Tahimik na nakaupo si Alyana sa coffee shop habang nagbabasa ng ilang mga dokumento. Hinihintay niya rin si Niccolo ngayon dahil kaatapos lang ng kanyang miting. Abalang-abala si Aly sa ilan mga proyekto na nakalinya nila para sa bahay-ampunan. Mahigit isang taon din sila na hindi nakabisita sa mga bata roon simula nang lumipad sila ng mga Elitista papunta ng South Africa. Dahil sa na-miss nila ang mga bata roon ay naisipan nila na bumalik para sa isang outreach event ulit. At ang proyekto na iyon ang pinagkakaabalahan nila sa ngayon. Habang seryoso na seryoso si Alyana sa kanyang ginagawa ay malalakas na tunog ng takong ang pumailanlang sa coffee shop. Hindi na niya nilingon iyon dahil sanay na sanay na siya sa mga kababaihan na madalas nagpapataasan ng ere sa tindahan na ito. She used

