Hindi matanggal-tanggal ang mga ngiti sa labi ni Niccolo habang nagmamaneho siya pauwi sa kanilang bahay. Hindi niya mapigilan ang saya na nararamdaman niya. Masaya siya na nagkakasundo silang dalawa ni Alyana. Natutuwa siya na kahit papaano ay umaamo na sa kanya si Alyana at unti-unti ay nawawala na rin ang katarayan ng babae sa kanya. Naliligayahan siya na masaya na nilang nagagawa na magbiruan na dalawa. Hindi sigurado si Niccolo kung kailan nagsimula pero naging magaan ang pakikitungo niya sa dalaga nang mas piliin na lamang niya na ayusin ang problema na namagitan sa kanila kaysa ang patuloy na makipagmatigasan sa babae. At mas lalo na napalapit ang loob niya rito nang makita niya ang natatangi na kabaitan nito sa mga bata. Pagkaparada niya sa sariling sasakyan sa garahe ay napansi