Masyadong magulo ang araw na ito dahil sa sunod-sunod na kaguluhan na nangyari. Hindi pa nga naayos ang unang problema namin ay ito na naman at may dumagdag pa. Ano ba talaga ang plano ni Niccolo Madrigal? Napupuno ako ng galit dahil sa patuloy niya na pagpapahiya sa akin, kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na simula ngayon siya ang maghahabol at magmamakaawa sa akin. Kanina lamang umugong ang balita sa buong unibersidad na sila na ni Krishna at aminado ako na apektado ako sa balita na iyon. Oo, nagsinungaling ako sa mga kaibigan ko dahil ayaw ko na kaawaan nila ako. I acted as if I didn't care because that was my first step in making Niccolo beg for me. Plano ko iyon pero hindi ko rin inaasahan na gano'n kabilis na maaapektuhan si Niccolo, kaya naman ikinagulat ko rin ang mga naging k