One Month Later Honey's POV "Nagugutom ka na ba?" tanong ni Geoff sa aking tabi habang ako naman ay abala sa pagtitig ng suot kong mga singsing sa daliri. Isang engagement ring na minuto lang nangyari at isang wedding ring. "Medyo pero kaya pa naman." "We're about to land." "Hmnn." Tumango naman ako sa kanya bago muling pinasadahan ng tingin ang suot kong mga singsing. Kasalukuyan na kami ngayong sakay ng eroplano at malapit na rin kaming mag-land sa NAIA terminal airport. Hindi natuloy ang dapat sana ay pag-uwi namin ng maaga sa Pilipinas dahil sa masyado nang nag-enjoy si Geoff sa honeymoon namin sa England. Tinotoo na nga niya ang ipinangako niya sa akin na pamamasyal ngunit ilan pa lang sa mga sikat na pasyalan sa England ang napupuntahan namin. Hindi kakayanin ang buong United

