CHAPTER SEVENTEEN

1776 Words
MULING bumalik sa trabaho si Artemeo sa Camp Villamor. Alam niyang mahihirapan siya dahil ang opisina ng mga military Captain ay sa kanilang magkakaibigan. Subalit sa kasalukuyan ay siya na lamang. 'Pareng Jonas, watch over us. Buhay si Abrasado ngunit nasa misyon pa siya. Kaya't tulungan mo kaming makausad,' bulong niya habang ipinagala ang paningin. Mauupo na nga sana siya upang damhin muli ang pagbabalik trabaho ngunit nagmistula siyang nasilihan sa puwet. 'Tang*na naman! Isang taon lang akong nawala ngunit mukhang nakalimutan ko na ang magreport kay Sir General,' aniya sa tinig na halos hindi marinig. Well, wala rin namang makarinig at mas lalo ng walang ibang tao roon kundi siya! Kaya't okay lang na careless whispers ang binitiwan niyang salita. At bago pa siya ma-court martial dahil inuna ang pagpasok sa sariling opisina kaysa magreport ay nagmadali na siyang nagtungo sa General's Office. "HAND salute, Sir General!" Sumaludo siya sa amo pagkapasok pa lamang niya sa opisina nito. "Carry on, Captain Aguillar. Welcome back and let me congratulate you. Congratulations to your success. Pinanindigan mo ang motto nating mga militars na naisilang tayo upang mamatay sa paninilbihan sa bayan. Salamat kay AMA dahil hindi ka namatay. Still, you endured a lot while you were away from Camp Villamor." Masaya namang sinalubong ng heneral ang isa sa trusted men na si Artemeo Aguillar. "Thank you, Sir General. I just did and fulfilled my duty as a public servant." Malugod namang pinaunlakan ni Artemeo ang paanyaya ng superior na maupo siya. Then... "Una, nais kitang batiin sa iyong tagumpay. You did s great job, Captain Aguillar. Although it's risky yet you succeed. Second, I want to tell you that you deserve a promotion," ani ng General saka inilahad ang palad tanda lamang na nais makipagkamay. Kaya naman ay tumayong muli ang binata saka malugod na tinanggap ang palad nito. Dadamputin na nga sana ng heneral ang isang brown envelope sa mismong harapan upang iabot dito. Kaso hindi na nagawa. Dahil tumunog ng sunod-sunod ang cellphone nito It's unknown number! Kaya naman pinatay lamang ni Artemeo. Wala siyang balak magsayang ng oras lalo at nasa trabaho siya! Tsk! It keeps on ringing! Kaya naman ay muli sana itong papatayin ng nababagot na military Captain. Nakalimutan nga lamang niyang in-silent mode! Samantalang kitang-kita ni General Valdemor ang pagkairita sa mukha ng tauhan. Kung nagkataong nasa ibang pagkakataong sila ay two hundred push ups na dahil hindi naka-silent ang cellphone. Ngunit dahil bagong balik ito ay pinagbigyan. "Sagutin mo, Captain Aguillar. Baka emergency call iyan. Sa sunod-sunod na tunog ay siguradong importante iyan," aniya. Simula't sapol ay kilala na niya ito. Walang hindi nakakaalam sa pagka-Sablay nito. Ayaw padistorbo kapag nasa trabaho. "Excuse me for a while, General." Tuluyan na itong tumayo at lumabas. 'This man is really a great leader. Sana mapanindigan mo iyan, Captain Aguillar. Dahil ngayon pa lang ay nakikita ko na ang kapalaran mo sa iyong pagbabalik dito sa kampo. At sana ay makasama ko pa sa trabaho ang tulad mong walang boundaries sa paninilbihan sa taong-bayan at pagtulong sa kapwa,' sabi ng heneral sa isipan habang nakatanaw sa daang tinahak ng tauhang hindi man lang natanggap ang promotional papers. DAHIL na rin sa pangungulila ni Surene sa Sablay Dulay ng buhay niya ay nagmistula siyang bubuyog na bulong nang bulong. Hindi nga niya napanindigang sa UNGAS REPUBLIC muna siya. Dahil muli siyang nagpahatid sa bus terminal patungong Baguio kung saan naroon ang mahal niyang Sablay Dulay. Kaso hindi siya dumiretso sa bahay ng mga Kuya's niya bagkus ay sa isang bar. Doon na lamang niya hihintayin ang pakner niyang masungit! Well, asset ng pakner niya iyon! "Ah, lintik namang Sablay na ito eh! Bakit ba ayaw niyang sagutin? Hah! Makikita mong sablay ka! Susugurin na talaga kita!" Ngitngit niya saka muling nilagok ang laman ng baso niya. Kaso! "Hi, Miss Beautiful, would you mind if I will join you?" tanong ng hindi niya kilalang tao. Ngunit dahil wala naman siyang kaalam-alam na siya ang kausap nito ay hindi niya pinansin. Bagkus ay inabala ang sarili sa cellphone. Bagot na bagot siya dahil hindi sumasagot ang mahal niya! Pero! "What the h*ll is your problem? Do you think that I am interested in having companion like you here? Get out of my sight of you still wish to see the sun set!" galit niyang saad dahil bukod sa idinantay ng lalaki ang palad sa balikat niya ay binalak pang hipuan siya! Hah! Subukan lang nitong ulitin! Baka ito ang una niyang mapatay sa pagbabalik bansa niya! Anak ng sampung tikbalang eh! Kaso nais rin niyang kaawaan ang lalaking nambastos sa kaniya. Dahil nagulat yata sa tinis ng boses niya at natisod! Nagmistula tuloy itong pinagkainan ng mais na nagpagulong-gulong. 'It's not my fault! If he only mind his own business not mine! Tsk!' Lihim siyang napailing. Kaso ng muli niyang pinagtuunan ng pansin ang cellphone niya ay bumalik ang pagkainis niya! "Ah, kainis naman ang Sablay na ito eh! Ano ba, Pakner! Sagutin mo! Hah! Kung katabi lang sana kita at naubos ka na sa aking sapak!" muli niyang bulong. Then... 'Hello! Who are you?!' Bakas ang pagkairita sa boses nito! Balak pa yata siyang p*****n ng cellphone! Ang boses nito ay maari ng ihalintulad sa yelo dahil sa lamig! Abah! Ang diyahe! Mukhang ayaw padistorbo! Matalakan nga! Pero teka! 'Huwag na. Hindi pala niya alam na nagpalit ako ng numero. Kawawa naman ang masungit kong labidabs. Hmp! Sana lang ay magtapat na! Alangan namang ako ang gagawa no'n!' Napalalim yata ang pag-iisip niya dahil aminado siyang nagulat ng muli itong nagwika! In a high pitch tone! 'Hello! Kung sino ka mang walang magawa sa buhay kundi mangdistorbo ay maari ka ng humanap ng ibang maloloko! I'm a busy person who can't afford to be disturbed by such a caller like you!' sigaw nito. Tuloy! Ang Sablay Dulay na nakalimutan yatang nasa Camp Villamor ay pinagtinginan ng mga dumaan. Ngunit imbes na sumaludo ay iniwasan! "F*ck! May patawag-tawag pang nalalaman hindi naman nagsasalita!" Ngitngit ng binatang military Captain! Papatayin na nga sana niya ng tuluyan upang makapag-report na sa heneral. Subalit muli na namang tumunog! "Alam mo, kung wala kang magawa sa---" Kaso hindi na niya natapos ang nais sabihin! "Hey, Pakner! Sige, subukan mong p*****n ako ng tawag at makikita mo ang hindi mo pa nakita! Hah! Ipapahila kita sa mga tutubi na alaga ng mga ungas sa REPUBLIKA NG MGA UNGAS! Hindi lang iyon! Ipalagay kita sa kabaong na may butas sa punerarya ng mga UNGAS at ng boss nilang si Boss Tobby! Doon ka kakagatin ng mga alaga nilang langgam! Tsk! Tsk!" Ano raw?! UNGAS REPUBLIC ng mga UNGAS? It can not be! Sa hinaba-haba ng pagtatalak nito ay isa lamang amg tumatak sa kaniyang isipan. Nasa bansang Pilipinas ang mahal niyang si Lampa! "Rene, ikaw ba iyan?" Paniniguro pa niya. Kahit halata namang ito nga. "Yes, it's me. No other than Surene Boromeo. Now, try to put down your phone and I will not hesitate to do what I'd told you!" malakas pa ring wika ng