Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga oras na iyon. Pero kung kinakabahan ako sa presensya ni Niccolo kanina, mas triple ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Narito sa harapan ko si Kiel. Para akong naestatwa at hindi nakakilos hanggang sa lapitan kami ni Kiel. “Hi, little girl.” Nakangiti na bati ni Kiel sa akin habang hinimas pa ang mga pisngi ko. “It’s nice to see you here, my little girl.” “Ehem.” Ang pag-uubo-ubuhan na iyon ni Niccolo ang nagpawala sa akin sa sariling mundo na napasukan ko matapos ang muli na pagkikita namin ni Kiel. Napalingon si Kiel kay Niccolo sa mga sandali na iyon. “And you are?” maangas na tanong ni Kiel agad kay Niccolo. “Kiel.” Mabilis naman na pagpuputol ko sa sasabihin dapat ni Niccolo. Muli na lumapad ang ngiti ni Kiel nang harapin ak