Chapter 37

2400 Words

Maaga ako na gumising ngayon araw at maaga rin ako na nag-ayos ng aking mga gamit. Ngunit hindi dahil sa pagkasabik sa pag-uwi dahil ngayon ang huling araw namin dito sa Batangas. Ang totoong rason ay dahil sa hindi naman talaga ako masyado na nakatulog kagabi. Magdamag ako na nakamulat at pabaling-baling sa aking higaan. Hindi ko magawa na makatulog dahil sa kilig na nararamdaman ko. At isa lang ang dahilan no'n, ang pagtawag sa akin ni Niccolo na future misis Madrigal. Hindi ko inaasahan ang mapagbiro na personalidad na iyon ni Niccolo. Hindi ko rin inakala na mapang-asar din pala siya. At ang mas lalo na ikinagulat ko sa lahat ay ng maging maayos ang pakikitungo niya sa akin. Simula ng makarating kami rito ay hindi na panay na galit ang nakikita ko na ekspresyon ng kanyang mukha. Lalo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD