Ang plano na pag-amin ni Niccolo kay Krishna ay hindi pa rin niya nagagawa kahit isang linggo na rin ang nakalipas buhat ng araw na iyon na magkagulo-gulo sila. Sinubukan man ni Krishna na alamin ang mga pangyayari ay naging matipid ang mga sagot niya. Ang gusto kasi niya ay maipaliwanag ang lahat at tapusin na kung ano man ang namamagitan sa kanila para rin wala na siyang masaktan kanino pa man kina Alyana o Krishna. Plano niya talaga na gawin iyon kaya humahanap lamang siya ng tiyempo at tamang pagkakataon para isiwalat ang lahat kay Krishna. Hindi maitatanggi na iniiwasan din niya ang babae upang huwag na lalong magkaroon pa ng mga balita sa Elite High na lalo lamang makapagpapagalit kay Alyana. Buti na lamang din at naging abala rin siya sa ilang gawain sa unibersidad at halos hindi r