“What was that, mine?" Ito ang unang mga salita na namutawi sa bibig ni Niccolo matapos ang paghaharap namin nina Krishna at Kiel. "Kung ano ang narinig mo, that's it. Wala naman na ako na iba pang eksplanasyon." "Totoo na kapatid ni Krishna ang ex mo, babe?” hindi makapaniwala na tanong sa akin ni Niccolo. Ang dapat sana ay masayang araw para sa amin ay nauwi sa mga katanungan. Sa maraming mga katanungan ni Niccolo sa akin na ayaw ko na sana na sagutin pa. “Yes. Sina Kiel at Krishna ay magkapatid.” Ang plano namin na pamamasyal sa mall ay nabago at ito kami ngayon sa isang coffee shop habang seryoso na nag-uusap habang nakatanaw sa kawalan. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” “Does it matter? Wala naman koneksyon ang bagay na iyon sa kung ano ang mayro'n sa atin. Si Kiel ay isang bahag