NANG matapos nailigpit nina Artemeo at Surene ang ilan sa mga tauhan ng AWOLED General ay muli silang bumalik sa bintanang inakyat. Subalit dahil sa pagbato ng huli sa jungle knife sa linya ng CCTV ay kapwa sila nahulog. Ang magandang idinulot no'n ay nagkaaminan sila ng tunay na damdamin.
"What a f*ck! Where are those mad men? Bakit wala kahit isa ang bumalik sa kanila? Mga hay●p!" Ngalaiti ng opisyal.
"Correction, General. Ang sabihin mo ay kagaya mong mga hay*p kaya't hindi na bumalik sa iyo." Pagmamatapang ng selosang newly wedded wife.
"Hoy! Bobang anak ng pinagmanahan mong bobo ay manahimik ka kung ayaw mong isunod kita sa ama-amahan mong si Valera!" muli ay sigaw ng AWOLED General.
"Well... Well... Sa iyo na rin nanggaling ang salitang iyan. Ikaw ang may kasalanan at mastermind sa pagkamatay ng Daddy Victor ko. Ngunit siguraduhin mo lang na mapatay mo ako dahil kung hindi ay ako mismo ang papatay sa iyo! Ay, mali pala! I will let the law will punish you! Dahil ayaw kong madungisan ang palad ko sa dugo mong kriminal!" ganting-sigaw mi Ashley.
Kaso sa ginawa niyan iyon ay tumabingi ang kaniyang mukha. Damang-dama niya ang hapdi dulot ng malakas nitong pagsampal. Ganoon pa man ay inipon niya ang lahat ng kaniyang naipong lakas at muli itong hinarap.
"Bakit, General? Iyan lang ba ang kaya mong gawin? Ang manakit sa isang babaeng walang kalaban-laban? Ah, alam ko na. Umurong na ang iyong bunto! Tama! Naging bahag na ang iyong mahabang buntot! Ay ! Mali rin pala. Isa kang bakla! Tama! Bakla ka, General! Bakla! Bakla! Bakla!"
Kung ilang beses man niyang ipinagsigawan ang salitang iyon ay hindi niya alam. Ngunit dahil dito ay muling ikinasa ng heneral ang hawak-hawak na baril. Ngunit bago pa nito makalabit ay may kung anong sumemplang mula sa bintana.
Tuloy!
Nagdulot iyon ng malakas na kalabog!
Mali na naman siya!
Hindi pala ano ang sumemplang kundi SINO! Dahil ang lumagabog ay mga tao! Walang iba kundi ang hipag niyang ihinulog sa bintana kasama ang partner nitong si Captain Aguillar!
SAMANTALANG nang dahil sa kalabog ay nakuha ang atensiyun ng magkakaibigan. Iyon ang ginamit nilang lead upang malaman kung saan naroon ang mga hinahanap.
Hawak-hawak ang calibre kuwarenta singko ay may pagmamadaling umakyat si Allen sa pinagmulan ng kalabog. Subalit nasa kalagitnaan siya ng hagdan ay napatigil siya. Dahil putok naman ng baril ang pumailanlang.
"F*ck! Make it sure that you will not lay a finger to my wife! I will kill you!" Ngitngit niya saka nagpatuloy.
HALOS magkakasunod lang ang magkakaibigan na sumugod sa lugar na iyon. Dahil agad din namang itinawag ni Attorney Concepcion sa mga kaibigan mg manugang ang tungkol doon. At dahil may law of protocol silang sinusunod ay dumaan pa rin sila sa legal na proseso o sa Camp Villamor.
"Men, spread out! Make sure that no one of you will be hurt. And most importantly, is the reason why we are here. Is that clear?" pahayag ni Officer Calvin.
"Sir, yes, Sir!" sabayan nilang tugon saka sinunod ang utos ng leader.
Sa kasalukuyang hinaharap na problema ng kaibigan niya ay nanumbalik sa kaniyang ala-ala ang engkuwentro nilang mag-ama ilang taon na ang nakalipas. Kung saan niya nalaman na ang taong hinahabol at ng batas ay walang iba kundi ang kaniyang biological father. Ito ang nagpalaki sa asawa ng kaibigan niyang hostage naman ng AWOLED GENERAL.
Kaso!
"Holy sh*t! Gusto n'yo pa yata akong patayin ah!" Napamura siya saka mabilisang nagkubli dahil kamuntikan na siyang tamaan.
Paano!
Ang layo na pala ang narating ng kaniyang imahinasyon! Kung hindi pa dahil sa kamuntikan niyang pagkabaril
ay naglalakbay pa rin siguro ang imahinasyon
"OOOUUUCCHH! Ang dibdib ko, pakner. Sumemplang! Langya eh! Hindi na virgin!"
