“She doesn’t want anything to do with you at the moment. Kaya siguraduhin mo, Niccolo, that you will fix this bago pa ito makarating sa lolo mo. Ayusin mo ito bago pa tuluyan na umurong si Alyana sa kasal because of you and Krishna" Paulit-ulit na naaalala ni Niccolo ang mga salita na iyon ng kanyang ina. Bigla siyang natililihan sa kaalaman na sumusuko si Alyana sa kasunduan ng kasal nila. Hindi niya inaasahan ang sinabi na iyon ng kanyang ina kaya lubha siyang nababahala ng mga sandali na iyon. Nakakaramdam siya ng matinding takot sa ngayon. Takot sa maaari na kahinatnan ng kalagayan ng lolo niya kung tatalikod sa kasunduan si Alyana. Ayaw niya na lubhang sumama ang loob nito dahil sa kagagawan niya. Lalo nang gumulo ang magulo ng isip niya. Bakit ba kasi kailangan na si Alyana pa ang