Chapter 4

1845 Words
“Oh! Sweetie, you’re early today?” Ito ang malambing na bati sa akin ng aking ina pagkapasok ko sa aming bahay. Naupo ako sa sofa at tumabi naman si mama na may dala na plato ng cookies. “Yes. Maaga na natapos ang klase ko and I don’t feel like making tambay today. Hinatid ako ni Jake pero umuwi na rin siya.” Kuwento ko naman sa kanya. Kilalang-kilala nila si Jake dahil high school pa lamang kami ay naging magkaibigan na kami nito. Iisa ang ekslusibong subdibisyon na tinitirahan namin at lagi kami na magkasama noon pa man. Kaya naman tanggap na tanggap na rin siya rito sa bahay namin. “Okay. That’s good. Buti at maaga kayo umuwi ni Jake on a Friday. I am supposed to call you para pauwiin ka talaga ng maaga dahil nag-request ang papa mo ng dinner.” “Dinner? Why, Ma, may event ba tayo or party? Kaya rin pala na abalang-abala ang lahat eh.” tanong ko pa sa kanya. Pagpasok ko pa lamang sa malawak na bakuran namin ay kita ko na agad ang pagiging abala ng lahat ng katulong, kaya naisip ko na malamang ay mayro’n okasyon na iseselebra na naman. “Sweetie, dumating na ang pamilya ng bestfriend ng lolo mo. Remember, ‘yon madalas ko na maikuwento sa’yo na malapit na kaibigan ng pamilya natin pero nag-migrate sa Amerika? Bumalik na sila.” “Uh-huh! So?” “Well, bumalik na sila rito sa Pilipinas. Na-ospital kasi ang best friend ng lolo mo kaya nila napagdesisyunan na agad nang bumalik dito at hindi na nahintay pa na makapagtapos ng pag-aaral do’n ang anak nila. Inanyayahan sila ng papa mo na mag-dinner ngayon dahil naging matalik na rin na kaibigan ng papa mo ang anak ng matalik na kaibigan ng lolo mo.” “Oh, okay. So kaya pala abala ang lahat dahil may bisita pala na darating.” Kumuha ako ng cookies na nakalapag sa lamesa at agad na kinain iyon. Wala naman akong pakialam sa mga bisita na darating dahil hindi ko naman talaga sila kilala. “Ang pamilya lang naman ng bestfriend ng papa mo ang darating ngayon. At kung hindi ako nagkakamali, parang kasing-edad mo ang kanilang anak na lalaki.” “I’m not interested, Ma. Alam mo naman na ayaw ko na ipinapartner kung kani-kanino. Gusto ko ako mismo ang magkakagusto at mahuhulog sa lalaki na gagawin ko na boyfriend ko.” Natawa sna lamang si Mama sa mga sinabi ko dahil naging hobby na kasi niya na ireto ako sa anak ng malapit na kaibigan ni papa, at kahit noon pa man ay tinatanggihan ko na iyon. “Well, he’s a nice young man, Alyana. He's more mature than guys your age. Get to know him first, okay?” “I don’t like mature guys, Ma. Eww! I’m looking for a boyfriend not a father. And besides, mature guys seems boring. Duh! Anyway, can I invite Jake to the dinner?” Singit na pagtatanong ko para lamang maiba na ang itinatakbo ng usapan namin. “Uhm, don’t you think he will feel out of place? Pareho na pamilya natin ang magdi-dinner, and we cannot invite his family dahil this is a special dinner for your papa’s friend.” “It’s okay, Ma. I’m here so Jake will definitely be okay. Payag ka na okay? Not unless you don’t want me to stay?” Nag-pout pa ako para lalo na madali na mapapayag si mama. “Okay, he can come. As long as you stay, he can join us. It is important that you attend the dinner.” Sagot pa niya sabay pakawala ng malalim na buntong hininga. “Yes, Ma, promise! Sige, akyat na muna