Chapter 7

1870 Words
Hanggang ngayon ay nagngingitngit pa rin ako sa mga magulang ko. Hindi ko talaga lubos na maintindihan kung bakit ako ang dapat tumupad sa buwisit na kasunduan na ‘yon. Pero ako si Alyana Dominguez, I never backed down on a fight, kaya ito ang isang laban na sisiguraduhin ko na ako ang magwawagi sa huli. Yaman din lamang na pasaway ako, ipapakita ko iyon sa pamilya ni Niccolo. Tingnan ko lang kung gustuhin pa nila na matuloy ang kasalan kapag ipinakilala ko sila kay Alyana Dominguez, ang bully ng Elite High. Nagsuot ako ng micro mini-skirt at cropped top, tapos ay sinuot ko ang aking sneakers at nag light make-up with my signature dark red lipstick. I will beat everyone at their own game. Isang katok sa pinto ang narinig ko kasunod ang pagsilip ng aming kasambahay. “Mam Alyana, pinapatawag na po kayo sa baba.” “Okay. Pakisabi na lang na susunod na ako.” utos ko sa kanya. Tumayo ako mula sa vanity ko at inabot ang sling bag ko. Wala akong balak na magtagal dito na kasama ang pamilya nila Niccolo. Ipaparamdam ko sa kanila na hindi ko pa rin tanggap ang kasunduan na iyon kaya pagkatapos nang kainan ay aalis ako at kikitain ko ang mga Elitista. “Going somewhere, Alyana?” Tanong agad sa akin ni Papa nang makita niya ako. “I'm staying for lunch, but after that, I’ll be going out.” Walang emosyon na sagot ko sa kanya. “Sit down.” utos pa niya sa akin. Sinenyasan agad ako ni Mama na sumunod na lamang at huwag nang makipagtalo pa. “What is it, Pops?” “Hindi ko gusto ang ginawa mo na pag walk-out kagabi, Alyana. Nakakahiya sa pamilya nila Niccolo.” “Sheesh, Pa, give me a break! What do you expect me to do? Magtatalon sa tuwa na planado ninyo na pala ang pagpapakasal ko? Is that what you want me to do?” Sa aking inis ay hindi ko napigilan na magtaas ng boses sa kanya. Nakita ko ang paninigkit ng mata niya sa akin na hudyat na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko na pagsagot, pero ano ba ang inaasahan niya sa akin? “Alyana.” Pagsaway ni Mama sa akin nang makita ang naging reaksyon ni Papa. “What? Kasalanan ko na naman? For F’s sake, I’m just 19! Ang bata ko pa tapos ine-expect ninyo na magpakasal ako! At hindi lang magpakasal, magpakasal pa sa lalaki na hindi ko kilala! Well, I’m sorry, Pa, pero hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ninyo. You could have warned me about it. Sinabihan ninyo sana ako ng mas maaga para mas naihanda ko ang sarili ko at hindi iyon gugulatin na lamang ninyo ako.” Alam ko na pinipigilan lamang niya ang galit niya sa akin ngayon kaya napahilot na lamang siya sa kanyang sentido. “Alyana, we never asked anything from you. Ito lang ang hinihiling namin buhat sa'yo.” “Hindi naman madali ang hinihiling ninyo sa akin. Buhay ko ang kapalit nito kaya masama ba na maging ganito ang reaksyon ko? Gano'n pa man, nagagalit man ako sa desisyon ninyo ay susundin ko pa rin naman kayo. You know how much I love you both, and I will do anything just for you to be happy.” Pagkasabi ko noon ay nakita ko ang pagsilay ng tipid na ngiti kay Papa. May nais pa sana siya na sabihin pero naglakad na ako sa direksyon ng garden. “I’ll just be in the garden. Call me when they arrive.” Sobrang masama ang loob ko kaya mas pinili ko na lamang na libangin ang sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan na lamang ang mga litrato roon para libangin ang aking sarili. Karamihan sa mga litrato sa telepono ko ay mga kuha namin ni Jake. Napapangiti ako nang tingnan ko ang mga iyon pero hindi ko rin mapigilan na tanungin kung bakit ba hindi na lang si Jake ang pakakasalan ko. Bakit kailangan na si Niccolo pa? "Ehem.” Napalingon ako nang maramdaman na may tao sa aking likuran. Paglingon ko ay nakatayo roon si Niccolo. “What?” tanong ko sa kanya. “Well, I was forced to be here.” inis na sagot niya. “The feeling is mutual. Kung ayaw mo na nandito, mas lalo na ayaw ko na nandito ka.” “At sino ang gusto mo na makasama? Ang mga kabarkada mo na mga bully? Si Jake Marcelino?” “Well, tama ang mga hula mo na mas gusto ko sila kasama kaysa sa’yo.” Mataray na sabi ko pa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang din ang inis ko sa kanya. Siguro dahil malapit siya kay Krishna kaya lalo ako na nanggigigil sa kanya. Nang maalala ko si Krishna ay may parang bumbilya na umilaw sa utak ko. Oo nga pala, kailangan ko nga pala na magpanggap at tanggapin ang kasunduan na ito. “You’re weird, Alyana. Kanina lamang ay ang taray-taray mo, ngayon ngumingiti ka na.” “The nerve! You listen here, Madrigal. As much as you don’t want all of this, mas lalo ako. I don't like this, but I cannot do anything. So whether you like it or not, you’ll be my fiancé.” Madiin na sabi ko sa kanya habang titig na titig sa mga mata niya. Ang ganda ng mata niya parang nang-aakit, pero hindi ngayon ang oras para maakit ako. Sarkastiko siya na ngumiti sa akin na hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin. “You listen as well, Dominguez. I don’t like you!” Bigla ang pamumula ko dahil sa sinabi niya. Pamumula hindi dahil sa hiya o kilig kung hindi dahil sa galit na nararamdaman ko para kay Niccolo. The nerve na sabihin niya na ayaw niya sa akin! “What did you say?” gigil na tanong ko sa kanya. “I said, I don’t like you. I like someone else. But don’t worry, since I love my family vey much, I will agree to this marriage thing. But don’t expect me to fall in love with you, or even like you because I won’t.” matigas na sabi niya. Hindi ko malaman kung anong pagpipigil ng galit ang gagawin ko dahil sa pinagsasasabi niya sa akin. Alam ko na kapag gumawa na naman ako ng eksena ay hindi iyon magugustuhan ng mga magulang ko. He’s provoking me. Sinasadya niya na galitin ako para lumabas ang pagkamaldita ko. Well, I won’t give him that satisfaction. “It’s a pity then na hindi ako ang gusto mo. Pero gusto mo man ako o hindi, wala ka nang magagawa pa. You are bound to marry me. So say goodbye sa babae na gusto mo, because I don’t like sharing what’s mine.” Akma na lalakad na ako palayo, ngunit bago iyon ay muli ko siyang hinarap. “And don’t worry, Niccolo, I like being challenged! Kaya siguraduhin mo na hindi ka magkakagusto sa akin, or you’ll lose.” Kinindatan ko pa siya at mabilis na tinalikuran para hindi na siya muli na makapagsalita pa. Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang makasalubong ko ang ina ni Niccolo. “Tita.” Magalang na bati ko sa kanya. “Alyana, it’s nice to see you again. Pinuntahan ka ba ni Niccolo?” tanong niya sa akin. “Yes, Tita, nasa garden siya.” Nagulat ako nang hawakan niya ang mga kamay ko. Malamyos na tingin ang ipinukol niya sa akin at ramdam ko na may nais siya na sabihin. “I’m sorry, Alyana. I know you don’t want this. Alam ko na hindi mo gusto ang kasunduan na ito. But my son, Niccolo, he is a good man. He can very well take care of you, just as how your best friend takes care of you.” “Ah, eh it’s okay, Tita. Wala naman kami parehong magagawa but to accept the agreement. Don’t worry, I won’t back out. I’m sorry for the way I acted last night. Everything was just overwhelming for me.” Tumango-tango siya sa mga sinabi ko habang nakatitig pa rin sa akin. Naiilang na talaga ako sa mga magulang ni Niccolo, ang weird lang nila lahat. Hindi pa rin niya ako binibitawan kaya akma na hahatakin ko na ang kamay ko nang muli siya na magsalita. “Niccolo told me he likes someone else.” Nagulat ako at napatingin sa kanya. Hindi ko akalain na gano’n pala kalapit si Niccolo sa ina niya para aminin niya rito ang sinabi niya sa akin na may gusto siya na iba. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam ang aking isasagot. “Well, hindi natin siya masisisi, Tita. Parehas kami na nagulat at hindi handa sa bagay na ito.” “You like someone else also?” muli na tanong niya sa akin. “Si Jake? Gusto mo ba siya?” “Tita.” Dahan-dahan ko na tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya. “May gusto man ako sa iba o wala, it won’t matter anymore. I am bounded by a contract at susundin ko po iyon. Hindi ninyo po kailangan na mag-alala sa akin at baka mas dapat ninyo po isipin ang anak ninyo.” “Nico is-" “Mom.” Naputol ang sasabihin niya nang lapitan kami ni Niccolo. Pinagsasalit-salit niya ang tingin niya sa akin at sa kanyang ina. “I’ll go ahead. Sabay na kayo ni Alyana na pumunta sa dining area later.” Mabilis na paalam ni Tita upang marahil bigyan kami ng oras para makapag-usap. “What did you tell her?” inis na tanong agad niya sa akin. Sasagot pa lamang ako nang mag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko ay nakita ko na si Jake ang tumatawag kaya dali-dali ko na itinaas ang kamay ko sa mukha niya upang isenyas na sandali lamang at sasagutin ko lamang ang tawag. “Babe!” Masayang bati ko agad pagsagot ng telepono ko. “Babe, masyado ka yata na masaya sa pagtawag ko. Bakit iniinis ka na naman ng fiancé mo?” nang-aasar na tanong ni Jake sa akin. “Yeah, you guess it right.” sagot ko sa kanya. “Well sabihin-.” Nagulat ako dahil bigla na lamang na nawala ang cellphone ko sa mga kamay ko. Paglingon ko ay nakita ko na hawak-hawak na iyon ni Niccolo. “We’re still talking, call her later.” Maangas na sabi niya sa linya sabay pinindot para tapusin ang tawag. Nagsalubong ang kilay ko sa ginawa niya at sobra ang galit na nararamdaman ko ngayon para sa kanya. “You did not!” “I just did! You talk to me when I’m talking to you. I should be your priority. Ako ang fiancé mo at hindi ang Jake na ‘yon.” Sarkastiko pa niya na sabi sa akin. Pilit ko na pinapakalma ang sarili ko. Huminga muna ako ng malalim ng makailang beses para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko. Gusto niya na maging prayoridad ko siya, puwes, maghintay siya at iyon ang gagawin ko! “Be careful with what you wish for, Niccolo, because you might just get it.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD