Inis na inis si Niccolo sa kanyang sarili sa mga oras na iyon. Hindi niya malaman kung ano ang pumasok sa isip niya at umamin siya kay Krishna na gusto niya rin ang babae. Bakit nga ba niya naisip na sabihin na gusto niya ito ng higit pa sa kaibigan? Ano ba ang ibig niya na sabihin doon? Siya man tuloy ay nalilito sa mga nangyayari sa kanya. Ngayon tuloy ay mas lalo nang nagsala-salabat ang problema niya. Hindi pa nga niya nagagawa na ayusin ang problema niya sa paghingi ng space ni Alyana sa kanya, ngunit, ngayon isang problema na naman ang umusbong dahil sa sariling katangahan niya. Hindi siya sigurado kung ano ang magiging reaksyon ni Alyana kapag nalaman nito ang balita na nobya na niya si Krishna, pero sigurado siya na ngayong araw ay makakarating na iyon sa babaeng nakatakda niyang