ako.” Nagmamadali na ako na umakyat papunta sa kuwarto ko pagkatapos ng usapan na ‘yon. Hindi ko alam ano ang mahalaga na papel na kailangan ko na gampanan sa dinner na ‘yon at kailangan ko pa na maging present. Alam ko sa tono pa lamang ng nanay ko na ayaw niya na imbitahan ko si Jake ngayon, pero bakit naman? It’s as if may something sa dinner na ‘yon with their family friend. And besides, kaibigan ko si Jake so wala naman siguro na masama if pupunta siya dahil parang mini reunion of sorts lang naman ang magaganap. Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay kinuha ko agad ang cellphone ko at agad na tinext si Jake upang sabihan ang tungkol sa dinner. “Hey, babe.” text ko sa kanya. Ilang segundo lang ay mabilis siya na nag-reply. “Yes, babe? Anything wrong?” sagot niya sa mensahe ko. “Nothing’s wrong. Are you busy? Want to join us for dinner?” muli na sagot ko. “Dinner with whom?” “Well, darating ang family friends nila papa and I’m sure that I’ll be bored as hell, so maybe it’s better kung nandito ka.” “Are they okay about it?” tanong niya sa akin sa mensahe. “Ang dami mo naman na tanong. Basta be here seven in the evening. Sharp. Heart-heart, babe.” pagpapaalam ko sa kanya. “Fine. May magagawa ba ako? See you at seven. Heart you.” sagot naman niya. Pagkatapos ko na i-text si Jake ay humiga muna ako sa kama at nag-isip. There’s something fishy about mom and the dinner. Hindi ko lang masabi kung ano. Well, nariyan naman si Jake and if worst comes to worst, I can always go out with Jake and leave the damn dinner. Nasa gano’n ako na pag-iisip nang bigla ko maalala ang nangyari sa unibersidad. Isang lalaki lang ang agad na pumasok sa isip ko: Niccolo Madrigal. Well truth be told, he is very good looking. Charming even with that cute dimples and oh so breathtaking smile, but he is stubborn as hell. Nais ko sana siya na maging kaibigan, kaso kinaibigan niya si Krishna, so clearly he will be on my hit list instead. Napakasuwerte talaga ng Krishna na iyon at isang kagaya ni Niccolo Madrigal ang na-gayuma niya, pero sisiguraduhin ko na ako pa rin ang may huling halakhak. Hindi pa ako tapos sa pagpapahirap kay Krishna kaya hindi pa siya ligtas kahit na nariyan si Niccolo! Isang group chat ang natanggap ko at nang tingnan ko iyon ay galing ang mensahe kay Audrey. Isang litrato ang pinadala niya. Isang litrato ni Krishna at ni Niccolo na magkasama sa cafeteria. Masayang-masaya si Krishna at ngiting-ngiti habang kausap si Niccolo. Isang mensahe ang sumunod na pumasok pagkatapo ng litrato. “Queen A! Your pet is enjoying the hot stuff! Can’t blame her, though. Sa sobrang guwapo ng lalaki na ‘yan, jackpot si nerd diyan.” mensahe ni Audrey. Nag-init ang ulo ko sa pinadala ni Audrey. Buwiset talaga! Lalo lamang talaga ako na ginagalit ni Krishna. She can’t be happy. Hindi siya puwedeng maging masaya, until I say so. Isang text ang muli na pumasok galing naman kay Jake. “Don’t think about it, babe. Let her have her happy moments then we’ll get her back.” “Definitely, A! We’re always behind you.” muli na dugtong ni Audrey sa mensahe. “Yeah right, Aly! Babalikan natin ang pet mo.” pagsang-ayon naman ni Julius. “We’re not the Elitistas if they don’t pay right?! Cheer up, A. Don’t let this girl ruin your fun.” mensahe naman