Wala na ako na iba pa na sinabi kay Niccolo patungkol kay Kiel maliban sa kung ano ang nabanggit ko. Hindi pa ako handa na sabihin sa kanya ang mga bahagi ng nakaraan ko. Wala rin naman ako na balak na ipakilala sa kanya ang totoo na Alyana Dominguez sa ngayon hangga’t hindi ko pa nasisiguro kung ano ang tunay na rason niya sa pakikipagkaibigan sa akin. Mabuti na lamang din at hindi na nagtanong pa si Nic sa bagay na iyon. Ilang saglit pa kami na nanatili sa lugar na iyon at nakatanaw lang sa paligid. Pareho namin na dinadama ang katahimikan at kagandahan ng lugar na iyon. Makalipas ang ilang sandali ay nagyaya na rin ako na umuwi. Habang nasa biyahe ay tahimik lamang ako na nakasandal. Hindi ako makapaniwala na nagkita kami ni Kiel, ang unang lalaki na hinangaan ko at ginusto ko. Hindi