CHAPTER TWENTY-ONE

1597 Words
DAHIL nawawala ang folder nila ay nagpatawag ng meeting si Mr Montero. "It's been a while, guys. Pero wala pa rin ba tayong lead kung nasaan ang folder? If I'm not mistaken, nawala iyon noong isang buwan. Meaning, ganoon na rin katagal nating hinahanap," paunang pahayag ni Mr Montero matapos batiin ang bawat isa. "Iyon ngayon ang problema, Boss. Dahil kahit ano'ng gawin naming paghahanap ay wala talaga," lakas-loob na sagot ng isa. "Kung nawala iyon ay wala na tayong ibang choice kundi ang tanggapin ito. Dahil wala rin namang nakakaalam kung saan nahulog o nawala---" 'No! I must be imagining. Dahil ako ang may hawak sa folder na iyon. Kung bakit kasi naisipan kong mag-jeep ng araw na! Tama! Nang dahil sa pag-inat ng babaemg salot na iyon ay baka nabitawan ko. Ngunit saan ko ngayon hahanapin ang letseng babae? Hindi ko nga alam kung ano ang plate number ng sinakyan kong jeep.' "Boss, okay ka lang ba? Tatawag na ba ako ng mag-check up sa iyo?" Dinig niyang tanong ng right hand man niya. "Oh, don't bother. May naaalala lang ako," tugon niya bago bumaling sa hepe na kapwa nila nasa iisang daan. "Abaya, may lead ka na ba kung nasaan ang pamilya Boromeo sa ngayon?" tanong niya. "Wala pang latest, Boss. Dahil ang huli namang balita ay nag-migrate sila sa America mahigit sampung taon na ang nakalipas," tugon nito. 'Hay*p ka, hepe! Tama yata ang iba kong tauhan na manmanan kita! Wala man lang akong napapala sa iyo!' Lihim siyang napangitngit dahil sa isinagot nito sa kaniya. Ganoon pa man ay kinalma niya ang sarili. Dahil wala pa siyang sapat na ebidensiya kung tama ang hinala nila rito na isang double face man. "Kung ganoon, sino ang naninirahan sa malaking bahay? Balita ko ay hindi nawalan ng tao ang bahay na iyon," aniyang muli. "Abg nakabili siguro, boss. Dahil nabalitaan nnaman nating lahat na ibenenta iyon ng mga Boromeo bago nag-migrate sa America," paliwanag naman ng isa. Sa narinig ay napangiti siya. "Well, umaayon pa rin sa atin ang panahon. Kahit may nakabili na ay kailangang mapasaatin ang lupaing iyan. By crook or by crook, dating gawi, what we want is what we get. Laboratoryo ang silbi ng lugar na iyon," paismid na wika ni Mr Montero. Ang hindi alam ng mga ito ay kahit kailan man hindi ipinagbenta ni Surene ang bahay nilang iyon. Doon siya dumeretso nang isang buwan. Di nga lang siya nakabalik agad dahil sa paglalayas ng hipag niya. Pero huwag silang pakakasigurado. Ano pa ba't alagad siya nang batas kung wala siyang nagagawa? "Pero, boss, may problema tayo ngayon," wika ng isa. "Ano iyon, Lopez?" Baling at tanong ni Mr Montero. "Diba nawawala ang folder? Ayon sa sabi-sabi ay nandito raw sa probinsiya natin ang isa pang dalaga ng mga Boromeo," paliwanag nito "Ikaw, Lopez, bakit ba napakamatakutin mo? Kahit nandito siya ay nag-iisa lang samantalang marami tayo. At kung ang folder ang inaalala mo ay maraming paraan!" Napangisi niya itong binalingan. Subalit dahil sa binitiwan niyang salita ay napabaling lahat sa kaniya ang mga kasamahan sa organisasyon. "Ooops! Huwag n'yo akong tingnan ng ganyan. Dahil alam ko namang nakukuha n'yo ang ibig kong sabihin. PATAYIN ang paharang-harang." Well, hindi lang iyon ang unang beses nilang maglinis ng daan kundi dati ng gawain. NASA kahabaan ng daan ang magkasintahan ng tambangan sila ng mga armadong kalalakihan. Kaya't nawalan ng control ang preno. Dahil dito ay pinili ng binata na ibangga ang sasakyan sa puno. Subalit dahil na rin lakas ng impact nito ay nagmistulang damit na nakasabit ang sasakyan sa puno at anumang oras ay mahuhulog sa bangin. Nang mahalata ni Artemeo na walang pag-asa na makaligtas sila ay kinausap niya ang kasintahan. "Lampa ko, tandaan mong kahit ano man ang mangyari ay mahal na mahal kita," aniya. "Ang mga hay*p naman kasing nilalang ay pinahihirapan pa tayo eh!" Ngitngit nito na hindi man lang pinansin ang binitiwan niyang salita. Kaya naman ay mas lumambong ang kaniyang mukha. "Oo na, Sablay ko. Mahal na mahal kita. Susme, nasa bingit tayo ng kamatayan ngunit nakukuha mo pang magdrama! Ikaw at ako ang nababagay sa isa't-isa. Kaya't wala akong ibang mamahalin kundi ikaw!" Mahal na mahal naman niya ito. Ngunit nadagdagan lang ang pagkainis niya dahil nakuha pa nitong magdrama. Napangiti naman si Artemeo ng marinig ang tinuran ng kaniyang nobya. One! Two! Three! Sabay nilang pagbibilang at magkahawak kamay na sinipa ang pintuan ng sasakyan. Pero napalakas yata sila sa pagsipa dahil naunang nahulog o lumipad sa ere ang dalaga. "Lampaaaaaaa!!!" sigaw ni Artemeo ng makitang bumulusok pababa ito. Kaya't agad niya itong sinundan. "Hindi! Hindi ito maaari!!!" nagmistula man siyang bubuyog na bulong nang bulong ay hindi niya inalintana dahil sa kagustuhang masundan ang kasintahan. PAK! PAK! PAK! Tatlong magkakasunod na sampal ang gumising sa binata. "What the hell is going on? Lampa ko, bakit ka nanampal?" agad niyang tanong ng bumalikwas dahil sa sunod-sunod na sampal. "Hoy, Sablay! Kung mambubulabog ka lang din naman ay sa sala ka na magpatuloy matulog! Aba'y mukhang kahit sa iyong panaginip ay giyera ang iyong iniisip! Hah! Kahit sina Tatay at Nanay ay siguradong gising dahil sa pagsisigaw mo!" nakapamaywang na pahayag ng dalaga. Hell yah!!! It's just a dream! Naman! Nasampal nang wala sa oras! "ANAK! Artemeo, ano ba ang nangyayari sa inyo diyan. Artemeo! ! !" Malakas na kalampag ng mag-asawang Gorya at Ruben sa magkasintahan. Sapo ang pisnging nasampal ng dalaga ay tinungo ang pintuan para pagbuksan ito. "Magandang umaga, Nanay." Pagbati niya nang mapagbuksan ito. "Magandang umaga rin sa iyo, anak. Dinig na dinig sa buong kabahayan ang iyong sigaw. Ano ba ang nangyari? May problema ba?" muli ay tanong ng Ginang. Subalit bago pa man makasagot ang binatang kernel ay nasa tabi na niya ang kasintahang lampa. At siguradong mamanugangin ng mga Aguillar! "Mas maganda po tayo sa umaga, Nanay." Masaya nitong pagbati sa ina. "Mas maganda ka pa sa umaga, anak. Maaga pa pero maaliwalas na ang iyong mukha. Pero teka lang, anak. Ano ba ang nangyari at dinig na ding sa kabahayan ang malakas na boses ni Artemeo?" patanong ding sagot ng Ginang Naman! Mukhang malakas sa mga magiging in laws ang dalaga! Inirapan muna ng dalaga ang binatang kakamot-kamot sa batok. "Tara na po sa baba, nanay. D na lang po ako magkukuwento," sagot ng dalaga sa matanda bago umangkla rito at sabay pumanaog. Naiwang pakamot-kamot at naiiling ang binata dahil dito. Mukhang ibebenta na naman siya ng kasintahan sa mga magulang niya. Naku poh! Juice coloured! ONE WEEK LATER! SA Barangay Di Matanao Sittio De Makita. Isang concerned citizen ang hindi nakatiis sa pamamalakad ng mga awtoridad. Naisipan nilang magpulong para gumawa ng plano. "Mga kasama hindi pa ba kayo nagsasawa sa ganitong buhay? Habang tumatagal mas nagiging palalo ang mga taong namumuno sa atin. Hanggang kailan tayo mahubuhay na laging natatakot? Hanggang kailan tayo magpapadala sa kanila? Ilang mga kababaihan pa ang mawawasak ang puri? Wala ba tayong gagawing aksiyon laban sa kanila?" pahayag ng pinuno ng lihim na samahan sa kanilang lugar habang ipinagala ang paningin. "Pare, kung gusto mong ikaw ang sumunod sa mga sinasabi mong nagsakripisyo ay mauna ka nang kamilos. Wala akong planung ilagay sa pilegro ang aking pamilya." "Tama naman si Waldo, pinuno. Ano ba ang magagawa natin kumpara sa kanila. Mga de kalibre ang kanilang gamit samantalang ni baril ay wala tayo." Kung may mga sumalungat sa ipinahayag ng pinuno ay mayroon ding mga sumang-ayun naman. "Mga kaibigan may ipapkiusap lamang kami sa inyo, sana kahit hindi kayo sang-ayulon sa plano namin ay suportahan niyo sana kami sa aming gagawin," sabad ng isang sumang-ayun sa kanilang pinuno. Lihim namang napangiti ang pinuno. Dahil buong akala niya ay walang sang-ayon sa kanilang plano. Magsasalita na nga sana siya subalit may nauna namang nagwika. "Marahil ay hindi kami sang-ayon sa plano ninyo. Pero asahan ninyo na susupurtahan namin kayo. Natatakot lamang naman kami para sa aming pamilya. Kaya't ayaw naming makisali diyan. Ipagdadasal namin ang inyong tagumpay mga kasama?" pahayag nito. "Narinig ko at bali-balita sa ating lugar maganda raw ang pamumuno ng Camp Villamor sa Baguio. Luluwas ako mamayang gabi para saktong umaga ay nandoon ako. Kung lagi tayong magpaalipin sa ating takot ay walang mangyayari sa buhay nating lahat. Kaya dudulog ako at ng sino sa atin na nais sumama. Alam kong matutulungan nila tayong lahat," muli ay saad ng pinuno. Naging matagumpay ang kanilang pag pupulong. Sinupurtahan nila ang planu ng nakakarami. Maging ang gagastusin nila kada luwas ng mga ito ay ambag ambag sila. Sa ngalan ng katahimikan they need to sacrifice. Nakahanda na ang mag kasintahan na lumuwas pabalik ng Baguio nang tumunog ang cellphone ni Artemeo. At sa pagdukot niya ay nadulas at nahulog sa sementado nilang bakuran. "Langya naman, badtrid!" bulong niya na hindi nalingid kay Lampa. "Tssss. Naman, mahal, eh sino ba tumatawag?" natatawang tanong ni Rene. "Naman mangantiyaw ka pa. Di--- Hindi na nasagot Artemeo ang tanong ng nobya dahil ang hawak naman nitong cellphone ang tumunog. Naka-mobile f*******: daw! Tune in sa HOPELESS ROMANTIC STORIES! !! "Hello? Yes, pauwi na kami riyan sa Baguio. What? Okay, boss, tell them to wait. Bye!" sunod-sunod niyang sabi sa kausap. "Mahal, tara na. Si general ang tumawag may naghahanap daw sa akin." Baling ng binata sa kasintahan. "Nay, tay, mauna na po kami. In God's will babalik na lamang po kami next time," sigaw ni Surene at inagaw na niya ang manibela at siya magmamaneho! Bahala ang mga bodyguards ng sablay dulay niyang mahal na hahabol! It gonna be fun, men!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD