Hindi mapigilan ni Niccolo ang mga ngiti sa kanyang labi sa mga oras na iyon. Kapapasok-pasok lamang ni Alyana at naiwan siya na nakatunghay sa mga bituin. Hindi niya maintindihan ang tunay na nararamdaman para sa babae dahil bigla na lamang na parang may nag-iba at kahit siya mismo sa kanyang sarili ay naninibago sa nararamdaman niya. Hindi niya inakala na magiging maayos ang mga araw na magkasama sila ni Alyana. Inaasahan na kasi niya na panay away ang magiging tagpo nila dahil kahit na pinipilit niya na mapalapit sa dalaga at makabawi sa mga nagawa niya ay hindi niya pa rin na maiwasan na mainis sa ugali at kilos nito. Ang inaakala niya na panay sakit ng ulo na pagsasama nila ay hindi nangyari dahil ngayon ay masaya siya na makasama ang dalaga. Sino bang mag-aakala na magiging maayos