CHAPTER EIGHTEEN

2326 Words
"HOW lovely she is. She's beautiful indeed!" bulong niya habang pinakatitigan ang babaeng pinakamamahal. Kaso sa kaniyang pagmamasid ay nakaisip siya ng.... "Manakawan nga ng halik." Nakangiti siya sa kaisipang iyon. Bahagya siyang lumapit sa higaan nito. "You will always be my Rene. Maaring bagay tayo dahil Lampa at Sablay. Ngunit mas gugustuhin kong itago kaysa masira ang friendship natin. Mahal kita, Surene," bulong niya saka kinintalan sa labi saka inayos ang kumot nito. Muli pa niya itong nilingon bago tuluyang lumabas sa silid at pumanaog. "Artemeo, nandito ka pala. Bakit hindi ka dumalo sa kasal namin?" maagap na tanong ni Ashley ng napansin ang binatang military Captain. "Congratulation sa inyo ni Sir Allen, Ma'am Ashley. Hmmm... Wala akong rason dahil kapwa kami nawili sa pamamasyal ng hipag mo. Ah, court martial ang katapat ko kung hindi si Sir Villamor ang amo ko. Sige na, Ma'am. Mauna na ako sa inyo," saad ng binata. "What?! Surene is here? Since when?" sunod-sunod namang tanong ni Allen imbes na magpasalamat. "Yes, Sir. Nandoon sa kuwarto niya," tugon ng binata saka muling lumakad kaso ang isa ring senior official ng kampo ang humarang. "Captain Aguillar, pare-parehas naman tayong walang asawa sa pagkakaalam ko. Ngunit bakit para kang nagmamadali? Halika ka muna sa kusina at magkape tayo," ani Bryan. "Hey, dude! Kailan ka pa naging coffee addict? Hindi mo ba alam na masama iyan sa kalusugan natin?" Agad namang pagitna ni Ralph Raven. "Dude, coffee is my vitamins. Mas hindi ako makatulog kapag waka akong kape. Kaya't hayaan na nag mag-aswang umakyat upang naghanda sa kanilang honeymoon. Dahil tayong tatlo ay magkakape muna sa kusina," nakatawang paliwanag ni Bryan. Kaya naman ay wala ng nagawa si Artemeo kundi sumama sa magkaibigan sa kusina upang magkape raw. SAMANTALANG nagpaalam si Ashley sa mga ito upang magbihis. Mag-asawa na sila kaya't hinayaan niyang makipagkuwentuhan muna ang asawa sa mga kaibigan. Kaso! Napakunoot-noo siya dahil may ibang babaeng natutulog sa kanilang higaan! Kaya naman ay may pagmamadali siyang lumapit. Then, without hesitation! Lumapit siya ng mabuti sa babaeng himbing na himbing sa pagtulog. "AALLLEEENNNN!!!" maka-kulog niyang sigaw. Abah! Sino ang niluluko nila? Siya? No way! High way! "How dare you, b*tch! Ano'ng ginagawa mo rito sa higaan naming mag-asawa? Haliparot kang babae ka!" Nanlilisik ang mga mata niya. Mga matang kulang ay amusing buhay ang nakikita! Dahil sa lakas ng boses ng bagong bride ay halos magkanda-dapa ang magkakaibigan na umakyat upang alamin kung ano ang nangyayari. "We just got married but you are cheating on me already? How dare you?! Magkaroon ka namam ng dignidad, Allen! Niloloko mo na nga ako ay ipinagpalit pa sa isang lasengga!" Saad ni Ashley habang hawak-hawak ang babaeng tulog mantika. "Honey, you are wrong---" "Honey mo ang pagmumukha mo! Nararapat lamang sa babaeng ito ay bigyan ng leksyon!" Pinutol na nga ang pananalita ng asawa ay nagpatuloy siya. Then... "Patay tayo nito. Mukhang ibang silid ang napasok ni bunso," mahinang sambit ni Bryan. "No, Honey. Huwag mong ituloy ang binabalak mo. Baka ibang silid lang naituro ni Surene kay Artemeo." Pagmamakaawa ni Allen sa asawa. Sa sandaling iyon ay mabangis na tigre ang nakikita rito. Samantalang pagkatapos ininum ni Artemeo ang tinemplang kape ay nagpaalam na siya ng tuluyan. Ngunit nang natapat siya sa kuwartong pinagdalhan sa babaeng bumihag sa puso niya ay napatigil siya at tumingala. Ang hindi niya alam ay nagkamusyon sa loob. At mas hindi na niya nakitang sumunod palabas ang isa sa kaibigan ng Kuya Roy niya. 'Ang pag-ibig nga naman. Mukhang nagparamdam sa kaniya ang mangyayaring ito,' bulong ni Bryan habang nakatanaw sa military Captain na nakatingala sa silid ng mga kaibigan o ang bagong kasal kung saan nagaganap ang kumosyon. Kaya naman imbes na akyatin ang puno upang rescue'hin ang tulog mantika nilang bunso ay bumalik na lamang siya sa loob. "Honey, no! She is Surene. She is my cousin. Kapatid ni Daddy ang Mommy niya. Kaya't Boromeo siya at Cameron ako. Siya ang ihinatid kanina ni Captain Aguillar," muli ay pahayag ni Allen. Ano raw? Hipag niya ang ihinulog? No way! Wala na! Napatay na niya ang kaniyang hipag! Nang dahil sa pagka-selosa niya! 'Bakit ba napakaselosa ko? Diyos ko! Napatay ko anh aking hipag sa mismong kasal nami,' ani Ashley na umabot sa pandinig ng asawa. "Honey---" Kaso hindi na iyon pinansin ng selosa. Dahil nagmistula siyang walang narinig. Yakap-yakap ang sarili sa sulok ng kanilang kuwarto ay para siyang bingi. One! Two! Three!!! Inipun ni selosa ang lahat ng lakas niya at binangga ang kaniyang asawa saka tumakbo palabas. "Honeeeeeeeyyyyyyyyyyy!!!" sigaw naman ni Allen. Subalit pinanindigan ang pagiging bingi. Tuluyan nang nakalabas na kahit ang mga nasa baba ay hindi na pinansin. SAMANTALANG halos dumikit na ang labi ni Artemeo sa labi nang dalaga ng aksidenteng sa kaniya ito lumapag matapos ihagis na parang papel ng hipag. Pero agad silang bumalikwas nang nakarinig nang tikhim para lang makita si Bryan na nakangisi sa kanila. Sabay-sabay silang pasok loob upang mapag-usapan kung paanu mabawi si Selosa. "Huwag kang mag-alala, Sir Cameron. Dahil alam ko kung saan dinala ni Valderama ang misis mo," saad ni Artemeo sa pinsan ng lihim na minamahal. Tumawag naman kasi ang abductor. Kaya't confirmed na ito ang nagpadukot sa tagapagmana ni Policarpio Concepcion. "Nawala ang bisa ng ininum kong alak sa bar dahil sa nangyari. Ngunit ako na ang humihingi ng paumanhin sa iyo, pinsan. Imbes na sa honeymoon ang tungo ninyo ay mauuwi pa sa rescue operation. Naging Lonely is the night na tuloy." Hinging paumanhin ni Surene sa pinsan. 'Did I misjudged that woman? May tiwala ba siya kay pinsan o wala? Lahat ng tao ay may damdamin at pagseselos. Ngunit sobra naman yata ang taong iyon. Maaring mali ang naituro ko kay pakner. Pero katatapos lang ng kasal ay hindi man lang pinakinggan ang paliwanag ni pinsan,' aniya sa isipan. Ngunit dahil feeling guilty siya ay sinarili na lamang niya. "Huwag mong sisihin ang iyong sarili, pinsan. Hindi mo kasalanan," agad namang tugon ni Allen. At sa pagpapatuloy nila sa pag-uusap ay hindi nila namalayang nawala na pala sa tabi ang dalawang lampa! Nagulat na lamang sila ng nakarinig ng tunog ng sasakyan. "Si bunso iyon, Dude. Kilala mo naman ang pinsan mong iyon pagdating sa manibela," napailing na sambit ni Bryan. Dahil totoo namang kaskasera ang Clumsy Queen! Matapos mapagplanuhan kung ano ang kanilang gagawin ay nagsipasukan na sila sa kani-kanilang kuwarto upang kahit papaano ay makapagpahinga sila mula sa maghapong pagod. SAMANTALA dahil sa halos lumipad na ang sasakyan sa paraan ng pagmamaneho ni Surene ay pinagalitan ito ni Artemeo. Ipinatigil pa nga sa gilid at nagpalit sila ng puwesto. Ngunit tuwang-tuwa naman ito dahil maituloy na raw ang naudlot na tulog. Kaya naman ay hinayaan na lang ito ng binata. Iniayos pa nga ang upuan upang makatulog ng maayos kahit sa sasakyan lang. "Ang babaeng ito ay tulog na naman. Sige lang upang may lakas kang lumaban mamaya. Dahil sigurado akong mapasabak tayo sa pagligtas sa hipag mong masyadong selosa," aniya sa mahinang tinig. Kaso! "Overacting ang tawag doon, pakner. Normal ang magselos para sa isang taong nagmamahal. Ngunit kawalan ng tiwala ni hipag iyon kay pinsan. Pasalamat siya dahil sa iyo ako naglanding. Ngunit kapag nagkataon na sa lupa ay tigok ako. Di mas lalo siyang makonsensiya," anito. Kaya naman ay napatingin siya sa inakala niyang tulog na. Kaya namang ay sasagot na sana siya. Kaso dinig na dinig naman niya ang paghilik nito. MAKALIPAS ng ilang sandali. "Well, well... Mukhang dumating na ang mga sundo mo, Hija." Dinig ni Ashley na wika ng alipores ni satanas. Kaya naman ay napatingin siya sa screen kung saan nito pinapanoon ang kaganapan sa labas ng bahay. Kitang-kita niya kung paano maglambitin ang hipag at partner nito. "Rene!!!!" sigaw ni Artemeo. Naalarma siya dahil pabulusok na naman ang mahal niyang lampa. Ibinato nito ang jungle knife upang sirain ang linya ng CCTV kaso ito naman ang nakabitaw sa pagkahawak. Kaya naman ay hindi nacrin siya nagdalawang-isip. Bumitaw na rin siya upang saluhin ito. "Nooo!! Rene!!" sigaw niyang muli. Masakit pero walang problema basta para sa mahal niyang si Surene. Siya ang naunang bumagsak kaya't sa kaniya ito nag-landing! They are really meant to be! Kaso sa pagkakataong iyon ay dumiretso na ang labi ni Lampa sa pinapangarap na labi ni Sablay! It's their first kiss, after all! Mali! Second kiss na pala ni Sablay dahil ninakaw ang first kiss ng mahal na si Rene. Napamulagat naman si Surene dahil hindi niya inaasahang sa labi ng mahal na captain dumiretso ang labi. Dahil siya lamg naman ang nahulog sa pagkakaalam niya. Alam niyang delikado ngunit iyon lamg din ang paraan upang hindi sila mapanood ng anak ni Lucifer sa loob. "Okay ka lang ba, Rene? May masakit ba sa iyo?" Bakas sa tinig ang pag-aalala ng binata. Samantalang nakaisip ng kapilyahan ang dalaga. Sa kabila ng awkward situation ay umalis siya sa ibabaw nito ngunit itinukod naman ang magkabilang palad habang nakatunghay siya rito. "Ang lambot ng labi mo, pakner. Alam mo bang ngayon lang nasayaran ang labi ko ng ibang labi? Hmmm... Puwedeng humirit ng isa pa?" mapanuksong sambit ng dalaga. Tuloy! Napalunok ang binata. Alam ng Diyos na matagal na siyang umiibig sa partner. Dahil ayaw niyang mamuhi ito sa kaniya. Ngunit sa oras na iyon ay nagkaroon siya ng pag-asa. Noong unang meet-up nila sa airport halos dalawang taon na nakalipas. Walang ipinagkaiba sa sitwasyon sa kasalukuyan. Sa araw na iyon ay dalawang beses silang nalagay sa ganoong senaryo. Kaya naman ay kinabig niya ito at siniil ng makapugtong hiningang halik. Halik na tumagal din ng ilang minuto. Nawala na rin sa isipan nilang nasa rescue operation sila. Nang pinangapusan sila ng hininga ay mahigpit silang nagyakapan. "MARAHIL ay nagtataka ka, Rene. Kung bakit napapalampas ko ang kasutilan mo. Ngunit alam mo rin bang kahit nasa awkward situation tayo ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na magtapat sa iyo sa tunay kong nararamdaman? It's true, Rene. Mahal na mahal kita. Iyan ang totoo. Upang itago ito ay palagi akong masungit sa iyo. Wala naman sigurong masama kung aamin ako sa tunay kong damdamin---" Kaso ang pag-amin na iyon ni Artemeo ay hindi na natuloy. Dahil muling sinelyuhan ni Surene ang labi niya ng mainit-init at nakaka-inlove na halik! Hindi nga ito bukitaw hanggat hindi siya tumugon. Then... "Ouch! Bakit ka nananapak? Eh, hindi naman kita pipiliting mahalin din---" Kaso muling pinutol ni Rene ang kaniyang pananalita. Itinakip pa ang dalawang daliri sa labi. "Nakakaasar ka talaga, Pakner. Alangan namang ako ang manliligaw sa iyo! Sa Massachusetts ako lumaki pero hindi liberated! Tsk! Tsk! Noon pa man ay mahal kita, my beloved captain Artemeo Aguillar. Ang lampa kong puso ay sinalo ng Sablay mong pagmamahal. Mahal din kita pakner!" Malambing ang pagkasabi at hahalikan sanang muli ang pinakamamahal ngunit hindi na nangyari. Dahil dali-dali silang nagtago dahil may paparating na tauhan ni General Valderama! "Pakner, cover me up. Ako na ang bahala sa kanila," bulong ni Surene sa kasintahang nakanganga! Tuloy! Talagang ninakawan ng halik! 'Ang babaeng ito ay hindi na maubos-ubos ang pakulo sa katawan,' ani Artemeo habang inasinta ang baril. "Oh, sexy lady. Sayang ang ganda mo kung mamatay kang hindi man lang makatikim ng sarap," nakangising saad ng isang lalaking mukhang hindi dinaanan ng tubig ang katawan sa isang buong taon! "Brader, hahayaan mo bang mamatay si Miss beautiful dito habang nagtatago ka riyan?" Pang-iisulto naman ng isa. Samantalang lulusubin na sana nila ng sabayan ang dalaga. Ngunit dahil nakahanda si Surene sa hakbang ng mga ito ay hindi rin sila nakaporma. Sunod-sunod na flying kicks ang pinakawalan. Subalit dahil sa pangangantiyaw ng mga kasamahan ay muling bumangon ang mga ito. Ngunit ganoon din. Hindi sila nakaporma sa bawat sipa ng dalaga. AGAD namang tumalima si Artemeo nang napansin ang iba pang aatake sana sa mahal niyang kapwa lampa! Anim kontra sa dalawa! Ngunit dahil mga trained militar sila at mga thugs ang kalaban na walang proper trainings ay wala rin silang nagawa ng nagapi sila ng dalawa. Hindi pa nga nakuntento ang dalaga dahil hinablot ang mga pantalon ng mga ito at ginawang panali! Itinali nila ang anim na wari'y mga mais! Kaso! Lihim namang natawa si Artemeo ng nagwika ang dalaga sa dati niyang kasama under AWOLED General Valderama. "Tse! Kulang pa iyan na papawis ko, gag*! Huwag ako ang kalabanin mong kalbong panot ka! Ngayon ay sabihin mo kung saan ninyo dinala ang hipag ko kung gusto n'yo pang mabuhay!" "Kahit ano'ng gawin mo, babae ka, ay wala kang malalaman sa..." PAK! PAK! Mag-asawang sampal ang iginawad ng dalaga rito. "Ito gusto mo?" ani Surene habang nakatotok ang baril sa mismong bumbunan nito. Nakamasid lamang si Artemeo sa dalaga na ngayon ay nobya na niya. Napangiti siya dahil hindi niya aasahan na may katugon ang kaniyang pag-ibig dito. Isang lampa sa paningin ng marami pero isang taekwondo expert pa yata bukod sa pagiging martial arts expert ay napatulog niya ng walang kahirap hirap ang nadaanan nila kanina. "Rene, dapaaaaaaaa!!!" aniya ng nakitang babarilin sana ito ng parating na kalaban. Samantalang nabulabog naman ang mga bagong dating na na grupo nina Cameron kaya't kaniya-kaniya sila ng pagpasok sa bahay na pinagmulan ng putukan. Agad namang hinablot ni Artemeo ang dalaga at mabilis silang nagtago at nakipagpalitan ng putok sa mga nagsilabasan na marahil ay tauhan ni Valderama. Nagkatinginan sila at napagkasunduan na muling aakyatin ang inakyat nilang bintana. Samantalang walang kamalay-malay ang general sa nangyayari sa labas ng kaniyang rest house dahil sound proof ito once na nasa loob ka ng naturang bahay ay sa monitor lang ng CCTV sila aasa. Pero putol na ang linya ng camera dahil iyon ang binato ng junggle knife ni Surene kanina. Agad naman hinalughog ng magkakaibigan ang mga kuwarto ng naturang bahay ng makarinig sila ng isang malakas na kalabog. Blag! Blag! Blag! "Huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa aaaaaggggggggggggg!!!!!!!" Isang sigaw ang umalingawngaw sa buong kabahayan na bumulabog sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD