Magulong magulo ang isip ni Niccolo nang makarating siya sa kanilang bahay. Hindi niya alam kung paano mabibigyan ng solusyon ang lalong lumalaki na problema niya. Alam niya na isang pagkakamali talaga ang nagawa niya nang umamin siya kay Krishna na may gusto rin siya rito dahil ngayon ay mas lalo nang lumabo ang samahan nila ni Alyana. Sa totoo lamang ay hindi niya rin alam kung bakit niya ginawa ang mga bagay na ginawa niya. Hindi niya rin matiyak kung ano ba ang tunay na nararamdaman niya para kay Krishna. Hindi siya sigurado kung ang pagkagusto ba na nararamdaman niya na iyon ay sa kadahilanan lamang na naawa siya dahil sa nakikita niya na pinag-iinitan ito ng mga Elitista o dahil ba sa gusto niya talaga ang babae. Nagdiretso siya sa kanyang kuwarto at agad na nagkulong doon. Hindi