Aba'y sumemplang naman kasi kayong dalawa!
Kahit gustuhin mang sumagot ni Artemeo na virgin na virgin pa rin kahit sumemplang ang nakakaengganyo nitong dibdib ay hindi na niya nagawa. Dahil nakikipagpalitan sila ng bala sa General na wala na yatang katapusan ang kasamaan.
Agad namang pinaulanan ng heneral ang dalawa pero agad silang nakapagkubli at gumanti ng putok. Kaya naman ay hinablot ng heneral ang dalaga(walang kamalay-malay na mau asawa na!) na walang pakialam kung nasaktan man ito.
"Ngayon, Romeo Sablay, lumabas ka riyan! Hayop ka! Ikaw pala ang traydor sa grupo! Hindi ka pa nasiyahan dahil pinatay mo pa sina Badong at Valdo! Wala kang utang na loob hayop ka!" dumadagundong na wika ng heneral na wari'y nasa kabilang kalsada ang kausap.
Dahil nakatago sa likod ng dalaga ang heneral at abala marahil sa pagplaplano kong paano ito tatakas ay malayang sumenyas si Artemeo kay Surene sabay tingin sa hipag nito m. Iminuwestra na kagatin nito ang heneral upang mabitawan siya at may daan silang barilin ito.
Kinagat ng pagkalalim-lalim ni Ashley ang kamay ng heneral at tama ang magpakner nabitawan siya nito.
"Huuuuuuuuuuuuwwwwwwaaaggggggg ggggg!!!" sigaw ni Ashley nang makitang natamaan ang hipag niya pero agad siyang napaupo sa tabi ng heneral dahil sa tumimbuwang na ito.
Sunod-sunod na palitan ng putok sina Artemeo at General Valderama pero ang huli ay aksidenting natamaan ang hipag
niyang si Surene.
"Reeeeeennnnnnneeeeeee!!!"sigaw ni Artemeo nang nakitang natumba ang nobya. Kaya naman ay agad niya itong nilapitan at akmang yayakapin pero nagulat siya ng para siyang papel na ibinalibag nito saka tumayo.
Napamulagat naman si Ashley ng maka g ginawa ng hipag niya. Nakita niya itong lumapit sa heneral at ito ang tumapos sa laban.
"Ito para kay Sherwin, ito para kay
Jonas, ito para sa ama ng hipag ko at ito para sa pagkidnap mo sa kaniya at ito para sa muntikan mong pagpatay sa amin lalo na ako, you demon!!!"
Animoy tigre na handang lumamon anumang oras ang hitsura ni Surene sa iras na iyon. Kumbaga sa isang karne patay na nga pinatay pa equals double dead!!!
Agad namang nilapitan ni Artemeo si Surene matapos pakawalan ang limang bala na magkakasunod para sa heneral.
"Rene, okay ka lang ba?" may pag-aalala niyang tanong.
"Tsk! Pakner, naka-bullet proof ako noh! Saan man ako magpunta ay laging handa. Girlscout yata ang Rene mo..." Pabitin at nakangisi nitong sagot nitong sagot habang naka-puppy eyes.
Tuloy!
Lalaki siyang tao at isang military Captain ngunit hindi niya naiwasang pinamulahan ng mukha! Kapag siya ang babawi ay mahalikan niya ito ng wala sa oras!
"Pakner, tapos na ang laban. Sa wakas ay patay na rin sng demonyong iyan. Maaring marami pa ang tulad niya sa mundong ito. Ngunit masaya akong nabawasan sila. At higit sa lahat ay matutuloy na ang honeymoon nina pinsan at hipag," saad ni Surene na sumalampak din sa tabi ng kasintahan.
"Ano ka ba naman, Rene. Aba'y nandito pa tayo sa war area ngunit iyan na ang iniisip mo?" tugon ng binata saka napatingin dito.
Kaso nakalapit naman ng hindi nila namalayang ang hipag ng dalaga. Kaya't kapwa sila nagulat ng nagwika ito.
"Tama naman si Captain Aguillar, hipag. Alam kong nasa awkward situation tayo. Ngunit hayaan mo akong magpasalamat sa inyong dalawa. Lalo na sa iyo, hipag. Kulang ang salitang sorry dahil sa nagawa ko. Still, I'm going to say, I'm so sorry," pahayag ni Ashley.
Kaso bago pa makasagot si Surene ay dumating ang pinsan niya at mga kaibigan nito.
"Honey!!!"
