“Waiting for someone, Krishna!?” tanong ko sa kanya.
“A-Alyana.”
“What did I tell you? Ano ang dapat mo itawag sa akin?” mataray na tanong ko pa ulit.
“Qu-Queen A.” mahina na sagot niya.
“You seem relaxed. Very relaxed, Krishna. Why is that?” nang-aasar na tanong ko pa muli.
“Oo nga, Nerd! And you seem happy? Why is that?” singit na tanong din ni Audrey.
“Maybe, just maybe, she has something that belongs to you, A. Tama ba, Nerd? Do you have something that belongs to our Queen A?” Agad na nahintatakutan ang ekspresyon niya nang marinig niya ang sinabi ni Princess.
“Wa-wala akong kinukuha na pag-aari mo, Alyana.” kabado na sagot niya.
“Are you sure?” Tinaasan ko pa siya ng kilay nang tanungin ko pa siya ulit. Padabog na binagsak ko ang bag ko sa tabi niya at kita ko ang pagkagulat sa kanya habang tumango-tango siya bilang tugon sa akin.
“Tingin ko, A, she’s lying. Mayroon siya na kinuha from you and that why she’s happy; She's very happy” Muli na singit ni Princess na tuwang-tuwa sa nakikita na pagkatakot sa ekspresyon ni Krishna.
“Wala akong alam sa sinasabi niya, Alyana. Wala akong kinukuha sa’yo.”
Yumuko ako at itinapat ang mukha ko sa mukha niya upang maging magkalebel ang mga mata namin. Tinitigan ko siya at pilit siya na umiiwas sa madilim na tingin na ipinupukol ko sa kanya. “Sigurado ka ba na wala ka nga na kinukuha sa akin? Sabihin mo na bago pa tuluyan na mag-init ang ulo ko sa’yo, Krishna.” madiin na sabi ko.
“Wala, Alyana. Wala akong kinuha sa’yo at wala akong kukunin sa’yo.” natataranta na sagot pa niya.
“That’s Queen A for you, hindi-.”
“Alyana.” Naputol ang ssasabihin ko sa kanya dahil isang baritono na boses ang muli na tumawag sa akin. Huh, the knight in shining armor is here. Nakita ko ang mabilis na pagdaloy ng kapanatagan at pagrelaks ni Krishna sa pagdating ni Niccolo. At iyon ang lalo na nagpainit ng ulo ko.
Hinarap ko si Niccolo at ipinagkrus ang aking mga braso sa harap ng dibdib ko. Mataray ako na tumingin sa kanya. “What?!”
“Stop it.” mariin na utos niya sa akin.
Mabilis na umakbay sa akin si Jake at nakita ko ang pagdilim muli ng tingin ni Niccolo sa kanya. “Make me.” Muli na sagot ko rin na hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya.
“Are you okay, Krishna?” Baling niya kay Krishna. Nilingon ko si Krishna at madilim siya na tinitigan. Hinihintay ko na sumagot siya kay Niccolo at magsumbong, ngunit walang salita siya na binigkas kung hindi tumango lamang.
“See, she’s okay. Wala akong ginagawa. Wala pa akong ginagawa sa kanya.” Hindi ko nagugustuhan ang ginagawa ni Niccolo na pagkampi kay Krishna, kaya habang patuloy niya iyon na gagawin, magiging patuloy rin ako na sakit ng ulo niya.
“Leave.” Muli na utos niya sa akin na nakapagpagulat sa ilang mga estudyante na nanonood sa amin.
“You have guts, Dude.” Singit ni Julius na umiiling-iling na lamang dahil sa lakas ng loob ni Niccolo.
Sarkastiko ako na ngumiti at muli na humarap kay Krishna. Titig na titig ako sa mata niya para maramdaman niya ang matinding galit ko. “See, Krishna, your knight in shining armor is here. Such a lucky lady. Enjoy it while it lasts, okay.” Ginulo ko pa ang buhok niya at wala naman siya na naging pagtugon kung hindi ang yumuko na lamang.
Muli ako na humarap kay Niccolo at tinaasan siya ng kilay. “Since I’m being good today, because it’s a Monday, I’ll let this go. But you might want to tell your friend here the truth, Niccolo Madrigal, or else I’m telling her.” Madiin na pagbabanta ko pa.
Sumimangot naman si Niccolo sa sinabi ko kaya’t muli ako na lumapit at binulungan siya. “I don’t like sharing, Baby. So better tell your friend kung ano ka sa buhay ko, before I tell her kung ano ang magiging papel mo sa buhay ko. Ayaw mo naman siguro na ako ang magsabi diba, loverboy?” Nakangisi na sabi ko pa sabay himas sa pisngi niya.
Pagkasabi noon ay hinatak ko ang kamay ni Jake at niyaya na sila na umalis. “Let’s go, Babe. Naaalibadbaran ako sa itsura ni Krishna.” Agad na nagtawanan naman ang ibang miyembro ng Elitista at sabay-sabay kami na lumayo at naiwan si Niccolo na madilim ang tingin sa akin.
Matapos ang paghaharap namin na iyon nina Niccolo at Krishna ay nagdiretso na kami sa kanya-kanya namin na klase. Naging abala kami maghapon kaya ngayon uwian na lamang kami muli na dumaan sa tambayan.
“That is so epic, A. You really nailed that one.” Ito ang papuri ni Princess sa akin habang magkakasama kami sa tambayan. Hindi siya matapos-tapos sa kakakuwento kung paano nahintatakutan si Krishna sa mga naging pagbabanta ko.
“It serves her right. Masyado kasi siya na ma-epal.” dagdag pa ni Audrey.
“Dalawa sila ng kaibigan niya na ma-epal.” Inis na singit naman ni Jake.
“Pero matapang ang Madrigal na iyon ha. Pumapalag. Matibay.” Tama si Julius. Matapang si Niccolo. Matapang siya na kalabanin ako.
“Alam ninyo, hindi ko alam bakit galit na galit sa atin 'yan si Niccolo. To think hindi nga natin siya kinanti at inanyayahan pa nga natin siya na sumali sa atin. Kaya ano ang problema niya?” Nagtataka na tanong naman ni Princess.
“Alam mo na, Cess, ang mga transferees ay dalawang klase lang. Iyon mga nagpapaawa na akala mo laging inaapi, at iyong mga feeling tagapagligtas ng mga naaapi. Iyon mga akala nila na they can make a difference. In other words, both type ma-epal.” Dagdag na paliwanag ko pa na nagpatawa sa kanila.
Sinadya ko talaga na tumambay muna pagkatapos ng klase dahil wala talaga akong balak na sumunod sa gusto ng Niccolo na iyon. Pagkatapos ng tahasan niya na pagsuway at pagkalaban sa amin kanina, sa tingin niya ba ay susunod ako sa kanya? In his dreams.
“Oo nga pala, what happened, A?Bakit ang tagal mo bumaba ng sasakyan ni Niccolo kaninang umaga? Ano ang ginawa ninyo ro'n?” Maloko na tanong pa ni Princess na nagpa-ismid naman kay Jake.
“Ano naman ang gagawin nila roon, Cess? Siyempre, nag-away sila.” naiirita na sagot ni Jake. Agad naman ako napatawa sa tinuran niya.
“Alam na alam mo, Babe.” Sagot ko naman na natatawa pa rin.
“Ako pa ba?” Sumandal ako sa balikat ni Jake habang hinihimas-himas naman niya ang likod ko.
“Aw, ang cute ninyo talaga together. Dapat si Jakey na lang talaga ang fiancé mo eh.” Banggit ni Audrey habang kinuhanan pa kami ng litrato.
“Babe ko si A forever. Kaya kahit may fiancé ‘yan, ako pa rin ang babe niyan. Diba, Babe?” Paglalambing pa ni Jake sa akin.
“Of course, Babe. You and I, together forever.” Sagot ko naman at yumakap pa ako sa beywang niya. Nasa ganoon kami na posisyon nang may inginuso si Julius sa likuran namin. Agad na lumingon si Jake para tingan iyon saka siya napa buntong-hininga.
“You’re bodyguard is here.” bulong niya sa akin.
“Alyana.” Napabuga na lang ako ng hangin nang mapagtanto na ang tinutukoy nila ay si Niccolo.
“What?!” asik ko sa kanya.
“Anong oras na? Diba sinabi ko 3pm. It’s 3:30pm. I’ve been looking for you.” Halata na naman ang pagka irita sa boses niya.
“At diba, sabi ko rin na hindi ako sasabay sa’yo. Go away. Shoo.” Pagtataboy ko pa sa kanya. Isinenyas ko pa ito sa kamay ko na pinalalayo ko siya kaya lalo na naman ang pagsalubong ng kilay niya.
“I’m not leaving without you, kaya tumayo ka na riyan at ihahatid kita sa inyo.” Pagpupumilit pa niya.
“Bingi ka ba? I said, no. Hanapin mo ang nag-iisa na kaibigan mo at ihatid mo. I’m giving you a chance now to enjoy your time with your friend, so make the most out of it.”
Sumilay ang mga ngiti sa labi niya at nagulat ako sa reaksyon niya na ‘yon. In fairness, ang guwapo lang kapag nakangiti. “Jealous are we?”
“Hala siya oh! In your dreams, Madrigal. Not in this lifetime. Shoo away. Go. My babe will drop me off. Huwag ka na nga na goody two-shoes. Hindi kita isusumbong kay tita Josephine, kaya puwede, umalis ka na sa harapan ko.” Muli na pagtataboy ko sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang siya saka lumakad paalis.
“He is really cute, A.” Sabad ni Princes pagkaalis na pagkaalis ni Niccolo.
“Yeah, cute. Parang aso lang siya.” Bigla na napatawa sina Jake at Julius sa sinabi ko.
“Tumpak, A.” Napa-iling na lamang ako at muli na itinuon ang aking atensyon sa mga kaibigan ko.
May dalawang oras pa rin kami na tumambay bago napagpasiyahan na umuwi na. Sabay-sabay kami na naglakad papunta sa parking area. Nakatuon ang pansin ko sa telepono ko dahil nag-text na si Mama at hinahanap na ako nang biglang tumili si Princess.
“Oh my, oh my! Did he just wait for you?” Agad ako na napalingon at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Si Niccolo ay nasa parking area pa. Halata ang pagkabagot niya habang nakasandal sa sasakyan niya. Nakayuko siya at may sinisipa-sipa na kung ano na bagay kaya hindi niya agad napansin ang paglabas namin.
“I’m so kilig, A.” tili rin ni Audrey.
“Tss. Natural maghihintay ‘yan dahil masyado na masunurin 'yan at takot lang niya sa magulang niya na pinipilit na ihatid at sunduin niya si A kahit ayaw naman talaga niya.” Bigla na umakbay sa akin si Jake at ramdam ko ang pagka inis sa boses niya.
Habang papalapit sa nakaparada na sasakyan ni Jake ay nakatingin pa rin ako kay Niccolo nang bigla siya na magtaas ng ulo niya. Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya pagkakita sa akin.
Lumakad siya palapit sa amin at sinalubong kami. “Tapos ka na? Siguro naman puwede na tayo umuwi?” tanong niya sa akin. Nanibago ako sa marahan niya na pananalita.
“Hindi ako sasabay sa’yo. Dumiretso uwi ka na dahil si Jake na ang maghahatid sa akin.” Pagkasabi ko noon ay hinatak ko ang kamay ni Jake papunta sa sasakyan niya. Walang lingon-lingon na sumakay ako at marahan na sinara ni Jake ang pintuan.
Habang paalis ng parking ay hindi ko maiwasan na tanawin si Niccolo sa rearview mirror. Nakatayo pa rin siya sa parking at nakatanaw lang sa papalayo na kotse namin. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-guilty sa ginawa ko.
Hinintay niya ako?! Tanong ko sa sarili ko. Naguguluhan man ay bigla ko na naramdaman ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Bakit ako hinintay ni Niccolo Madrigal?