“Weird. Ang weird nila. Napansin mo rin ba, babe?” Hindi mapakali na tanong ko kay Jake habang nakaupo kami sa gilid ng pool.
“Uhm, parang hindi naman. Baka nagulat lang sila kasi isang guwapo at isang maganda ang naabutan nila na magkayakap sa may pintuan, of all places.” Natatawa na komento pa niya.
“Pero parang may something eh. Bakit kailangan na ulit-ulitin ang babe? At ano ba ‘yon, tanong ba or sinasabi nila? Ang weird nila, grabe.” Napaka-weird talaga ng dating sa akin ng mag-asawa na ‘yon. May ibang pakiramdam ako na hindi ko mawari na parang may laman ang salita na babae kanina na ‘yon. Kaso wala naman akong maisip na iba pa na dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon nila.
“Tigilan mo na nga, babe. You’re being paranoid. Anyway, ‘wag mo na nga isipin ‘yon.” Umakbay pa siya sa akin at isinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat.
“I’m sad, babe.” sabi ko sa kanya.
“Alam ko, but don’t let it affect you. I’m here and I will always support you.”
“Sure ka riyan ha?”
“Oo naman. Ikaw pa ba, iiwan ko? Never!” Ikinulong niya pa ako sa braso niya at mahigpit na yumakap sa akin kaya gumanti naman ako ng yakap at ipinulupot ko rin ang mga braso ko sa beywang niya.
“This is nice.” sabi ko sa kanya.
“Yes, just you and me being ourselves. Away from the pretentions and the drama.” May laman ang mga salita na ‘yon ni Jake kaya tumango na lamang ako.
Kilala kasi kami sa Elite High bilang mga bullies. At tama naman din sila na mga bully kami. But behind those façade and masks are our stories. We each have our own stories to tell, and no one can judge us.
“Ang drama mo, babe.” Inilublob ko ang kamay ko sa tubig at binasa siya ng kaunti kaya lalo niya ako na ikinulong sa braso niya para kilitiin.
Hindi ako matigil-tigil sa pagtawa dahil sa pangingiliti ni Jake sa akin. Hindi rin ako makaalis-alis sa pagkakayapos niya kaya panay pagtili na lamang ang nagagawa ko. “OMG, stop it, babe. I can’t breathe!” sigaw ko. Ngunit patuloy lang siya sa pangungulit sa akin kaya tawa lang kami nang tawa na halos hindi na kami makahinga.
Nasa gano’n posisyon kami nang paghaharutan nang may marinig kami na mga boses na mukhang kami ang pinatutungkulan.
”Are they together, Stefan?” Boses iyon ng babae kanina.
“Ehem.” Napatigil kami nang malingunan namin si Papa na kasama ang kanina na mag-asawa na dumating. Agad kami na tumayo ni Jake at nag-ayos ng aming sarili.
“Papa.” mahina na bati ko.
“Enrico, Josephine, this is my daughter, Alyana, and her best friend, Jake.” Pagpapakilala sa amin ni Papa sa mga bisita niya. Agad ko na inilahad ang aking kamay sa kanila at inabot naman nila ‘yon pati ang kay Jake.
“So you’re bestfriends?” Sumilay ang ngiti sa mukha ng babae na tinawag na Josephine. “Perfect! I thought you’re in a relationship.” Yumakap pa sa akin ang babae pagkasabi no’n. Nang bitawan niya na ako ay agad ako na humarap kay Jake habang nakataas ang kilay ko. Nagkibit-balikat naman siya habang sinesenyasan ako na tumigil na.
“Well, we’re sorry at medyo na-late ang anak namin. May tinapos lang kasi sa eskuwelahan but he is on his way now as we speak.” Tumango naman si Papa at inanyayahan na ang mga bisita nila sa may garden area habang kami ay naiwan ni Jake sa may pool area.
Maya-maya lamang ay lumabas na rin si Mama galing sa bahay na punong-abala rin ngayon gabi. “Good Evening, tita.” bati ni Jake sa kanya.
“Good evening, Jake.” bati rin ni Mama. “Alyana, everything good?”
“Yes, Ma.”
“Okay. Sumunod na kayong dalawa sa garden at kakain na rin tayo..” Yaya niya sa amin. Tumango naman kami ni Jake bilang pagtugon.
“Alam mo, babe, parang tama ka.” banggit ni Jake sa akin pagkaalis ni Mama.
“Tama ako na ano?”
“Na may tama sila.” Pagbibiro pa niya habang hindi mapigilan na matawa kaya pabiro ko siya na hinampas sa braso. “Kidding aside, babe, medyo weird nga sila. Parang big deal sa kanila kung mag-babe tayo or mag best friend.”
Napa-isip naman ako sa sinabi niya dahil ‘yon nga ang kanina ko pa na napapansin sa mga bisita. “I told you, they are weird.”
“Lalaki ba ang anak nila?” Bigla ako na kinabahan sa sinabi na ‘yon ni Jake.
“Oo, sabi ni Mama ay lalaki.”
“Now I know why. Maybe their eyeing you for their son, kaya big deal sa kanila kung boyfriend mo ako or hindi.”
“What?!” gulat na tanong ko. Pero habang naiisip ko ay mas lalo na nagiging malinaw ang lahat. Maaari na tama ang sinasabi ni Jake at maaari nga na hindi lang sila ang may gusto nito.
Nasisigurado ko na kaya ayaw ni Mama na imbitahan ko si Jake sa dinner ngayon ay dahil malamang na ito ang iniiwasan niya na mangyari. Ayaw niya na isipin ng kanilang mga kaibigan na boyfriend ko si Jake dahil nga nirereto nila ako sa anak ng kaibigan nila.
Hay! Nakaka-inis talaga. Sinabi ko na nga na hindi ko gusto na ireto nila ako sa anak ng matalik na kaibigan nila pero pinipilit pa rin nila na mangyari iyon.
“Ano, gusto mo na ba ako mag-pretend boyfriend mo once umpisahan nila ang pag set-up sa’yo?”
“Gagawin mo ‘yon para sa akin?”
“Oo. I will do anything for you, babe. Ikaw lang naman ang ayaw magseryoso sa akin eh. Kahit totohanan na gawin kitang girlfriend ay call ako.”
“Hmp, tigilan mo nga ako, babe.” Pagsimangot ko pa sa kanya.
Masuyo siya na lumapit sa akin at inayos ang ilang takas na buhok at inilagay iyon sa likuran ng tainga ko. “Alyana, I will always be here for you, and that’s a promise. I will always have your back no matter what. Kahit anong side mo pa puwede ako.”
“Perv!” Natatawa na pinikot ko ang tainga niya kaya nauwi na naman kami sa paghaharutan na dalawa. Natigil lamang kami nang may muli na magsalita sa likuran namin.
“Sorry to bother, but is this the way to the garden?” Tanong ng lalaki na medyo baritono ang boses. Agad ako na napalingon nang makilala ang boses na ‘yon. At pagharap ko ay hindi nga ako nagkamali sa hinala ko: si Niccolo Madrigal.
“What are you doing here?!” Sabay na sabay pa namin na pagkakasabi nang magkaharap kami. Natigilan siya ng bahagya saka napahawak sa noo niya at pabulong na nagmura. Mukhang hindi niya rin nagustuhan ang paghaharap namin na ito.
“This is my house!” mataray na sagot ko sa kanya. “Why are you here?”
“My parents are here.” tipid na sagot niya.
“Ah, ikaw pala ang anak na binabanggit nila. Nando’n sila sa garden, dude.” Turo naman ni Jake sa kanya.
“Thanks! I’ll leave you two.” pagpapaalam niya.
“Buti naman.” sarkastiko na sagot ko.
Nang makaalis siya ay hinarap agad ako ni Jake “I have a bad feeling about this, babe. If he’s the son, alam mo na siguro kung kanino ka irereto ng mga magulang mo.” Sa sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko. Bumukas ang bibig ko pero walang salita ang makalabas. Tama si Jake. Kung si Niccolo ang anak nila, ibig sabihin si Niccolo ang ipinapares sa akin.
“Ma’am Alyana, pinapatawag na kayo sa garden dahil magsisimula na ang dinner.” Naputol ang pag-uusap namin ni Jake nang tinawag na kami ng katulong para kumain.
I have a bad feeling that this dinner will turn out to be a disaster waiting to happen. “Hey, babe.” tawag ko kay Jake bago kami pumunta sa garden
“Yeah?”
“Just be sure to be true to your promise that you always have my back, okay.” Paninigurado ko pa sa kanya. Tumango naman siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa garden.
Lahat sila ay napatingin sa pagdating namin. Nasa isang gilid ang mga Madrigal habang si Papa ay nasa head chair, katabi niya si Mama kaya umupo ako sa tabi ni Mams at umupo naman si Jake sa tabi ko. Katapat ko ang mama ni Niccolo habang si Niccolo at Jake naman ang magkatapat ng upuan.
“Let’s eat, everyone.” masaya na anyaya ni mama.
Akala ko ay mailulusot na namin ang tahimik at payapa na dinner na napuno nang usapan tungkol sa business. Sa sandali na oras ay matatapos na ang pagpapanggap na ito ngunit hindi ko inaasahan ang magiging sentro nang usapan ng oras na ng dessert.
“Maybe we should start the discussion, kumpadre.” sabi ng ama ni Niccolo. Ang lahat ay napatingin sa kanya.
Tumango naman si Papa at nagsalita, “Alyana, have you met Niccolo?” tanong ni Papa.
“Yes, pa. I actually volunteered to be his guide for the induction. Unfortunately, he doesn’t want to. Mayroon na raw po siya na nakuha na guide. It is Krishna Lopez.” Tiningnan ko pa si Niccolo at agad na nagsalubong ang kilay niya sa akin dahil sa sinabi ko
“What? Niccolo?” tanong ng ina ni Niccolo na si Josephine.
“I’m stuck with Alyana as per Dean’s orders.” Agad na napangiti ang babae sa tinuran ng anak niya.
“Perfect. That’s nice, Nic. Ang sabi ng Tita Casandra mo ay same course kayo ni Alyana, so you can spend time together and study together.” Halata ang excitement sa ina ni Niccolo pero ibang-iba ang nakikita ko sa mga mata ni Niccolo mismo.
“It’s okay, Mm, no need na guluhin si Alyana. I can perfectly manage on my own. Alam ko na abala rin sila ng grupo niya.”
“Oh no, iho. Alyana will help you. She has a lot of free time so she can very well guide you in school." singit naman ni Mama.
Nakakahalata na ako na talagang inirereto nila kami sa isa’t-isa. Marahan naman ako na sinipa ni Jake kaya agad na napatingin ako sa kanya. Nagsesenyasan kami ni Jake tungkol sa ginagawa ng mga magulang namin ni Niccolo at kitang-kita ko rin na pinapanood kami ni Niccolo sa mga oras na ‘yon. Nagkibit-balikat na lamang ako sa kanya. Eh 'di isumbong niya kami, pakialam ko.
“Ang plano ko ay sa lalong madaling panahon, kumpadre. Puwede na ilang buwan bago sila magtapos o pagkatapos ng graduation. Pasensya na at minamadali namin ito. Alam ninyo naman na may sakit ang Papa Manolo ngayon. Gusto sana namin na bago siya mawala ay matupad ang kasunduan.” muli na singit ng ama ni Niccolo. Ang weird talaga ng tatay niya.
“I agree, kumpadre. Mas maaga mas maganda. Sasabihin namin kay Papa ang plano para muli sila na magkita ng matalik niya na kaibigan.” sagot naman ni Papa.
“Well, very good. Alyana starting next Monday, Niccolo will pick you up. Sabay na kayo na papasok at uuwi.” Para ako na nabingi sa sinabi ng ina ni Niccolo. Ano raw? Parang ang pagkakasabi pa niya no’n ay hindi open for discussion. Parang pinal na pinal na ang desisyon niya. Napaharap ako kay Mama na ngiting-ngiti sa mga oras na 'yon.
Kahit naiinis ay magalang ako na sumagot sa nanay ni Niccolo, “Ah it’s okay, tita. Jake and I go to school together all the time. Hindi na po kailangan.”
“Oh, no can do, sweetie. I’m sorry, Jake, but I know you can understand.” Sagot na naman niya sa akin habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Jake. “Alyana it’s just right na ang fiance mo ang maghatid at sundo sa’yo sa school at hindi ang best friend mo.”
Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko, ano raw fiancé? Fiance ko si Niccolo Madrigal?
“What?!” sabay namin na sigaw ni Niccolo.