Magkapanay na saad ng mag-asawa ng makita ang isa't-isa. Nagmistula tuloy silang nasa slow motion movie. Dahil bukod sa sabayang pagtawag ay ganoon din sa pagtakbo. Hindi inalintana ang mga taong nakapaligid. Dahil bukod sa nagyakapan sila ay bahagya pang iniangat ng lalaki ang asawa saka iniangat at isinayaw-sayaw paikot-ikot sa eri.
"I miss you so much, honey. It's just few days but without on my sight is like living in hell. I love you that much, wifey," maluha-luhang sambit ni Allen.
"Same ad I do, honey. And I'm so sorry for being---"
"Hearing that from you is much enough for me, honey. Kalimutan na natin ang lahat. Gawing inspirasyon upang magpatuloy sa buhay. I love you, honey." Pamumutol ni Allen sa nais sanang sabihin ng asawa.
Kaso!
Ang pasaway as ever!
"Tara na, pakner. Bahala na silang dalawa riyan. Hah! Nakalimutan na nila ang tao sa paligid!" Sambakol ang mukha ng dalaga saka mabilisang tumayo.
PDA na nga sila ay kinamutan pa ang nasa paligid!
Masakit pa ang dibdib niyang sumemplang kaya't hindi na virgin!
Naman!!!
"Wow! Mukhang may pepsi este sparkle na ah. Kayo na ba ni Captain Aguillar, bunso?" mapanuksong tanong ni Bryan.
Kaso!
"Ouch! Naman, Harden. Bakit ba ang hilig mong mambatok? Wala ka pa namang dinidiligan upang sabihin ko sanang naglilihi ka." Nakangiwing napahawak sa batok si Bryan dahil sa pambabatok ng kaibigan.
Well! Masaya lang naman siya para sa dalawang lampa!
"Fool! You are always teasing them, Dude. If that is the case, I will be one of the happiest man alive. They are both single, so what's the problem if they are officially couples," pahayag ni Ralph Raven. Subalit napangisi lamang ang kausap.
SAMANTALANG kumalas si Ashley mula sa pagkayakap sa asawa saka lumapit sa dalawa.
"From the bottom of my heart, Surene. I'm really sorry on what I've done. And thank you for risking your life in saving an impulsive woman like me. Thank you very much, hipag."
Hindi na nga niya hinintay na makasagot ito. Kusa siyang yumakap dito upang mas maiparamdam ang sensiridad sa paghingi ng paumanhin at pasasalamat dito.
"Nah, bakit ba ang drama ninyong mag-asawa, pinsan, hipag? Aba'y wala namang ibang magtutulungan kundi tayong pamilya."
"Pakner, halika ka na. Talagang nagugutom na ako. Its been two days since I've eaten a proper meal. Hayaan mo na silang maglinis ng kalat total tayo ang tumapos."
Hindi pa nga nakasagot ang binatang talaga namang namumula ang maputing mukha ay umangkla na sa kaniya ang mahal na lampa!
"Hipag, pakner pa rin ba? Hindi mas magandang pakinggan kung new term of endearment na?" Pangangantiyaw ni Ashley.
Tuloy!
Ang pinsan ng Lampa ay napanulagat! Napatingin tuloy ito sa labidabs niyang si Artemeo.
"Para isahang paliwanag ay OO. Kami na ni Rene." Pang-amin ni Artemeo.
Kaso!
"Halika, Sablay ko. Kako gutom na ako. Hah! Huwag kang kukupad-kupad dahil baka ikaw ang kainin ko!" Pinag-isipan man o hindi ang sinabi ay iyon ang nanulas sa labi ni Lampa bago hinatak ang kasintahang kakamot-kamot sa ulo.
Ah, whatever!
"Sabi ko naman sa iyo, dude. Noon pa ay alam kong may something sa kanilang dalawa. Kaso ayaw ninyong maniwala eh. Well, tara na rin," nakatawang sambit ni Bryan.
"Hey, Mckevin! Where are you going?" Tawag ni Oliver sa kaibigang paalis na rin.
"Uwi na rin tayo, Dude. Nandiyan ang taga-PNP. Jurisdiction nila ito. Kaya't turned over na," tumatawa nitang sagot.
Dahil patay na ang suspect na walang iba kundi ang general, walang demandahan na naganap. Back to normal ang kani-kanilang
buhay. Matapos ang kaguluhan ay ang kampo ng general mismo ang nagbigay ng break sa mga magkakaibigan. Binigyan ng parangal ng buong departamento si Captain Aguillar.
Isa na itong Kernel. Ang dating Captain Aguillar ay isa na ngayong Kernel Artemeo Aguillar.