Laking pasasalamat ko na napapayag ko si Papa sa munting eksena at pag-arte na ginawa ko dahil kung hindi pa iyon naging epektib ay hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. Sobra na ang sakit ng ulo ko sa mga pangyayari ngayon at ang nasa isip ko na lamang ay ang maayos kahit paano ang kaguluhan at ang pare-pareho na kami na makakain at makapagpahinga. Ang harsh nila sa akin, galing ako sa biyahe tapos ganito pa ang salubong nila. Kung hindi lang talaga kasi nagpasaway ang Niccolo na ito ay wala sana kami sa sitwasyon na ito. Nang pumayag si Papa na makapag-usap kami ni Niccolo ay agad na siya na tumayo at sinenyasan ang mga magulang ni Niccolo na sumunod sa kanya. Tinapunan muna ako ng makahulugan na tingin ni Mama saka siya nagdiretso palabas at sumunod kina Papa. Nang makalabas na