mga mata ko kay Niccolo ay hindi ko napansin nang tabihan ako ni Yohan sa may damuhan. “Huli ka! Ate A, tinitingnan mo si Kuya Nic!” Agad ko n