PANGDALAWANGPOT-ANIM NA KABANATA Nang imulat ni Agatha ang mga mata niya, isang umagang napakaganda, pero nang maalala niya ang lahat ng nangyari, agad siyang napabalikwas at lumibot ng tingin. Saka lang niya na isip na hindi ito ang silid niya, hindi ito ang kama niyang ginagamit, nakikitira lang siya, agad siyang bumangon at umalis sa kama, wala na rin ang higaan ng binata sa sahig, iniisip niya kong late ba siyang nagising, hindi siya nagkakamali dahil alas ocho na ng umaga ayon sa orasan sa side table. “Sh*t,” bulalas niya, agad siyang lumabas ng silid, napakatahimik, hinanap niya ang binata sa kusina pero hindi niya ito nakita. Lumapit siya sa lamesa at naupo sa harapan n’un, may maliit na nakasulat sa piraso ng papel na nakadikit sa lamesa, nakasulat doon ang bilin ng binata: HINDI