WARNING: RATED SPG! HONEYMOON. Honey's POV Napuno ng kasiyahan ang buong Warwick Castle sa pagdaraos ng kasal naming dalawa ni Geoff na hindi ko akalaing mararanasan ko sa gabing ito. Finally, I am now Mrs. Fairford. Nagkaroon ng tugtugan, kantahan at sayawan sa napakalawak na dining room. Nakilala ko rin ang mga kamag-anak, mga kapatid at mga pinsan ni daddy Rowan. Naririto rin ang mga magulang niya na lola at lolo na namin nila Geoff. They also have friends here and co-workers. Naririto rin ang ilan sa mga kaibigan nila Gab, Georgia at Rhyleigh. Kaya naman pala napakarami din naming bisita at halos mapuno ang buong bulwagan. Wala namang kapantay ang sayang nararamdaman namin ngayon ni Geoff. We smiled all night as we faced them all and I'm also very thankful for the full support t