Ilang araw ko na rin iniisip ang naging huli na paghaharap namin ni Krishna sa Elite High. Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na naman namin siya muli na nakikita sa unibersidad. Hindi na naman siya nagpapapasok at hindi ko alam ang mararamdaman ko kung ikatutuwa ko ba iyon o ikakapangamba ko. Hindi ako mapakali at kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko nang dahil sa kanya. Hindi ako nagpapakampante dahil alam ko kung ano ang kayang gawin ng babae na iyon. Alam ko na walang hangganan ang kayang gawin ni Krishna lalo na para makuha ang isang bagay na gusto niya. At sa pagkakataon na ito, alam ko na si Niccolo ang gusto niya. Hindi ko alam kung ano ang mayro'n kay Krishna at ang lahat ng mayro'n ako ay gusto niya na nasa kanya rin. Dati ay wala ako na nagawa ng pilit niya na agaw