ni Princess. “Thanks, guys, for always having my back!” Iyon na lamang ang naging sagot ko. Pagkatapos ng palitan ng mensahe na ‘yon ay itinabi ko muna ang cellphone ko dahil ayaw ko na tuluyan pa na masira ang gabi ko nang dahil kay Krishna. Lubos-lubusin na niya ang saya niya dahil sa susunod na magkita kami ay baka makalimutan niya ang ibig sabihin ng salitang masaya. Pinagpasyahan ko na maligo na at magsimula nang mag-ayos para sa pagdating ni Jake at ng mga bisita. Pumasok ako sa banyo at naisipan na magbabad muna sa bathtub. Kailangan ko na pakalmahin ang isip ko. I need to relax to get that girl out of my head. Makalipas ang halos mag-iisang oras ay lumabas ako at nang makita na pasado alas sais na pala ay nagsimula na ako na mag-ayos. Pumunta ako sa walk-in closet at naghanap ng maisusuot. Wala naman sinabi si mama na dapat pormal ang suot kaya naisipan ko na lamang na kunin ang aking shorts at cropped top. Nagsuot na lamang ako ng sneakers tutal ay hindi naman pormal ang dinner. Pinatuyo ko ang aking buhok at naglagay lamang ng light make-up pero kasama ang signature red lipstick ko. Sakto mag-aalas-siyete ng gabi nang matapos ako na mag-ayos. Nagpabango pa ako saka sinilip ang cellphone ko kung nag-text na ba si Jake. Habang wala pa siyang text ay naisipan ko muna na gawin ang ilan sa mga assignment ko sa eskuwelahan. Maya-maya lamang ay tumunog ang cellphone ko at nang makita na si Jake na 'yon ay dali-dali na ako na lumabas ng kuwarto. Nakasalubong ko pa si Mama paglabas ko sa kuwarto. “Oh! Iha, good to know na maaga ka na nakapag-ayos ngayon for the dinner.” Ngumiti ako at sumagot, “Ma, Jake’s here. Hindi ako maaga because of the dinner. Maaga ako because may usapan kami ni Jake.” “You’re not allowed to leave, Aly.” pagpapaalala niya sa akin. “I know, Ma. We’ll be at the poolside, okay.” Mabilis ako na tumakbo pababa ng hagdan upang matigil na si Mama dahil alam ko na ang susunod na papansinin niya ay ang suot ko. Nagmamadali ako na tumakbo papunta sa pintuan at sakto naman na papasok na si Jake kaya tumakbo ako at agad na yumakap sa kanya nang makita ko siya. “Babe, thanks for coming.” Agad naman siya na ngumiti at yumakap din sa akin. “Babe?!” Sabay kami na napalingon ni Jake sa boses ng lalaki na nagsalita sa likuran niya. Nakita namin do’n ang mag-asawa na titig na titig sa amin dalawa. Nakakunot ang noo ng babae at nakatitig sa mga kamay ni Jake na kasalukuyan na nakayakap sa beywang ko. Naestatwa kaming apat sa posisyon na ‘yon dahil sa gulat. Teka lang, sino ba ang mga ito na kung makatingin sa amin ni Jake ay parang may ginagawa kami na masama? Sila ba ang bisita nila papa? “Babe?!” ulit na sabi naman ng babae sa patanong na paraan. “Ah, Enrico! Nariyan na pala kayo. Halika, pasok kayo.” Pagyaya ni Papa na nakarating na pala at ngayon ay nasa likuran ko naman. Hindi pa rin inaalis ng mag-asawa ang pagkakatingin sa amin ni Jake, at sa hindi ko rin malaman na dahilan ay naestatwa lang talaga kami sa posisyon na magkayakap. “Ehem, Alyana.” tawag ni Papa na nagpabalik sa amin ni Jake sa katinuan kaya bigla kami na naghiwalay. “Go-good evening po. See you later.” Magalang na bati ko saka ko nagmamadali na hinatak ang kamay ni Jake papunta sa pool area.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD