PAGKALABAS ni Surene sa paliparan ay kaagad siyang nagtungo sa parking area ng mga metered taxis. Dahil ang unang gusto niyang gawin ay ang makita ang kaniyang labidabs. Subalit ng maalala ang lalaking sinupalpal sa loob mismo ng eroplano ay natigilan siya.
'Huwag kang makasarili, Surene. Hindi lang ang labidabs mo ang dahilan kung bakit bumalik ka ng bansa.' Pangaral niya sa sarili.
"Hmmm... Since that I disturbed you and now that you are put of lane, can you take me to the nearest jeepney parking area?" magalang niyang sabi sa hindi katandaang taxi driver.
"Sige lang, Hija. Walang problema. Babalik na lang ulit ako sa linya. Kung sakayan ng jeep ang hanap mo ay huwag ka ng mag-taxi. Diyan lang sa kabilang banda samantalang kung ihahatid kita ay baka abutin tayo ng traffic," anito.
'Mabait siyang tao. Hindi mapagsamantala,' sabi niya sa sarili.
"Kung ganoon po ay kunin mo ito. Since na hindi gumalaw ang metro ng taxi ay reward mo na lang po iyan sa akin. Maraming salamat po.
Hindi na niya hinintay na makasagot ito bagkus ay inayos niya ang carryon luggage at bag pack saka nagtungo sa sakayan ng jeep.
"Lintik ang walang ganti! Ngayon maari na akong kumilos dito sa bansa ay humanda kayong lahat. Minolestiya n'yo na nga ang tao ay walang awa n'yo pang pinatay!" Ngitngit niya na bahagyang tumigil sa paglakad. Lalo at naalala niya ang kalunos-lunos na kambal niyang pinatay ng mga rap!st at murderer!
An now, it's pay back time!
Siya ang maniningil sa pagkawala ng kaniyang kambal na si Cynthia Boromeo! Instead of heading to Baguio City to meet her labidabs, tinungo niya ang sakayan ng jeep papunta sa kanilang lugar na talaga namang nakakatawa!
Barangay Di Matanaw, Sitio Di Makita, Boatlag City, UNGAS Republic.
Well, it's a unique name of place. Saan ka ba makakakita ng ganoong address kundi sa mga ungas na pinamumunuan ng pinunong ungas daw!
Madali lamang siyang nakasakay pauwi roon at kung sinusuwerte nga naman mukhang umaayon ang mundo sa kaniya. Maaring carryon luggage ang dala-dala niya ngunit maaring gawing bag pack! Subalit dahil dala-dala niya ang ibinigay ng labidabs niyang bag pack ay naging simple lang siya. Sabagay ATM naman ang gamit niya puwera na lamang sa
ilang cash niya.
Namataan niya ang isa sa mga hayop!
May mga tatak pa talaga sila!
P*tang●na lang nila!
Sino ba ang mag-aakalang ang maaamong mukha at baby face ng dalagang niya ay may nakatagong paghihiganti?
Wala dahil kahit ang labidabs niyang si Sablay ay walang kaalam-alam.
Oh, no! The Sablay Dulay of her life!
Balak niya itong surpresahin sana miss din siya nito! Pero dahil nasa bansa na siya ay lubusin na lang muna niya. Alamin kung saan naglulungga ang mga kampon ng demonyo! Text mate na lang muna sila. Pero teka lang! Wala siyang ibang numero! Paano kung makahalata itong numero ng Pilipinas ang gamit niya?
What if mabuking siya?
"No! This can not be!"
Kausap niya sa kaniyang sarili at dahil sa naglulumikot ang isipan niya ay hindi niya nalayan na naiyunat niya ang mga paa eksakto namang palabas ang isang pasahero kaya't nadapa ito palabas ng jeep!
Naman!
Nahulog ang hawak nitong folder!
Palihim itong kinuha ni Lampa!
Sumenyas siya sa mga kapwa niya pasahero na manahimik.
"Oh, I'm sorry, Mr. I did'nt know you're going out." Naka-puppy eyes pa niyang hinging paumanhin dito.(naman
kay Sablay Dulay lang iyan pede!).
"Alam mo, ikaw na babae ka ay laging disgrasya talaga ang dulot mo! Darn!" gigil nitong saad.
Kaunting-kaunti na lang ay hahambalusin na ng dalaga ang lalaki. Pero new way high way ayaw niyang masira ang plano dahil sa isang hypocrite! Kayat ngumiti na lamang siya kahit kumukulo ang dugo niya.
NAGING masaya ang pagbabalik ni Artemeo sa kanila. Sa isang linggong pag-stay niya ay ramdam niya ang sigla na muling bumalik sa kanilang tahanan. Hatid-sundo niya ang dalawa sa kanilang school. At labis-labis namang ikinatuwa ng mga ito.
Iyon bang nagparamdam sa dalawa na nasa malapiy lamang siya. Iyon pala ay nadoon talaga siya. Kahit ang mga malditang nambu-bully sa dalawa ay natakot na yata nang nalamang isang alahad bg batas ang kapatid nila.
ISANG gabi bago bumalik sa Baguio si Artemeo.
"Andy, pagkatapos ng project mo ay sumunod ka sa silid ko. Dahil may sasahihin sa iyo ang Kuya," aniya
"Sige, kuya. Iligpit ko muna ito," sagot nito at inumpisahan iligpit ang mga nakakalat nitong gamit.
Then...
Pagpasok naman Artemeo sa kaniyang kuwarto ay bumuntunghininga siya para bang doon siya kumukuha ng lakas para masabi sa bunsong kapatid ni Sherwin. Karapatan nitong malaman na buhay ito.
"Kuya." Tawag nito sa kaniya kasabay nang pagkatok sa pinto ng kuwarto niya kahit bahagya itong nakabukas.
"Pasok ka, Andy. Halika rito dahil may sasabihin si Kuya sa iyo," tugon niya. At bahagyang itinuro ang upuan sa harap ng kaniyang lamesa.
"Salamat po. Ano po pala ang sasabihin mo, Kuya?" agad nitong tanong.
Humugot muna siya ng malalim na hininga na wari'y doon kumuha ng lakas ng loob.
Then...
"Hindi ko alam kung paano magsimula, Andy. Ngunit sana ay unawain mo at huwag kamuhian ang Kuya Sherwin mo. Dahil kahit ako ay hindi nalaman kung ano ang dahilan at kung paano ito nakaligtas," pauna niyang sambit.
"Po? Ano po ang ibig mong sabihin, Kuya?" tanong nito.
"Makinig kang mabuti, Andy. Dahil alam kong matalino kang bata. Bago ako ukuwi rito ay nagkaroon kami ng malaking entrapment. At mayroong tumulong sa akin at walang iba kundi ang Kuya Sherwin mo. Alam kong mahirap paniwalaan ngunit buhay na buhay siya. Kaya't kako huwag mo siyang kamumuhian."
Dahil sa narinig ay napaawang ang labi ni Andy. Actually, naging iyak. Umiyak ito.
"Kung buhay po siya ay bakit nagawa niya akong tinikis? Isang taon na po mula nang nangyari ang lahat, Kuya. Ngunit bakit hindi man lang siya nagpakita sa atin dito?" humahagulhol nitong sabi.
"Hindi niya alam na buhay ka, Andy. Walang ibang nakakaalam na may nakaligtas sa nangyari sa pamilya ninyo kundi tayong taga-rito sa ating barangay. Kahit ang pagiging legal mong Aguillar ay hindi ko nasabi sa kaniya. Dahil hindi umayon ang pagkakataon. Kaya't ang tangi kong hinihiling ngayon ay umawain mo siya sa ngayon. Hintayin nating siya mismo ang magpakita rito sa Bontoc."
Ramdam niya ang pag-iyak nito. Yumakap ito sa kaniya nang masabi niyang buhay ang kapatid.
"Sige, Kuya. Kung iyan ang nais niya pero sana bumalik na siya. Dahil kagaya mo na nawala ng isang taon ay miss na miss ka po namin." Tumingala ito sa kaniya.
"In Gods will, Andy, he will." Hinahaplos-haplos niya ang mahaba nitong buhok.
"Sige na matulog ka na at maihatid ko pa kayong dalawa ng Ate Cora mo bukas bago ako bumiyahe pauwing Baguio. Dahil may pasok na ako. Good night, Andy." Tumayo siya at ihinatid ito sa sariling silid.
"Goodnight, Kuya," anito saka bahagyang ngumiti.
Whua!!! Ano'ng plano ni Lampa sa folder na pinulot niya?
Bakit niya ito itinago?