CHAPTER TWENTY

2195 Words
ISANG buwan ang matuling lumipas. "Sure, Kernel Aguillar. Alam kong may sinusunod tayong law of protocol. Ngunit dahil dumaan naman kayong parehas sa legal na paraan ay pipirmahan ko ang bakasyon ninyo. Ngunit isang linggo lang. Isa kang high ranking official ng kampo kaya't kailangang mayroon kang kasamang bodyguard," pahayag ni General Valdemor nang nagpaalam si Artemeo. "Okay lang, General. Dahil ang rason ko lang naman ay formal kong ipakilala ang kasintahan ko sa aking pamilya," tugon ng binata. "Go ahead, Kernel. Nakausap ko na ang kapwa ko General at pumayag sila. Kaya't sige na. Ayusin mo na ang kakailanganin ninyo ng kasintahan mo. Ah, a piece of advice as your father, mag-ingat ka palagi. Dahil isang hakbang na lamang ay BG na ang next position para sa iyo. I've witnessed how you devoted your life in serving our country and countrymen." Tinapik-tapik na ng general ang isa sa most loyal and trusted man ng kampo. Tanging pasasalamat ang nanulas sa labi ng binata saka sumaludo at bumalik sa kaniyang opisna. "MGA sir nandito pala kayo. Aba'y mukhang may nagawa akong kasalanan ah," pabiro niyang sambit. Aba'y nais niyang kabahan. Wala naman silang operasyon sa pagkakaalam niya. Ngunit nasa opisina niya ang magkakaibigan kasama na roon ang pinsan ng Lampa niyang kasintahan. "Ikaw naman, bayaw. Porke bat pinuntahan ka namin dito ay may kasalanan ka na?" Pangangantiyaw tuloy ni Allen. "Huwag kang kabahan, Artemeo. Nandito lang kami dahil nagpaalam si bunso na sasama raw sa iyo sa Bontoc. On leaved daw kayong dalawa ng isang linggo. Wala namang problema sa bagay na iyan dahil magkasintahan kayo. What I want to say is, gawin ninyong legal. Kung gusto ninyong lumagay sa tahimik ay walang hindi sasang-ayon. Alam n'yo namang noon pa man ay umaasa kaming kayo ang magkatuluyan. Alalahanin mong iba ang buhay doon kaysa dito sa Baguio." Straight to the point ang Attorney Calvin! Tuloy! "Straight to the point, Parekoy?" Panunukso ni Bryan. "Tsk! Natural na iyan ni Pareng Roy, dude. Kailan mo ba siya nakitang nagpasikot-sikot?" "Tama si Dude Roy, Artemeo. Maaring bihira kaming sumama roon kapag dumadalaw ang Kuya Roy mo pero sang-ayon ako sa kaniyang pahayag. And one thing more, magdala ka ng ilang bodyguards para sa kaligtasan ninyong dalawa." Pinaglipat-lipat na rin ni Oliver ang paningin sa kaibigang nanukso at sa newest Kernel ng Camp Villamor. SAMANTALA labis-labis ang pasasalamat ni Artemeo sa mga very supportive na circle of friends na binuo raw ng Kuya Roy niya noon sa Massachusetts. Ngunit dahil sa kagustuhang makapagsilbi sa bansang pinanggalingan ay nag-aral silang muli upang maari silang makialam sa batas ng bansa. "Thank you sa inyong lahat mga Sir. Sir muna dahil nandito tayo sa kampo. Dibale na kung nasa labas. Seriously, iyan din ang pinag-usapan namin ni Rene. Kaya ko siya isasama dahil balak ko na siyang yayaing magpakasal. Ngunit bago iyan ay kailangan ko munang ipakilala sa pamilya ko. About bodyguards ay si General mismo kanina ang nagsabing huwag akong bumiyahe ng walang securities. Kaya't walang problema. Apat ang aprobadong sasama sa amin." Well, wala na siyang mahihiling pa. Nagsimula siya sa pinakamababang puwesto noon as Lieutenant. Ngunit sa kasalukuyan ay newly promoted siya as Kernel. "Masaya akong marinig iyan, Artemeo. Dumaan ka sa bahay mamaya dahil may ipapamigay ang Ate Sheryl mo kina Nanay at Tatay. Alam mo namang hindi maaring walang ipadala ang Ate mo. Ah, pakisabi na rin sa kanila ang tungkol sa binyag ni Charles Victor," muli ay sabi ni Roy. Ngunit dahil nasa Camp Villamor premises pa sila ay hindi na sila nagtagal. Kahit naman founding pioneer sila sa kampo ay mayroon pa namang Law of protocol. KINABUKASAN dahil inabot din sila ng siyam-siyam sa magkabilang panig ay madaling araw na ng bumiyahe sila. Ang maganda nga lamang ay nakatulog at nakapahinga ang mga ito. Dalawang sasakyan. Siya mismo ang nagmaneho sa sinakyan nilang magkasintahan at ang isa ay mga tauhan/bodyguards ang sumakay. Beep! Beep! Beep! Sunod-sunod na pagbusina ng binata at iyon din kumuha sa atensiyon ng mag-anak. "Diyaheng bata ito. Hindi man lang nagpasabing darating. Ruben, buksan mo nga ang gate." Utos ni Nana Gorya sa asawa. "Tara na, Sablay. Hindi pa ba tayo papasok?" nakasimangot na sabi ni Surene sa kasintahang nasa harapan ng manibela. "Tsk! Napakamainipin mo talagang, Lampa ka," nakailing na sagot ng binata. Oo, ganoon silang dalawa. Sablay at Lampa ang tawagan nila. Unique diba? Matapos naipasok ng binata ang kaniyang sasakyan ay nauna nang bumaba ang dalaga. "Pasok muna kayo, guys. Huwag ng Sir. Nandito tayo bilang pamilya kaya't tawahin n'yo ako sa pangalan. Nanay at Tatay sa magulang ko." Baling ni Artemeo sa mga tauhan. "Iyan ang hindi maari, Kernel Aguillar. Maaring nandito tayo sa labas ng Kampo pero superior ka pa rin namin. Ah, total may kubo at puno rito sa harapan ay dito na kami upang maka-guwardiya." Maagap na pagsalungat ng isa. "Tama si Sarhento, Kernel Aguillar. We appreciate your kindness to us. But we are declining your offer. Don't worry about us, Sir." Pagsang-ayon pa ng isa. Kaya naman ay hindi na umangal si Artemeo bagkus ay kinuha niya ang cash sa wallet. Ilang libo man iyon ay hindi na niya binilang. "Total ayaw ninyong pumasok sa loob ng bahay ay kunin ninyo ito. Pambili ng kahit ano'ng gusto n'yo. May store si Nanay kayat maari kayong bumili. Padagdagan ko na lang kay Nanay ang almusal upang mayroon din kayo." Hindi na rin niya hinintay na mayroong makasagot sa mga ito bagkus ay tinapik-tapik niya ang tauhan sa balikat. NANG nawala na siya sa imahe ng mga tauhan. "Walang hindi magmamahal at susuporta kay Kernel sa ugali niyang iyan. Tauhan niya tayo ngunit kailanman ay hindi ko naramdaman iyan kundi pamilya kung ituring nag bawat isa." "Tama ka, brod. Napasama ako sa team ninyo noong nasa Major siya. Ngunit masasabi kong wala siyang ipinagbago. Down to earth pa rin siya kagaya ng mga founding pioneers ng kampo." "Opisyal siya pero kailanman ay hindi ginamit ang posisyon upang manakot at magsamantala sa mga tao." "Bagay na bagay sila ni Ma'am Surene. Narinig ko minsan Sablay ang tawag sa kaniya at lampa naman kay Ma'am." "Kahit sino ang mag-offer sa akin. Gawin man double ang sahod ay hindi ko sila ipagpapalit." Usapan ng mga bodyguards. Iyon nga lamang ay hindi na narinig ng magkasintahan. Lalong-lalo na si Surene dahil nauna itong pumasok. "MANO po, tatay." Maagap na nagbigay-galang si Surene sa ama ng mahal niyang Sablay. "Kaawaan ka ng Diyos, Hija. Pasok ka. Nasa loob ang Nanay ninyo," magiliw na sagot ng matanda. "Salamat po," nakangiting tugon ng dalaga. Nag-iisa siyang anak. Napapalibutan ng katulong. Hanggang sa nasa tamang gulang ay mayroon siyang Yaya. Ngunit ang kasiyahang bumabalot sa pagkatao niya sa oras na iyon ay ibang-iba. Kaya naman nagpatiuna siyang pumasok. Kaso! Bago pa niya marating ang main door ay kamuntikan siyang nadapa! Mabuti na lamang at to the rescue ang mahal niya. "Dahan-dahan lang, Lampa." Panenermon nito. "Aba'y kanina ka pa sermon nang sermon, Sablay Dulay. Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakasermon?" nakasimangot na sagot ng dalaga. Tuloy! Ang mag-asawang nasa harapan nila ay napatawa. Indeed! Ang kanilang anak ay nakatagpo na rin ng perfect match. Literal itong Sablay. At sa pagkaunawa nila ay ganoon din ang kasintahan. Lampa naman daw! KINAGABIHAN dahil na rin sa mahaba-haba nilang biyahe ay maagang nagpaalam ang magkasintahan na maagang matutulog. "Surene anak, maraming salamat sa pagdalaw mo sa aming munting tahanan ay higit sa lahat ay salamat sa pagmamahal mo sa aming ana," pahayag ni Nanay Gorya. "Walang anuman po, Nanay. Kahit bugnutin abg Sablay Dulay kong iyon ay mahal na mahal ko po siya," nakangiting tugon ng dalaga. "Ate, bagay na bagay kayo ni Kuya Art. Para kang Holywood actress at si Kuya ay ganoon din. Ah, alam ko na. Parang kayo iyong bida sa Pearl Harbor. Iyong Ben Aflick. Pero..." Sinadya namang binitin ni Kimberly ang nais sabihin. "Pero ano, Kim?" nakataw namang tanong ni Cora. Kahit pa sabihing alam na niya ang sasabihin nito. "Isang Sablay at isang Lampa po, Ate." Hagikhik nito. Tuloy! Napahalakhak silang lahat kasama na ang Lampa! Akala nga nila ay maaasar ito. Subalit kabaliktaran naman. Dahil pinagyayakap ang dalawang dalagita. "Alam ko iyan mga sisters. WE ARE DESTINED TO BE TOGETHER," saad ni Surene ngunit mas nagdulot lamang iyon ng maugong na halakhakan. "Maraming salamat, anak. Kako masuwerte ang magmamahal sa aming anak. Dahil isa siyang ulirang anak. Dininig ito ng Diyos at mas masuwerte pa siya sa iyo," ilang sandali pa ay wika ni Nanay Gorya. Ngumiti naman ang dalaga. Damang-dama niya ang sensiridad ng mga ito sa kaniya. Ibubuka pa nga lamang niya ang labi upang sagutin ang mga ito. Subalit eksakto namang pumasok ang kasintahan. Galing ito sa labas inasikaso ang mga pinsang bumisitsa nang malamang dumating ang pinsan nilang kernel. Binilinan din ang mga tauhang magsalitan sa pagtulog. Then... "Mauna na po kami ng Sablay ko, Nanay, Tatay, Cora at Andy." Nakangiting paalam ng dalaga saka umangkla sa bisig ng kasintahan. Kung gaano kainit ang pakikihalubilo nito sa kanila ay mas naging mainit pa sila. Nais nilang iparamdam na tanggap nila ito. Kung may reaksiyon man sila ay iisa lamang. Nakangiti silang lahat. Ngiti na may kahulugan. Ngiting mapanukso! Pero siyempre hindi na nila ginawa iyon. SAMANTALA nang nasa silid na sila ni Artemeo ay binuksan ng binata ang bintana. Kaya naman ay kitang-kita ni Surene ang balkonahe na hindi mapapansin kapag kasa labas. Lalo na at si Artemeo lang din naman ang nakakaapak doon. "Wow! Paraiso, Mahal! Ang ganda!" ani Surene. (Wow! May sweetness ka rin pala sa katawan, Lampa!) "Ikaw pa lang ang makakaapak diyan, Lampa ko bukod sa akin. Dahil noong ipinagawa ko ito ay ipinangako kong walang ibang makakaapak dito kundi ang babaeng mamahalin ko. At ikaw iyon, mahal." Ngumiti si Artemeo sa kasintahan. "Mahal na mahal din kita, Sablay ko. Kahit pa ikaw ang pinakamasungit sa buong mundo. Maraming-maraming dahil tulad mo ang aking inibig," tugon ng dalaga. Ilang sandali pa ay magkatabi na silang nakaupo sa sementadong upuan. Nakaakbay ang binata samantalang nakayakap na nakasandig ang dalaga sa binata. "Everything for you, mahal. Gagawin at ibibigay ko. Ikaw, ano ang plano mo ngayon?" balik-tanong ng binata. Pilyang samugot ang dalaga saka ninakawan ito ng halik. "Wala este mayroon at ito ang pakasalan ka kung yayain mo ako! Oooopps! Joke lang, mahal." Kaso agad-agad ding nag-puppy eyes! Ang binata ang nagpatuloy sa nakaw na halik ng dalaga sa kaniya. "Sure, mahal kong Lampa. After natin maipakulong ng habang-buhay ang mga dahilan ng pagkamatay ng kambal mo. Kahit hindi mo sabihin iyan gagawin ko pa rin. Mahal kita, Rene. Ikaw ang nag-iisang Lampa ng buhay ko," tugon dito ng binata. "Mahal, pagbalik natin sa Campo ay kausapim natin si General tungkol sa kasong ito. Kumbaga next mission natin. Lalo at on leave tayo ngayon ng isang linggo. Pero gusto kong mag-enjoy muna rito. Alam kong walang palya ang pinaimbistigahan ko. At isa pa ay hawak ko ang folder. Kaya wala silang takas at ang sabi ng report sila ang nagkakalat ng droga roon at hindi man lang magawan ng aksiyon ng mga otoridad hawak sila sa leeg ng mga iyon," pahayag ng dalaga. "Dapat lang, mahal. Kung kinakailangang nating gamitin ang ating koneksyon sa taas gawin natin. Kawawa ang mga taong-bayan na nadadamay. Ang mga kabataang tinatalo ng droga. Kaya nararapat lang, mahal, na mapatigil na sila bago pa man sila makahasik ulit ng lagim," aniya ng binata. Lumipas pa ang ilang sandali. Dahil talaga namang lumalalim ns ang gabi ay inaya na ng binata ang kasintahan na pumasok sa loob. "Pasok na tayo sa loob, mahal. Lumalamig na rito sa labas. Hayaan mo kapag may oras tayo weekly tayong uuwi rito." Yakag ng binata at naunang pumasok sa kuwarto niya at inalalayang makababa ang kaniyang nobya. "Hep! Hep! Hep, Sablay Dulay ng buhay ko, saan ka pupunta akala ko ba matutulog na tayo?" Nalukot ang mukha ng dalaga ng makitang hawak ng binata ang isang unan at kumot. "Sa baba, mahal. Doon ako matutulog sa sala at ikaw---" "Walang bababa! Walang lalabas sa kuwartong ito at kung magpipilit ka lalayasan kita! Uuwi ako ng Baguio ngayon din at lilipad patungong Massachusetts at kailanman ay hindi na magpapakita sa iyo!" Pagtatalak ng dalaga habang nakapamaywang. Kakamot-kamot naman ang binata dahil dito. Ilalatag na sana niya ang comforter sa sahig pero agad itong dinampot ng dalaga saka ihinagis sa pinanggalingan nilang balkonahe. "Mahal naman, saan ako matutulog?" kakamot-kamot na saad ni Sablay. "Dito! Dito sa higaan tayo matutulog na dalawa! Halika na!" Hinila ni Rene ang kasintahan kaya't nagmistula silang mga batang nagpatimbuwang sa malaking higaan ni Sablay. "Okay lang sa iyo, mahal? I mean na magkatabi tayong matutulog?" tanong ni Sablay. "Sure naman, mahal kong Sablay. Walang masama roon. Magiging mag-asawa tayo soon. Kaya matulog na tayo," saad ng dalaga at pumikit na. "Good night, Lampa. Mahal na mahl kita," bulong ng binata rito at akmang kikintalan ng halik. Ngunit bigla itong dumilat at yumakap sa kaniya. Kaya ang paghalik niya sana rito ay nauwi sa mainit na yakap at halikan!(iyun lang saka na daw ang honeymoon hahahah). Natulog silang magkayakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD