Chapter 6

1938 Words
Disaster! Iyan ang tawag sa naganap na dinner namin kagabi. Isang malaking disaster. Hindi ko kinaya nang sabihin na fiancé ko si Niccolo kaya agad ako na nag-walkout habang hila-hila si Jake. Kitang-kita ko pa ang pagsasalubong ng kilay ni Papa sa ginawa ko habang pinipigilan siya ni Mama, pero gano'n pa man ay wala akong pakialam. Umalis ako ng bahay namin at dahil sa sobrang inis ko ay tumambay na lamang ako sa bahay nila Jake. Hindi ako nagpaalam sa mga magulang ko at hindi rin ako sumagot sa mga text at tawag nila. Ilang beses ako na sinabihan ni Jake na umuwi pero nagmatigas ako, kaya naman alam ko na sermon na naman ang aabutin ko ngayon umaga sa almusal dahil sa ginawa ko kagabi. Well, hindi naman nila ako masisisi sa naging reaksyon ko. They have caught me off-guard with that announcement. Sobrang sama nga ng loob ko at wala akong nagawa kagabi kung hindi ang umiyak na lamang kay Jake. Paano nila nagawa na ipagkasundo ang kasal ko? Worst sa isang lalaki na kaaway ko pa. Isang katok ang nagpatigil sa akin sa pag-iisip sa malaking problema ko. Hindi ako sumagot at itinakip na lamang ang unan sa mukha ko. Maya-maya ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan. “Alyana, sweetie.” tawag ni Mama sa akin. Hindi ako sumagot at nanatili na nakatabing ang unan sa aking mukha. “I know you’re awake. Please talk to Mama.” Kahit naiinis ako kapag ganito na ang boses at paglalambing ni Mama ay hindi ko kinakaya at mabilis na lumalambot ang puso ko at natutunaw ang galit at inis ko sa kanya. Dahan-dahan ko na inalis ang unan sa mukha ko at nagbuga ng hangin at marahan na umupo sa kama. “We know your mad, Sweetie. I know you're caught off guard with the announcement.” Simula ni Mama ng pagpapaliwanag. “That’s an understatement, Ma. Feeling ko ay may bomba na sumabog na lang basta sa mukha ko. Imagine the shock that I felt nang malaman ko na may fiancé ako?” inis na saad ko. “Sweetie, I’m sorry. We are really sorry for not telling you this earlier. I even don’t know how to explain, but you were contracted to marry Niccolo when you were seven years old.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. What? Seven years old pa lang ay ipinagkasundo na kami sa kasal? Aba! Nasa anong panahon ba kami? Anong era ba ito at ganito ang tema ng usapan namin ni Mama? Hindi ko akalain na sa panahon na ito ay may mga arranged marriage pa rin. “What?! Seven years old? Ang aga ninyo naman pala ako na ipinamimigay?” May halo na pagtatampo na sabi ko pa. “It’s not like that, Alyana. Hindi naman kaila sa’yo na ang lolo mo at ang lolo ni Niccolo ay matalik na magkaibigan. Nang pareho sila na maikasal ay nagkaroon sila ng kasunduan na ipapakasal nila ang mga anak nila.” “Ayun naman pala, mga anak nila ang dapat ikasal. Bakit napunta sa amin? Hindi ba at apo lang kami, Ma?.” Singit ko pa na hindi pinapatapos si Mama sa eksplanasyon niya. “Aly, parehas na lalaki ang naging anak nila. Ang Papa mo at si Tito Enrico mo kaya hindi natuloy ang kasunduan dahil do’n.” “Hindi naman na pala natuloy, so ano ang ganap namin ni Niccolo riyan?” “Dahil hindi natuloy ang kasunduan ng mga matatanda, nagkaroon ng bagong kasunduan sa pagitan ng Papa mo at Tito Enrico mo. Nagkasundo sila na kung sakali na isang lalaki at isang babae ang maging anak nila ay ipapakasal ang mga ‘yon bilang pagtupad sa kasunduan. Kaya noong seven years old ka, bago umalis ang pamilya ni Niccolo papunta ng Amerika ay nilagdaan ang kasunduan ng pagpapakasal ninyo.” “What?! I can’t believe this!” Ito lamang ang mga kataga na lumabas sa bibig ko. Hindi natuloy sa kanila kaya inaasahan nila na kami ni Niccolo ang magtutupad sa napagkasunduan ng mga lolo namin? “Don’t you think this is unfair, Ma?” “That’s why we want you to get to know each other. Niccolo is a good guy. He’s matured and he's very responsible.” “I don’t want to marry someone that I don’t love, Ma.” Muli ako na humiga at itinakip ang unan sa mukha ko. Pilit na tinatanggal ni Mama ang unan upang pakinggan ko siya. “Alyana, I’m really sorry about this. But maybe you can try? It’s not really hard to love someone lalo na kung mabait naman siya.” “You don’t understand, Ma.” Inis na sabi ko pa sabay bato ng unan ko. “He hates me. He doesn’t want to be around me. So how can you expect us to get married and worst fall in love kung hindi nga namin matagalan ang isa’t-isa?” “What did you do, Alyana?” “What?!” “I can’t believe that Niccolo hates you. He likes to be around people and he is easy to get along with. So ano ang ginawa mo para magalit siya sa’yo?” “I can’t believe this! Ma, ako ang anak mo, but why do I have a feeling na mas kinakampihan mo pa ang lalaki na ‘yon.” “I’m not siding with him, but I also know you. Alam ko ang mga kalokohan mo kaya kung sinasabi mo that Niccolo hates you, maybe you did something for him to hate you.” “Ugh! I can’t do this right now. Please leave me alone, Ma.” inis na sabi ko pa. Hindi ko maintindihan kung bakit nababaitan sila sa lalaki na ‘yon samantalang akala mo nga kung sino kung umasta. “Okay, I’ll leave you. Pinuntahan lamang din naman kita para sabihin na darating sila Niccolo.” “What?! Again? Why?” sunod-sunod na tanong ko pa. Talaga ba na hindi pa nakontento ang mga magulang namin sa pasorpresa na na balita nila at ito na naman sila ngayon na may binabalak na naman sa amin. “Well, you know well how the dinner ended right? You walked-out on us, so they’ll be back. Babalik sila para ipagpatuloy ang usapan na naputol kagabi.” “Ugh, I hate this! I hate my life!” “Alyana, just give it a try, please.” Seryoso ako na humarap kay Mama para maintindihan niya na hindi ko ito gusto. Hindi ko alam kung bakit nila ako pinaparusahan ng ganito. “Ma, I’m willing to get married.” “You do?” “Yes. But with a different groom!” “Alyana!” “I’m serious, Ma. How can you expect me to marry that- that boy!” “Alyana, may sakit ang lolo ni Niccolo at inaasahan nila na maikakasal kayo sa lalong madaling panahon para makadalo pa ang lolo niya. Please don’t make this hard for all of us.” Nainis ako sa tinuran niya. Ako pa ngayon ang nagpapahirap sa sitwasyon. Hindi ba’t ako ang dapat na magsabi sa kanila niyan? “I am making this hard for you? Hindi ba baligtad? You’re making this hard for me. Really hard. Mas maiintindihan at mas matatanggap ko pa kung kay Jake ninyo ako ipinagkasundo, atleast ‘yon tao na 'yun ay kilala ko at kilala ako. Marami na kaming alam sa isa’t-isa na hindi gaya ni Niccolo. Ngayon ko nga lang nakilala ang lalaki na iyon tapos kasal na agad ang usapan.” “Kaya nga we want you to spend time together. Get to know each other. The more you spend time, the more the feelings will grow.” “Wala bang kapatid ‘yan si Niccolo? Kahit sa kapatid na lang niya ako magpakasal basta't ‘wag na sa kanya, o kaya sa pinsan niya. Kahit sino sa pamilya niya, Ma, ‘wag lang sa kanya.” Pagmamakaawa ko pa pero lalo lamang akong nadismaya sa sinabi niya. “I’m sorry, Alyana, there’s nothing we can do. The marriage has to happen. The contract has to happen. Get-up at mag-ayos ka na bago pa dumating ang pamilya ni Niccolo.” Pagkasabi noon ay tumayo na siya at lumabas ng kuwarto. Naiwan ako na tulala at hindi alam ang mararamdaman. Sumasakit na ang ulo ko sa kaka-isip tungkol sa kasal na iyan. Ayaw ko nang mag-isip pa ng kung ano pa man, pero hindi ko naman maiwasan. Sa dami naman ng puwede na maging fiancé, bakit si Niccolo Madrigal pa? Bakit ‘yon tao na nasa hit list ko pa? Nabasag ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang isang text message galing kay Jake. “Are you okay, Babe?” Mabilis ako na sumagot sa mensahe na ‘yon at dahil alam ko na si Jake lamang ang makakatulong sa akin. “Barely okay, Babe. Alam mo ba na babalik na naman sila rito?" sagot ko sa mensahe niya. “Who? Your fiancé?” “And his family. Wala pa lang silbi ang ‘pag walk-out ko kagabi dahil may take two. I really hate this.” “I also hate the fact na may fiancé ka na, Babe.” sagot ni Jake sa akin. “Babe, remember you said that you always have my back?” “Yes, babe.” “Will you do anything for me?” “Pinapakaba mo ako sa mga message mo. But, yes, I will do anything for you.” “Good. Then marry me, Jake!” Nabasa niya ang huling mensahe ko pero walang naging tugon. Makaraan ang ilang segundo ay tumatawag na siya sa akin. "What?! Nababaliw ka na ba? Kahit gusto ko ang ideya mo na ‘yan, pero paano? How can I marry you kung meron ka nang fiancé?” “Simple lang. Propose to me, Jake. Mag-propose ka sa akin ng kasal at iyon ang tatanggapin ko.” sagot ko naman sa kanya. “Alyana, gusto mo ba na sugurin kami ng Papa mo? I really do want to help you, and I really want to marry you, alam mo ‘yan. Gusto ko, pero hindi ko alam kung paano.” Ang naguguluhan na sabi pa niya. Ramdam ko ang pagkagulat at pag-aalala sa boses niya. “Why? Akala ko ba ay tutulungan mo ako at gagawin mo ang lahat.” May pagtatampo pa na tanong ko sa kanya. “Let’s think about it this way, Babe. Bakit hindi mo muna sakyan ang gusto ng mga magulang mo? It’s like hitting two birds with one stone. Mapapasaya mo ang parents mo tapos mailalayo mo pa si Niccolo kay Krishna. Sigurado ako na lalayuan ni Krishna si Niccolo kapag nalaman niya na fiancé mo ‘yon. Siyempre hindi kaya ni nerd na mas lalo ka na galitin, kaya mawawalan siya ng kaibigan. In the end, ikaw ang mananalo at kapag nagawa mo na ang plano, you will break-up with Madrigal.” Mahaba na litanya pa niya sa mga plano. Napa-isip ako sa plano na ‘yon na sinabi niya. Jake has a point. Tama siya. I can do this! Napasaya ko na ang mga magulang ko, mapapasaya ko pa ang sarili ko kapag nawalan na naman ng kaibigan si Krishna. It’s a win-win situation. "You’re right, Babe. Tama ka! The plan now is for me to agree to this marriage thing, pero kung inaakala ni Niccolo na he can get away by crossing me, well nagkakamali siya. I’ll be the most difficult fiancée there is, after all, he is on my hit list.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD