Chapter 9

1897 Words
Nagising ako nang may bigla na humalik sa pisngi ko. Pag mulat ko ng mata ko ay nabungaran ko ang nakangiti na mukha ni Jake. “Babe!” Napasigaw ako sabay takip sa bibig ko. Agad siya na tumawa at hinatak ako patayo kahit na alam niya na tinatamad pa ako. “It’s time, Babe. Come on, get-up. Mag-ayos ka na at darating na ang boylet mo.” Ipinagtulakan niya ako papasok ng banyo upang maligo na agad. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lamang. Halos minu-minuto yata kung katukin niya ako sa labis na pagmamadali niya. “Wait up, Babe. Ugh! Alam mo naman na it takes time para maligo. Bakit ba madaling-madali ka kasi?” sigaw ko sa kanya. “Babe, puwede makaligo in 5 minutes.” “Duh, that’s easy for you to say dahil kayo lang ni Julius ang nakakagawa no’n. Please lang ‘wag ka na mangatok diyan dahil kung hindi, lalo tayo matatagalan.” inis na sabi ko pa. Makalipas ang ilang minuto pa ay lumabas ako ng banyo na nakatapis lamang ng tuwalya. “Babe, ano ba?” Sigaw niya habang nakatakip ang mga kamay sa kanyang mga mata. Agad ako na natawa sa ikinilos niya. Kahit may pagka-flirt si Jake ay marespeto pa rin siya sa mga babae. “Lumabas ka na kasi nang makapagbihis ako.” “Fine, Seductress! Five minutes, Babe, or else I’m coming in again.” “Ugh, five mintues?! Give me twenty.” “No. Meet halfway, ten minutes.” Pagkasabi noon ay agad siya na lumabas ng kuwarto ko. Nagmamadali naman ako na pumunta sa walk-in closet para maghanap ng susuotin ko. Kilala ko si Jake na hindi marunong na maghintay, kaya alam ko na babalik 'yon kapag hindi ako natapos sa sinabi niya na oras. Muli ako na kumuha ng isang micro-mini skirt, sleeveless blouse at kinuha ko ang high heels ko. Dahil papasok ako, I need to project the Queen B image once again. Siyempre hindi mawawala ang signature red lipstick ko. Pagkatapos ko patuyuin ang buhok ko ay itinaas ko na lamang iyon na naka messy bun. Perfect! Nag-ispray ako ng pabango at nag-aayos na lamang ng mga gamit ko nang muli na bumukas ang pinto at pumasok si Jake. “Times up!” sigaw niya. “Done, Babe.” “Wow, looking hot!” Sabi niya sabay kindat sa akin. “I know right. Let’s go.” Agad kami na lumabas ng kuwarto at bumaba na. Pareho kami na nagmamadali dahil may iniiwasan kami, ngunit, nagulat na lamang kami nang pagbaba namin ay mabungaran namin si Niccolo na nasa may pintuan kausap si Mama. Napatingin siya sa amin ni Jake na magkahawak-kamay habang pababa kaya agad na nagsalubong ang kilay niya pagkakita sa amin. “Good morning, Tita Cas.” bati ni Jake kay Mama. Halata ang gulat ni Mama nang makita si Jake na kasama ko buhat sa aking silid. “Oh, Jake. Nandito ka pala.” “Yes, Tita. Ginising ko si Aly kasi baka hindi na naman kumilos agad. Alam mo naman ang Babe ko, baka tanghali na naman magising.” “Okay. Pero, Jake, nandito si Niccolo. Siya na ang mag-" “Ma, okay na sasabay ako kay –" “Yes, Tita, alam ko po na kay Niccolo na siya sasabay simula ngayon. Ginising ko lang para hindi maghintay si Niccolo.” sambit pa niya. Napatingin ako kay Jake at tinaasan siya ng kilay. Kumindat lang siya sa akin saka hinawakan ako sa kamay. “Alis na kami, Tita. Ay, sila pala. Pasok na kami, Tita Cas.” Paalam pa niya saka hinatak ako palabas. Magalang naman na nagpaalam si Niccolo kay Mama at mabilis na sumunod sa amin. Pagkalabas ay salubong pa rin ang kilay niya na nakatingin sa amin habang si Jake ay ngiting-ngiti naman. “So, paano, una na kami, Dude. See you in school.” Sabi agad ni Jake sa kanya nang makalapit siya sa amin. Nakaakbay pa sa akin si Jake kaya kitang-kita ko ang madilim na tingin na ipinupukol ni Niccolo sa amin. “What!?” inis na tanong niya. “Papasok na kami ni Aly kay magkita na lang tayo sa school. Hindi ba at ayaw mo naman na makasabay si Alyana? So tinulungan na kita, Dude. Hindi mo na kailangan na magpanggap pa. All clear, kaya puwede ka nang sumakay sa kotse mo at ako na ang bahala kay Aly.” Agad naman ako na napangiti nang malaman na kay Jake pa rin ako sasabay at iyon pala ang plano niya. “No. Sa akin sasabay si Alyana.” madiin na sagot ni Niccolo. “What?!” sigaw ko. Humarap naman siya sa akin at lalo na ang pagsasalubong ng kilay niya. “Bingi ka ba? Sabi ko sa akin ka sasabay. Iyon ang napag-usapan kaya iyon ang mangyayari. Huwag ninyo ako turuan na magsinungaling sa magulang ko at sa magulang mo.” Halata ang inis niya nang sabihin ang mga salita na iyon. “Unbelievable! You’re freaking unbelievable, Dude! Tinutulungan ka na nga namin, nagmamatigas ka pa. Huwag kang mag-alala dahil kaya ko na proteksyunan si Aly. Hindi mo na kailangan pa na umeksena.” Mayabang na sambit pa ni Jake. Agad naman na nag-igting ang panga ni Niccolo sa sinabi nito. “Baka nakakalimutan mo na ako ang fiancé. Best friend ka lang kaya wala kang papel. Ako ang may responsibilidad sa kanya at hindi ikaw.” Pagkasabi noon ay agad niya ako na hinila sa braso at mabilis na binuksan ang pintuan ng sasakyan niya. “Sakay.” madiin na utos pa niya. “Ang yabang mo ha.” asik ni Jake. Hinarap niya si Niccolo at muli sila na nagsukatan ng tingin. Hindi sila maaari na magtalo rito. Napa buntong-hininga na lamang ako bago pumagitna sa dalawa. “It’s okay, Babe. I’ll go with you this afternoon, okay.” Malambing na bulong ko kay Jake. “No. Ako ang maghahatid sa’yo pauwi.” singit na naman ni Niccolo. Nakakagigil talaga ang pagka ma-epal ng lalaki na ito. “I’ll see you in school, Babe.” Lumapit pa ako kay Jake at bumulong sa tainga niya, “I have to put my plan into action, remember?” Kinindatan ko siya saka humalik sa pinsgi niya kaya mabilis naman siya na tumango at tumalikod upang sumakay sa sasakyan niya. Bago siya pumasok ay muli siya na humarap kay Niccolo at nagsalita. “I’m watching you.” Napa-iling na lamang ako at hindi na hinintay pa si Niccolo. Agad ako na sumakay sa kotse niya nang makita na nakapasok na si Jake sa sasakyan niya. Padabog ko pa na isinara ang pintuan habang sumakay na si Niccolo sa driver side. Dahil sa naiinis ako ay lumingon na lamang ako sa labas ng bintana. Wala akong plano na makipag-usap sa lalaki na ma-epal at panira ng araw. Ngayon pa lang ay naiisip ko na ang kahihinatnan ng buhay ko kapag naikasal kami, kaya ngayon pa lang din ay gusto ko nang sumuko. Ang ilang sandali na makasama ang lalaki na ito ay nakapagpapa-init ng ulo ko. “What are you wearing!?” Napalingon ako kay Niccolo sa narinig ko na tanong niya. “What does it look like?” balik-tanong ko. “Is that a proper attire for school.” “What I wear is none of your business.” “Oh, it is my business. Ako lang naman ang future husband mo kaya may pakialam ako kung ano ang susuotin mo.” “Husband at hindi tatay. At gaya nga sa sinabi mo, sa future pa iyon at hindi pa ngayon sa present. Hindi nga rin tayo sigurado kug matutuloy ba iyan o hindi. So shut-up and drive. I don’t like being late.” Mataray na sagot ko sa kanya sabay suot ng headphones ko at sumandal na lamang at pumikit. Ayaw ko na makipag-usap sa kanya dahil sa bawat buka ng bibig niya ay nag-aaway kami, kaya naman mas mabuti pa na huwag na lang siya magsalita. Ilang minuto lang ay naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan. Nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko na nakarating na kami sa Elite High. Inayos ko ang gamit ko at akma nang bababa pero hindi niya binuksan ang lock ng pintuan. Sa salubong na kilay ay hinarap ko siya. “Open the door.” utos ko sa kanya. Isang ngiti lang ang sinagot niya sa akin. “Be sure to be here at exactly three in the afternoon. Matatapos ang klase mo ng 2:30pm, that gives you enough time to say goodbye to your friends. Wala ng tambay, Alyana.” utos niya sa akin. “What are you? My father? Hindi mo ako kailangan ihatid sa bahay dahil sasabay na lamang ako kay Jake pauwi. Ako na ang bahala gumawa ng rason sa mga magulang ko. Malinaw naman siguro ang sinabi ko, kaya, puwede ba buksan mo na ang pintuan.” Sarkastiko siya na ngumiti sa akin saka muli na nagsalita. “Don’t test my patience, Alyana. Sobra nang nipis ng pasensya na mayroon ako para sa’yo.” Gumanti ako ng matamis na ngiti sa kanya kaya nagsalubong na naman ang kilay niya sa akin. “As if I care, baby boy.” Isang pagkatok sa bintana ang nagpatigil sa usapan namin. Paglingon ko ay nakita ko na si Jake ang kumatok at kasunod niya ang iba pa na miyembro ng Elitista. “Open the door.” Muli ko na utos. Agad naman na tumalima si Niccolo kaya nagmamadali na rin ako na lumabas ng sasakyan niya. “Everything okay, Babe?” tanong agad ni Jake pagkababa ko. Tumango naman ako saka niyaya na ang mga kaibigan ko.”Let’s go.” Naglakad ako papasok ng Eite High at hindi na muli na nilingon pa si Niccolo. Pagpasok sa loob ay agad na nahagip ng paningin ko si Krishna. Nakaupo siya sa may bench na parang may hinihintay. Isa itong himala na hindi siya nagmamadali na maka iwas sa amin. Isa lang ang pumasok sa isip ko: Hinihintay niya si Niccolo. Agad na nagsalubong ang kilay ko pagkakita sa kanya. Hinarap ko ang mga kaibigan ko at sarkastiko na ngumiti, “It’s show time, Elitistas.” Binalik ko ang tingin ko kay Krishna na kampanteng-kampante pa rin na nakaupo. Nagkatinginan lamang kami na magkakaibigan pero alam na namin ang susunod na hakbang. Lumakad ako papalapit sa kinauupuan ni Krishna kasunod ang aking mga kaibigan. Sa lakas ng tunog ng takong namin na mga babaeng miyembro ng Elitista ay kusa nang nagbibigay daan ang mga estudyante. Alam nila kung sino ang pakay namin at alam nila na hindi sila dapat humarang-harang sa amin. Hindi pa rin namamalayan ni Krishna na papalapit na kami sa kanya dahil masyado siya na nakatutok sa kung ano man ang ginagawa niya, kaya parang wala siyang pakialam sa nakaambang na pagdating namin. Napansin ko ang pagbabago na dulot sa kanya ni Niccolo. Hindi na siya kagaya ng dati na takot na takot sa amin at mas naging maaliwalas na rin ang itsura niya. At hindi ko nagugustuhan ang mga pagbabago na nangyayari sa kanya. Kailangan niya kasi na mabuhay sa takot. Kailangan niya na manatili na takot sa Elitista. Takot sa akin. “Waiting for someone, Krishna!?” malakas na boses na tanong ko sa kanya. “A-Alyana.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD