PANGDALAWANGPOT-PITONG KABANATA Maggagabi na ng makauwi si Alex sa bahay niya, binuksan niya ang lahat ng ilaw, hindi niya nasilayan doon si Agatha, bigla niyang naalala na baka na andoon pa ‘yon sa bahay niya, ginusto niya talagang makauwi agad dahil kay Agatha, agad niyang kinuha ang cellphone para matawagan si Jane kong kasama ba si Agatha. May iba siyang nararamdaman, parang kaba, pero inaalis niya ‘yon sa isipan niya, dahil bigla lang niya naramdaman. Ilang ring pa hanggang sa may sumagot sa kabilang linya, “hello Jane, kasama mo ba si Agatha, sinamahan mo ba siya bumalik sa bahay niya kanina? Kasama mo parin ba siya ngayon?” sunod-sunod niyang tanong kahit na hindi pa siya sigurado kong tama ba ang natawagan niya. “Huh, hindi ko siya kasama, si Dante lang, bakit wala ba siya dyan?”