“Where have you been, Sweetie? Bakit ngayon ka lang umuwi?” Sunod-sunod na tanong ni Mama pagkapasok ko ng bahay. “I have to stay back in school, Ma. May mga tinapos ako na schoolwork sa library.” Mabilis na sagot ko naman. “Where is Niccolo? He’s supposed to have dinner with us.” Kinabahan ako nang tanungin niya kung nasaan si Niccolo. Puwede ko ba sabihin na iniwan ko sa school? Siyempre hindi! Tiyak pagagalitan na naman ako. “Aly? Nakikinig ka ba? Tinatanong ko kung nasaan si Niccolo?” Pag-ulit pa niya sa tanong niya. “Ah.-" “I’m here, Tita. Sorry at may sinagot lang ako na tawag sa sasakyan kaya nahuli ako na pumasok.” Nagulat ako nang paglingon ko ay nakita ko si Niccolo na papasok na sa bahay at nakangiti na kay Mama. “Mabuti at narito ka, akala ko kasi ay nagpasaway na nam