“Krishna, ano na naman iyon eksena na ginawa mo?” Inis na inis na tanong ni Kiel sa kapatid, matapos na maihatid si Krishna sa kanilang bahay pagkatapos ang tagpo sa mall. “What? Ipinakilala lamang kita, masama ba iyon? Gusto ko na makilala mo si Niccolo. Gusto ko na makita mo na mas bagay kami kaysa sa kanila ni Alyana. At gusto ko rin na ma-realize mo na ikaw ang nararapat para sa kay Aly at wala nang iba pa.” “You’re crazy! At bakit mo ipinipilit ngayon na balikan ko si Aly? Hindi ba at ikaw ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay? Hindi ba iyon ang gusto mo?” “Noon iyon, Kiel. Bata pa ako noon at nagseselos ako sa atensyon na ibinibigay mo sa kanya. Pero iba na ngayon. I’m more matured now at alam ko nang hindi ko dapat hinayaan na magkahiwalay kayo.” “It’s too late now, Krish.