Chapter 19

1997 Words

Salubong ang kilay ni Niccolo nang makauwi siya ng bahay. Galit at inis ang nararamdaman niya dahil pagkatapos niyang hintayin si Alyana para sana makapag-usap sila ay dinaanan lamang siya nito sa parking area na parang hindi man lamang siya nito nakita at wala man lang lingon-lingon na sumakay sa sasakyan ni Jake Marcelino. Nais niya na makausap si Alyana dahil alam niya na nasabi na ni Dean ang tungkol sa proyekto na pagsasamahan nila. Umaasa nga siya na magwawala ang babae sa inis sa kanya dahil doon pero laking gulat niya nang binalewala siya nito at kay Jake na naman sumabay. Naiinis na talaga siya sa Jake Marcelino na iyon na akala mo kung sino kung umasta. Kaibigan lang ni Alyana pero daig pa siya na fiancé kung makakilos. Sabagay, hindi naman din niya inaasahan na may magbabago

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD