Disaster. Isa na naman na disaster ang nangyari na lunch sa pagitan namin ni Niccolo. Well, this time, masasabi ko na hindi na ako ang may kasalanan nito. I tried to be as civil as I can be, pero talaga lang na hindi kami magkakasundo ni Niccolo. Even how hard we tried, talagang hindi kami magkaintindihan. We both have our biases and judgements against each other.
Pagkatapos ng lunch na ‘yon ay nagmamadali ako na lumabas ng bahay dahil gusto ko na talaga na makaalis kahit na narito pa sila. Kinuha ko ang cellphone ko at akma na tatawagan si Jake nang mula sa aking likuran ay mayro’n na naman na umagaw nito. “The F!” sigaw ko.
“No cursing, my dear, sweetie!” Sarkastiko na bungad ni Niccolo sa akin habang hawak-hawak niya ang telepono ko. "Tatawagan mo na naman ang best friend mo?"
“Give it back, a-hole.” inis na sagot ko.
“Uh-uh! You’re being bad, sweetie!”
“Sweetie your face. Give it back!”
“Oh! Bakit galit na galit ka na? Wala pa nga ako na ginagawa, galit ka na.” Sambit niya sa akin na parang nang-iinis pa dahil ipinapaalala niya ang mga kataga na binitiwan ko sa kanya nang araw na galit na galit siya sa akin matapos namin makausap si Dean.
Naniningkit ang mga mata ko habang nakatitig ako sa kanya. Pinipilit ko na pigilan ang pagsambulat ng galit ko dahil hindi ako dapat magpatalo sa kanya. I am Alyana Dominguez, ako ang madalas na nagpapagalit sa iba at hindi ang kabaligtaran nito. “Ano ang problema mo?”
“What now? Napipikon ang bully dahil siya ang na bu-bully? How does it feel now, huh?”
“Oh! So this is what this is all about? I’m sorry to disappoint you, Madrigal, but try harder next time.” Inagaw ko ang cellphone ko na hawak-hawak niya at marahan siya na tinapik sa pisngi habang sarkastiko ako na ngumiti sa kanya. Inilapit ko pa ang bibig ko sa tainga niya at saka bumulong. “Gotta go, Baby. I have a date.”
Hindi pa man ako lubusan na nakakatalikod ay agad na niya na hinawakan ang braso ko. Gumanti siya at inilapit din ang bibig niya sa may tainga ko at saka bumulong. “You think I will let you go that easily? Well, sorry to disappoint, Sweetie, as much as I don’t want to spend time with you, I have no choice. We simply have to stick together.”
Pilit ako na kumakawala sa pagkakakapit niya ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Let me go.” mariin na sabi ko pa.
“Duty calls, Sweetie. Habang nasa harapan tayo ng mga magulang natin ay wala ka nang magagawa pa kung hindi ang umarte na maayos ang lahat sa atin. Don’t be a brat and follow my orders.”
“Well, hindi ako tau-tauhan mo para sumunod sa’yo! I can very well decide on my own.”
“Oh, you will follow my orders. With me, you will learn how to follow rules.”
“Try me.” Inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya at agad ko na napansin ang gulat na rumehistro sa kanya. Alam ko na hindi niya inaasahan ang pagkilos ko na iyon kaya hindi rin ako lumalayo sa kanya at nararamdaman ko ang pagkailang niya sa ginagawa ko.
Nasa ganoon kami na posisyon nang abutan kami ni Mama at ni Tita Josephine. Agad na napatili ang ina niya pagkakita sa amin. “Oh! This is so sweet. I told you, Casandra, they just need time para magkasundo sila.”
Pilit ako na lumayo kay Niccolo pero muli niya na diniinan ang pagkakakapit sa braso ko. Agad siya na humarap sa mga magulang namin saka hinapit ako palapit sa kanya at inakbayan pa. “You don’t have to worry about us anymore, Tita. Everything is good between us.” Sabi pa niya saka matamis na ngumiti kela Mama.
“Alyana?” Makahulugan na tanong naman ni Mama. Tumango na lamang ako bilang pagtugon dahil ayaw ko nang humaba pa ang usapin na ito.
“Good. Mabuti naman at maayos na ang lahat sa inyo. Teka, Aly, aalis ka ba?” tanong ni Tita Josephine.
“Uh, yes, Tita. I’ll be meeting with my friends.”
Agad siya na napasimangot sa tinuran ko. “Oh! Is it with Jake again?”
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Mama sa akin habang naghihintay sila ng sagot ko. Si Niccolo naman ay kitang-kita ko ang makahulugan na ngiti na ibinibigay sa akin. Alam ko na hinihintay niya rin kung paano ko malulusutan itong pag-alis ko na ito. Sa totoo lamang ay hindi ko rin alam kug paano, pero buti na lamang at bigla na tumunog ang cellphone ko. Sinenyas ko agad iyon sa kanila kaya nagmamadali ako na lumayo.
“OMG, Babe!You’re a lifesaver!” Ito agad ang bungad ko pagkasagot ko ng telepono.
“Front gate, Babe.” sagot ni Jake.
Hindi ko na nilingon pa sila Niccolo at nagmamadali na lamang ako na lumabas ng bahay. Wala rin naman silang nagawa dahil hindi nila marahil inaasahan natatakasan ko sila. Nang makita ko ang nakaparada na kotse ni Jake ay agad na ako na sumakay.
“Whew! Always on time, Babe. Thank you.”
“Ano na naman ang ginawa ni Madrigal sa'yo?” inis na tanong niya.
“Kailangan ko na magkaroon ng maayos na plano, Babe. If he thinks na kaya niya ako, well nagkakamali siya. I’ll give him a dose of his own medicine. Pagpapanggap pala sa harapan ng mga magulang namin ang gusto niya, well, he better get ready for the ultimate show of the year.” Makahulugan na turan ko pa.
Napa-iling na lamang si Jake saka nagmaneho papunta sa meeting place namin ng mga Elitista. Ngayon ko kasi sasabihin sa kanila ang tungkol sa kasunduan ng kasal ko. At tulad na nga sa inaasahan ko, lahat sila ay gulat na gulat sa balita na inilahad ko sa kanila.
“What did you say, A? You’re engaged?” malakas na sigaw ni Audrey.
“Engaged to the very hot, Niccolo Madrigal?” singit naman ni Princess.
“Paano si Jake?” pang-aasar naman ni Julius.
“Broken-hearted ako, Bro. Sa dami naman ng puwede na ma-engage kay A, bakit si Niccolo Madrigal pa.” Naiiling na sagot naman ni Jake.
“So how does it feel, A?” kinikilig na tanong muli ni Princess.
“Torture.” Lahat sila ay agad na napalingon sa akin sa isinagot ko na iyon maliban kay Jake na nangingiti lang sa akin. “A sweet torture.” Makahulugan na dugtong ko pa.
“Ok. Spill it, A.” ani ni Audrey.
“Well, ayaw ko talaga na pumayag, but the ever so supportive Jake here gave me a brilliant idea.”
“That’s a first for Jake ha, considering na sabi mo ay brilliant idea.” Natatawa na sabi ni Julius. Agad siya na binatukan ni Jake dahil sa pang-iinis nito sa kanya.
Naiiling na lamang ako sa mga kalokohan nila at saka ipinaliwanag ang magiging plano ko. “I have to accept it dahil kapag tinanggap ko ang arranged marriage, I can very well dictate kay nerdy Krishna to stay away. So mawawalan siya ng kaibigan at mapuputol ang pagpapantasya niya sa fiancé ko.”
“Ow, I like this idea.” Pagtili naman ni Princess.
“Kung inaakala ni Krishna na she has won over me dahil sa pagdating ng isang Niccolo Madrigal, well nagkakamali siya. Hindi ang isang Niccolo Madrigal lamang ang magpapatigil sa galit na nararamdaman ko para sa kanya. She won’t be happy until I say so.”
“So what’s the plan?” muli na tanong ni Julius.
“Simple lang. I will act as the possessive fiancée. She needs to stay away or she will face my wrath.”
“And how about Niccolo Madrigal? Sigurado ako na hindi iyon basta-basta papayag na pigilan mo ang pakikipagkaibigan niya sa nerd na ‘yon.” dagdag pa ni Audrey.
“Alam ko. And since he’s making my life hell right now, why don’t I return the favor, right? Unfair naman kung siya lang ang sisira ng araw ko. So bakit hindi ko rin sirain ang bawat araw niya; bawat araw nila ni Krishna.”
“He likes her, isn’t it?” tanong ni Princess.
“I think so, and I think Krishna likes her as well. Gusto niya si Niccolo kaya nakalimutan na niya ang takot niya sa atin. And I can’t let that happen. I can’t easily let her go free. She needs to feel the pain. She need to feel the fear again.”
Ang Elitista lamang ang tunay na nakaka intindi sa galit na nararamdaman ko para kay Krishna. Sila lamang ang nakakaalam kaya sila lamang ang nakaka intindi.
“We’re here, A. Alam mo ‘yan. Solid tayo hanggang sa pagtatapos natin. Huling taon na, Aly, huling taon na natin. Kaya natin ang lahat basta magkakasama tayo.” Sabi pa ni Julius na umakbay pa sa akin.
“Yes, A. They might call us bullies or whatever they want, but we know the truth, A. And remember, we are in this together.” Sabi ni Princess na nakisama na rin sa ‘pag yakap sa akin.
“Aww! Group hug, Elitists!” Sigaw naman ni Audrey, kung kaya’t pati sila Jake ay lumapit at nakiyakap na rin sa amin.
Kami ang mga Elitista. Kilala bilang mga bullies’ ng Elite High. Ang sabi nila ay nagagawa namin ang bawat naisin namin dahil lahat kami ay galing sa mayayaman na pamilya. Ang sabi nila, we can always get away because we ran the school! Marami ang galit sa amin, pero takot naman sila na harapin kami. Takot sila na maging target namin.
Maaari na bully kami sa paningin nila, pero hindi nila alam ang kuwento namin. Hindi nila alam ang mga sakit na pinagdaanan namin. Hindi nila kami lubusan na kilala pero hinusgahan na nila kami. Pero kahit ano pa ang sabihin nila, ang Elitista ang pamilya ko. Pamilya kami na gagawin ang lahat para sa isa’t-isa. More than being bullies, we know the true meaning of friendship. We experience joy together, but also most importantly, we suffer together. Walang iba na makaka intindi sa amin samahan. Kami lamang ang aalalay sa isa’t-isa at hanggang sa dulo, we will stand and fight for each other.
“Nag-iisip ka na naman, Babe?” Tanong ni Jake sa akin nang mapansin ang bigla na pananahimik ko.
“Iniisip ko lang na hindi na pala tayo sabay na papasok sa Lunes. And I hate it.” sagot ko sa kanya.
“Don’t worry, Babe, I have a plan. Umaga pa lang sigurado nang mag-iinit na ang ulo ng fiancé mo. After all, hindi tayo Elitista kung hindi tayo gaganti sa pang-iinis niya sa’yo, right?” Nakangiti pa niya na sabi.
“And what’s the plan?”
“Just wait and see, Babe. Sagot kita, ako ang bahala.” Kinindatan pa niya ako saka ako muli na ikinulong sa mga bisig niya.