dalaga. Ngunit dahil sa pangurin ng binata sa babaeng sumablay sa puso niya ay hindi inalintana ang pagtatalak nito. "Kailan ka pa dumating? Bakit hindi ka nagpasabi upang nasundo sana kita. Kumusta ka na? Ah, nasaan ka ba ngayon?" sunod-sunod niyang tanong. "Eh, bakit ba naging imbistigador ka? Puntahan mo ako rito sa bar. Iyong pinuntahan natin noon kasama sila Ruiz at Abrasado. Now na!" Iyon lang at pinatay na ng nasa kabilang linya ang tawag! "Huh! Ang babaeng iyon ay dinaig na ang machine gun ng kampo," napailing na bulong ng binata saka nagmadaling bumalik sa heneral na naghihintay. "SIR, I need to go now. Babalik po ako mamayang hapon upang ipagpatuloy ang naudlot na usapan," aniya. "Pero kasal ngayon ni Cameron. Isa ka sa panauhing pandangal. Kung aalis ka, ano na lang ang sasabihin nilang mag-asawa?" Pagtutol nito. "Just say yes, and I'll do the rest, Sir. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Sir Cameron. Naghihintay si Rene sa akin baka mapahamak siya!" Pagmumumilit niya. Kaya't wala na ring nagawa ang general kundi ang pumayag. Mountain Maid Training Center Baguio City Masayang idinaos naos ahg kasamann idinaos ang kasal nina Ashley Concepcion at Allen Johnson Cameron. Abg pinag-usapan nilang simpleng kasal ay nauwi sa isang bongga. Maaring sagrado at pribado dahil close friends and relatives. Hindi naman kasi pumayag ang groom na hindi bigyan ng magarbong kasal ang bride. "Congtats, pare at Ashley." "Congratulations, dude." "Magpakarami kayo, Pare at Mare." Mga katangang binitawan ng mga kaibigan ni Allen sa kanilang mag asawa na malugod namang sinagot ng mga ito. Everyone felt joy and happiness that day, especially to the newly wedded couple, and no one went home with an empty stomach. "RENE, tara na. Kailangan na nating umuwi. Lasing ka na. Tsk! tsk! Hindi ka pa rin nagbabago, huh! Talagang daig mo pa rin ako sa inuman," ani Artemeo sa dalagang halatang may tama na sa espirito ng alak. "Huuuusshh, Sablay Dulay. Bakit ka ba kontrabida ha? Susme, kaya nga kita tinawagan para may kasama ako eh!" inis na saad ng dalaga. Tuloy! Napakamot sa ulo si Artemeo. Kung tutuusin ay wala pa naman silang relasyon. It just happened that they have a mutual feelings! "Pero lasing ka na, Rene. Tara na hatid na kita kina sir Allen. Hindi mo ba alam na kasal niya ngayon?" saad niya. "Really? Well, congrats to them, pakner, but I want to enjoy myself with you, hmmm," sagot nito na ang mga mata ay talaga namang namumungay. "Sige na nga. Pero last na iyan ha. Uuwi na tayo." Wala ng nagawa ang binata kundi ang pumayag. Ngunit hindi naman niya napaghadaan ang paghalik nito sa pisngi niya. "Thank you, thank you. Thank you, you're such a hero to me," sagot nito habang naka puppy at twinkle eyes pa itong kulang na lamang ay maglambitin ito sa kaniya. Kaya ang nangyari ay umuwi na lamang sila dahil lasing na ito at gabi na rin. "Saan ba ang kuwarto mo rito, Rene?" tanong ng binata at nakapikit namang itinuro ng dalaga ang kuwarto. Agad namang inilapag ng binata sa malapad na kama ang dalaga at iniayos ito. "Sige, Rene, alis na ako." Pamamaaalam ng binata ng maisaayos niya ito. "Salamat, pakner Pakikisara na lamang ang pinto at gate," tugon ng dalaga habang mga mata ay nakapikit na talaga. Sinulyapang muli ng binata ang dalaga ngunit napailing sa style nito. He really loves this lady lying in the bed. At bago niya tuluyang nilisan ang dalaga ay ninakawan niya ito nang halik. Sa labi! May magnanakaw! Magnanakaw ng HALIK SA LABI!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD