“What happened, Alyana? Sigurado ka ba na hindi ka ginulo o sinaktan ni Krishna? Tell me, please.” Ito ang tarantang-taranta na bungad ni Niccolo nang makapasok kami sa kanyang sasakyan matapos niya kami na maabutan ni Krishna na masinsinan na nag-uusap kanina. “I am okay, Nic. Stop it.” tipid na sagot ko na lamang. “May sinabi na naman ba siya? Ginugulo ka na naman ba niya? Ano na naman ang issue niya?” sunod-sunod pa na tanong niya sa akin. “Defensive ka ba? Bakit may itinatago ka ba sa akin?” taas-kilay na balik tanong ko sa kanya. “What? Of course, not. Gusto ko lang masiguro na wala siyang kalokohan na naman na ginawa sa’yo. I don’t trust her with you anymore.” “I am fine, Nic. Can we end this conversation now?” Mataray ko pa na sagot kaya tumahimik na lamang siya at hindi na mul

