CHAPTER ONE

1699 Words
Papasok na sana si Captain Ruiz sa kanilang office nang biglang narinig ang sigaw ng isa sa matalik na kaibigan. Kaya't imbes na tumuloy siya ay ito ang pinuntahan. "Pare, ano ang nangyari? Dinig na dinig sa labas ang boses mo," aniya nang nakalapit. Ngunit kahit wala itong sagot ay alam na niya ang nangyari. Sigurado siyang sumemplang na naman ito. "Kung aasarin mo lang ako, Ruiz, mas mabuting manahimik ka na lang. Bumalik ka sa opisina mo at maghanda. Tumawag si Abrasado ay kailangan niya ang back up," tugon nito. Kahit lagi niya itong inaasar ay alam niya kung kailan manahimik at kung mangangantiyaw. At sa narinig niya ay agad siyang sumeryoso. Sherwin Abrasado ay isa rin sa matalik niyang kaibigan. "Bakit, Pare? Nasaan si Abrasado? Why he wants back up? Is there's something wrong?" seryoso at sunod-sunod niyang tanong. Tuloy, ang sumemplang na si Captain Aguillar ay nakaisip din ng pangganti sa kaibigan. "Buddy, machine ka ba?" "What? Ano ang kinalaman ng machine sa tinanong ko?" "Kasi naman, Pare, dinaig mo pa ang machine gun sa pagsasalita. Aba'y sunod-sunod. Ano ako machine din na sunod-sunod sa pagsagot?" Sa tinurang iyon ng kaibigan niya ay napabunghalit siya nang tawa. Ngunit nang maalala ang kaibigan nilang nangangailan ng back up ay agad siyang sumeryoso. "Kidding aside, Pare. Nasaan ba si Abrasado? C'mon tell me and let's go and help him," aniya. "Ayon sa kaniya ay pabalik na sana siya rito sa kampo nang may nakasalubong siyang rumaragasang sasakyan. Wala siyang ibang choice kundi ang ibangga ang owner niya sa sementadong poste. Dahil kung hindi niya iyon ginawa ay magsalpukan sila ng sasakyang animo'y ibon sa bilis nang pagpapatakbo," pahayag ni Captain Aguillar. Sa narinig ay napakuyom ang palad niya. Hindi na nga matapos-tapos ang krimen sa bansa ay dumagdag pa ang mga kaskaserong driver. "Let's go, Pare. Daanan na lang natin Sir General upang makapagpaalam... Hey! Watch out! Hindi pa tayo nakaalis ngunit bukol na naman iyang napala mo!" Mabilis siyang lumipat sa kinaroroonan nito. Aba'y paalis na nga sila ay nauntog pa ito sa nakabukas na bintana! "Go ahead, men. Actually, tumawag na rin sa akin si Abrasado. Don't worry about your time here. It's a call of duty, so go ahead," tinig nang balak nilang daanan sa opisina. Ang Boss nila sa Camp Villamor. "Hand salute!" Sumaludo pa silang dalawa bago muling nagpatuloy. Right after the general answered their salute, they rushed out. Their friend need to be rescued. After sometimes... "Pare, natatandaan mo ba ang plate number ng sasakyang bumangga sa iyo?" tanong ni Artemeo nang nalinisan na ang sugat ni Sherwin. Agad din naman kasi nilang dinala sa clinic ng Camp Villamor. Kaya't agad ding naagapan ang mga sugat na natamo nito. Napag-alaman naman kasi nilang hindi lang pala basta nagkasalubong ang dalawang sasakyan. Kaya pala bumangga ang sasakyan nito sa sementadong poste dahil sinadya itong binangga ng driver. "Oo, Pare. Kahit nandidilim ang paningin ko kanina ay tinandaan ko iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Isulat mo, Pare, dahil hindi natin alam kung may mga taenga ang dingding," tugon nito. Ngunit bago pa siya makahingi ng papel at ballpen ay binunot na ni Jonas ang cellphone. Doon nito inilagay ang importanteng impormasyon para sa ikalulutas ng pagkaaksidente ng kaibigan nila. Few days later... Camp Villamor, Baguio City "Good afternoon, Sir." Sumaludo si Captain Aguillar sa opisyal na nagpatawag sa kaniya. "Carry on, Captain Aguillar. Maupo ka at may sasabihin ako sa iyo." Itinuro ng opisyal ang mga nakahelirang upuan. Sa pag-aakalang may nagawa siyang kasalanan ay agad siyang humila ng upuan saka naupo paharap sa opisyal. "Ah, Sir, ano po ang pag-uusapan natin? May nagawa ba akong kasalanan?" agad niyang tanong nang nakaupo na siya ng maayos. "Oh, don't think that way, Captain Aguillar. Pinatawag kita dahil gusto ko sanang pakiusapan ka at ng mga kaibigan mo. Ako na sana subalit hindi naman siguro lingid sa iyong kaalaman ang tungkol sa operasyon namin," sansala ng opisyal. Sa narinig ay nakahinga siya ng maluwag. Akala naman kasi niya ay nagawa siyang kasalanan. Ganoon pa man ay muli siyang nagtanong dahil sa pagkakaalala sa huli nitong pahayag. Mayroon daw itong pakiusap sa kaniya. "Sir, ano po pala ang pakiusap mo sa akin?" tanong niya. "Maari bang ikaw at ang dalawa mong kaibigan ang susundo sa pinsan ko sa airport? I mean sa NAIA," anito. "Kailan po, Sir?" muli niyang tanong. Wala naman kasing problema sa kaniya kung siya ang luluwas upang sunduin ang pinsan nito. Opisyal niya ito kaya't kailangan niyang sundin. At isa pa ay tungkulin niya iyon, ang pangalagaan ang kaligtasan ng taong bayan. "That would be tomorrow morning. Nasa biyahe na siya sa oras na ito. Dahil nang tumawag kaninang nasa bahay ako ay nasa paliparan na ng Harvard. Kung bibiyahe kayo ng mga kaibigan mo ngayong gabi ay magpang-abot kayo bukas sa airport. Use my car for you to have faster and secure trip," pahayag nito. Kinuwenta niya ang oras. Tama nga ito, punong-puno ng trapiko ang kalsada kapag day time trip. Subalit kung sa gabi ay mabilis lamang din lalo at private car ang gagitin nila. Kaya naman ay muli siyang nagsalita. Baka isipin pa ng Boss niyang ayaw niya. "Okay, Sir. I will talk to my friends. What's the details, Sir?" patanong niyang tugon. "Oh, thank you very much, Captain Aguillar. Heto ang envelope, nandiyan lahat ang maari n'yong pagkilanlan sa kaniya. At nandiyan na rin ang cash na gagamitin ninyo. Don't look at me that way, Artemeo. Kulang pa iyan sa pagpayag mo na sunduin ang pinsan ko. I'm your Boss but I'm giving you a job that it's put of the line." Masayang pasasalamat ni Officer Allen Johnson nang napansin ang pagtutol ng tauhan niya nang nabanggit niya ang tungkol sa pera. He know him very well. Ito ang taong ayaw na ayaw ang nang-aabuso. Wala na ring nagawa pa si Artemeo dahil mismong ang opisyal niya nagbigay ng pera. Alam naman kasi nitong day off nilang magkakaibigan tuwing araw ng huwebes. Kaya't wala siyang dahilan upang tanggihan ito. Hawak-hawak ang folder na galing sa opisyal niya ay bumalik siya sa opisina niya. Kaso! "F*ck! What the hell you are doing ?!" sa gulat ay napalakas ang boses niya dahil sa kamuntikan niyang pagkasubsob. "Excuse me, Captain Aguillar, it's time to go home. But what's on that cursed?" mapang-asar na tanong ni Sherwin. Wala namang ibang nakakapasok sa opisina ng kaibigan nila kundi silang dalawa ni Jonas. Sinabihan din sila ng sekretarya nito na nagtungo ang Lampa nilang kaibigan sa opisina ng opisyal. Kaya't nakaisip sila ng kalokohan sa loob mismo ng opisina nito. Iyon nga lang ay mukhang sumobra ang biro nila dahil kamuntikan na naman itong sumemplang. "Kayong dalawa, ano na naman ang kailangan ninyo sa akin at nandito kayo?!" Kamuntikan na nga siyang mapasubsob sa sahig ay nagawa pa siyang pagtawanan ng dalawa niyang kaibigan. Talagang makakatikim ang mga ito sa kaniya! "Pare, ayan ka na naman sa pagiging masungit mo. Aba'y wala ka na ngang love life ay masungit ka pa. Kasasabi nga ni Pareng Sherwin na oras na nang uwian ngunit tinatanong mo pa kung ano ang ginagawa namin dito." Nakatawa namang inalalayan ni Jonas ang Lampa nilang kaibigan. Actually, mabait naman ito. Nagkataon lamang na napagtuunan na naman nilang biruhin. Ganoon naman talaga silang tatlo. Kagaya lamang sila ng ibang grupo, may harutan, asaran. Ngunit kung oras ng trabaho ay walang halong kalokohan. Hapon na kasi at oras na nang uwian kaya't dinaanan nila ito. Dahil iisang barangay lang sila uuwi. At isa pa ay iisang araw ang day off nilang tatlo. "Seriously, ano ba iyang hawak-hawak mo, Pare?" ilang sandali pa ay tanong ni Jonas nang nakaupo na ng maayos ang kaibigan. "Trabaho natin bukas iyan mga, Pare. Kaya ako ipinatawag ni Sir Cameron dahil sa trabahong iyan. Kung may mga date kayo bukas or mamayang gabi ay cancel ninyo. Huwag kayong maging babaero dahil may lakad tayong tatlo bukas," pahayag ni Artemeo. "Off natin bukas, Pare. Wala na ba tayong pahinga?" sa narinig ay napaupo ng maayos si Sherwin mula sa pagkasandig sa mono block chair. Kaso ang masungit at lampa niyang kaibigan ay pinanindigan ang pagkamasungit. Dahil napatingin ito sa kaniya na salubong ang kilay. "Nasa iyo na kung ayaw mong sasama. Basta tinanggap ko na ang trabahong iyan. At bago Ka magreklamo ay basahin mo muna ang nilalaman ng envelope na iyan," anitong nakakunot-noo. Kaya naman ay inabot niya ang envelope. "Wow! What a beautiful lady. Who is she? A target or a spy or perfect partner made in heaven?" usal niya kaso pabiro siyang binatukan ni Jonas na nasa tabi niya. "Tsk! Tsk! Basahin mo muna ang nakasaad bago ka magkomento." Nakailing ito kasabay nang pagbatok sa kaniya. Kaya't agad niyang pinasadahan ang nakasaad. "Surene Boromeo. Kaano-ano siya ni Boss Allen?" muli niyang tanong. Kaso! "Kapag ako ang mainis sa iyo ay talagang hindi kita isasama. Kaya nga inilagay sa envelope ang mga papeles na iyan dahil confidential. Hindi maaring marinig ng ibang tao. Ngunit dahil kahit may mga tupak kayo ay pinagkakatiwalaan ko pa naman ang mga tulad ninyo. Isang tanong, isang sagot. Sasama ba kayong dalawa sa akin mamayang gabi paluwas ng Manila?" patanong na pahayag ni Artemeo. Subukan nilang sumalungat sa kaniya sa oras na iyon ay talagang bibigwasan niya sila. "Don't worry, Pare. Kahit naman mga palabiro tayo ay hindi pa naman kaya ng konsensiya naming hayaan kang bumiyahe na mag-isa. Anong oras ba?" muli ay tanong ni Sherwin sa seryosong boses. "Be ready after dinner. Daanan n'yo ako sa bahay. Don't worry because Sir Cameron let us to use his car. Sa bahay na lang natin pag-usapan ang ibang detalye total pare-parehas tayong off duty bukas." Sa wakas ay nakangiting pinaglipat-lipat ni Artemeo ang paningin sa dalawang kaibigan. Well, aminado naman siyang lampa o sablay siya. Madalas siyang madulas, minsan kahit nasa trabaho sila kapag umaatake ang kalampahan niya ay hindi niya naiiwasan. Minsan pa nga nasa operasyon sila ay kamuntikan na siyang sabugan ng granada subalit eksaktong nadulas siya mula sa pinagkukublihan nang may naghagis ng granada. Kaya't imbes na siya ang napuruhan ay siya ang nakapatay sa taong naghagis ng granada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD