"NANA Gorya! Nana Gorya! Nasaan ka po? May bisita po kayo ni Uncle Ruben." Malakas na pagtawag ng jeepney driver na sinakyan ni Artemeo.
Tuloy!
Napangiti siya ng wala sa oras. Dahil alam naman niyang siya ang panganay na anak ngunit naisipang biruin ang kaniyang ina.
"Hoy, Pedro! Ang boses mo ay maari ng makarating ss kabilang barangay! Hindi naman kami bingi ng Uncle Ruben---"
Subalit hindi na natapos ng Ginang ang pagganti sa malakas na boses ng driver. Dahil nakita niya ang anak sa gate. Nakangiti itong nakatayo sa mismong harapan ng gate!
"Anak?! Ikaw nga, Artemeo anak!"
Kalabisan man siguro ngunit sa harapan mismo ng gate at katabi ng driver ay himagulhol si Aling Gorya habang yakap-yakap ang anak na nawalay ng isang taon!
"Opo, Nanay. Your unworthy son came home after one year of absence. Miss na miss ko na po kayong lahat, Nanay," emosyonal na ring tugon ng binata.
Kung hindi pa nga siya kumalas sa pagkayakap ng ina ay tuluyan niyang nakalimutan ang driver.
"Ah, pasensiya ka na, Pare.
Halos makalimutan na kita. Heto na pala ang pamasahe ko. Keep the change, Pare." Baling niya rito saka iniabot ang pamasahe.
"Walang problema, Pare. Suki ko na rin ang mga magulang at mga kapatid mo. Kaya't wala kang dapat alalahanin. Salamat din sa sukli. Paano mauna na ako, Pare, Nana Gorya." Pamamaalam nito saka bumalik sa kinaparadahan ng jeepney nito.
Then...
"Ruben! Ruben! Nasaan ka bang matanda ka?! Pumarito ka, dalian mo!" sigaw ni Gorya.
Dahil sa rin sa pag-aakala ng Ginoo na baka may masamang mangyari sa asawa ay lakad-takbo rin ang ginawa!
At dahil hindi sumabay pumasok si Artemeo dahil ipinasok pa niya ang kaniyang bagahe sa kanilang
bakuran ay hindi siya nakita agad ng ama.
Saka lamang siya pumasok nang maisarado niya ito. Sa loob ng isang taong pagkawalay niya sa mga ito ay marami na rin ang nabago sa kanila.
Ang kotse niya ay may sarili ng garahe. Ang duyan niya kung saan siya ihinulog ni Carla noon ay bagong-bago na. Halatang alaga ito ng mga magulang niya. Ang gate na dating simpleng kawayang gate ay bakal na at ang kanilang kabahayan ay napalibutan na ng bakod. May katamtamang laki na ring grocery ang nanay niya. At ang kinahihiligan nilang magkakaibigan na garden ay punong puno ng mga ibat-ibang uri ng bulaklak. Ngunit dahil dito ay muling sumikdo ang pait sa kaniyang damdamin nang makita ang
namumukod tanging halaman.
'Mga pare tig-isa tayo ng tanim. Bawat isa sa ating tatlo ay mayroon niyan. Ito ang simbolo ng ating pagkakaibigan. Ang magsilbing watawat ng ating samahang walang makakabuwag!' sabayan nilang sambit.
Pero mahigit sampung taon na ang nakalipas. Mga magigiting na silang militars. Kahit pa pumanaw na ang isa sa kanila o si Jonas. Bawat isa sa kanila ay mayroon ito sa kani-kanilang bahay. Pero sa kamalasan ay tanging siya na lang mayroon ito dahil sa trahedyang
sinapit nina Sherwin noon at kay Jonas ay hindi na niya ito nalaman kung ano na nangyari sa pamilya nito dahil umalis na siya noong natapos ang libing. Bibisita siya sa bahay ng pamilya nito sa ibang pagkakataon at sana ay magawa niya iyon bago siya makabalik sa trabaho.
Pero!
Dahil napalalim na pala ang kaniyang pag-iisip ay napatalon siya nang muling sumigaw ang mahal niyang ina. Wala pa rin itong ipinagbago. Sinisigawan pa rin ang ama. Ngunit bilib din siya sa relasyon ng mga ito. Laging give and take! Buhay na buhay at applicable ang NO ONE CAN SEPARATE US. DEATH CAN ONLY DO.
"Saan ka ba nanggaling, Ruben?! Kanina pa kita tinatawag! Halika rito kako, bilisan mo!" anito sa amang natanawan niyang nagkandatisod-tisod na..
"Asawa ko, bakit ka ba sigaw nang sigaw? Inayos ko lang naman ang silid ni Artemeo. Kako baka bigla itong sumulpot kagaya nang lagi nilang ginagawa ng mga kaibigan," pakamot-kamot nitong paliwanag.
Kaya naman bago pa ito sigawang muli ng ina ay lumapit na siya.
"Agmano nak, Tatang(Mano po, Tatay)."
Magalang niyang inabot ang palad ng ama saka nagmano. Hindi lang iyon, niyakap pa niya ito.
"A-artemeo, anak! Saan ka ba nanggaling? Ang anak kong isang taon ding hindi ko nakita. Anak ko!" maluha-luhang sambit ni Mang Ruben habang yakap-yakap ang anak na nawalay sa piling nila ng isang taon.
Maaring sabihin ng iba na overacting sila sa pagkawalay nito sa kanila ng isang taon. Ngunit halos magunaw ang mundo nilang lahat ng nawala ito.
"Opo, Tatay. Nandito na po ulit ako. Kumusta kayo rito ni Nanay?" tugon niya ng bahagya niyang inilayo ang sarili upang makasagot siya rito.
"Jaski ka nga ubing. No saan nga inmay ni Manong mo Roy ket saan mi pay naamwan ti napnapanam.(Jaski kang bata ka. Kung hindi pa pumarito ang Kuya Roy mo ay wala pa kaming kaalam-alam kung nasaan ka hanggang ngayon na basta ka sumulpot)," sagot nito.
"Sorry po, Tatay. Masanay na po ulit kayong pasulpot-sulpot ako. Dahil alam n'yo naman ang dahilan," aniyang muli.
Kaso!
"Tama na ang drama ninyong mag-ama. Kumain ka na muna, anak. Nagluto ako ng paborito mong ulam. Nagparamdam siguro sa amin na malapit ka ng umuwi dahil kahapon pa linis nang linis ang mga kapatid mo sa iyong silid. At ngayon naman ay ang Tatay mo. Hala, tara na sa kusina." Pagitna ni Nanay Gorya sa mag-amang naging emosyonal na rin.
Magkaakbay ang mag-amang sumunod sa ilaw ng tahanan habang panay pa rin ang kuwentuhan.
"Kumusta po kayo rito, Tay? Si Andy, kumusta na po siya? Ah, sandali lang po. Nasaan nga pala sila ni Cora?" sunod-sunod niyang tanong.
Tuloy!
"Alin doon ang uunahin kong sagutin, anak? Puwede bang isa-isa lang?" nakatawang sagot ni Mang Ruben.
Kaya naman ay napakamot siya. Ang tatay niya ay mukhang trip siyang biruin!
"Tay, naman. Aba'y kahit alin na roon basta masagot," sabi na lamang niyang pakamot-kamot sa leeg.
"School days pa, anak. Kaya't nasa paaralan pa silang dalawa. Oras na malaman nilang nandito ka ay siguradong maglulundag sila sa tuwa. Lalong-lalo na itong si Andy. Nakikita pa rin naming umiiyak. Madalas kang itinatanong sa amin. Nabawas-bawasan lamang noong pumarito ang Kuya Roy mo," pahayag ng matanda.
"Mabuti naman po kung ganoon, Tatay. Dahil nais ko siyang makausap. Buhay na buhay si Pareng Sherwin. Ngunit nakiusap na huwag munang ipaalam kahit kanino," aniya.
Binilinang huwag ipagsabi ngunit naipamalita na!
"Ano'ng ibig mong sabihin, anak?"
"Tama po ang narinig mo, Tay. Mahabang kuwento. Ngunit ang sabi niya ay aayusin muna niya ang lahat bago magpakita sa publiko. At siya mismo ang magsiwalat na buhay siya. At dahil sinabi ko na sa inyo ay nararapat lamang din na ipagtapat ko kay Andy."
"Kung ganoon ay wala kang dapat alalahanin, anak."
KAGAYA ng nakasanayan nina Cora at Kimberly ay sabay silang pumapasok at ganoon din sa pag-uwi. Maaring nasa higher level ang una ngunit hindi hadlang iyon upang hindi sila magsabay.
"Ate, alam mo po bang nararamdaman kong malapit na nating makasama si Kuya Artemeo?"
"Baka sinagot na ni Papa God ang palagi nating idinadasal na makauwi na ang Kuya nating Sablay." Sa pagkaalala ni Cora sa kapatid na may pagkalampa ay napahagikhik siya.
"Si Ate talaga oo. Sabi nga noon ni Kuya Win, assets daw iyon ni Kuya Art. Saka ang bait kaya ni Kuya. Love na love nga niya tayo eh. Ate, salamat pala sa lahat," ani Andy.
"Ayan ka na naman, Andy. Natural na love na love ka namin dahil pamilya tayo. Tara na sa sakayan baka mamaya ay wala tayong maupuan." Hinawakan ni Cora sa palad ang kapatid saka iginaya sa sakayan ng jeep.
Oo. Bunso nila itong kapatid. Dahil bago pa nawala ang Kuya Artemeo nila noong nakaraang taon ay naging legal nila itong kapatid. Siya si Kimberly Aguillar.
Magkahawak-kamay silang nagtungo sa kinaparadahan ng jeep pauwi sa kanila.
"Kuya, paalis na po ba?" magalang na tanong ni Cora ng nakalapit sila.
"Mamaya kaunti, Neng. Sakay na kayo habang hinihintay natin ang iba," sagot nito
"Sige po, Kuya. Dito na lamang kami ni Kimberly sa harapan," aniyang muli.
Ngumiti na lamang din ito bilang sagot.
Kaso!
Nasa aktong sasampa na sana silang dalawa sa harapan nang may humila sa buhok ni Cora!
"Hoy, Corazon! Doon kayo sa likuran! Kami riyan ng kaibigan ko!" malakas na saad ng babae saka bigla ring binitiwan ang buhok na hinila.
"A-Ate---" Natakot tuloy si Andy kaya't nagtago sa likuran ni Cora.
"Merly, may policy naman tayong First come first serve. At dahil mas nauna kaming dumating dito ay kami ni Kimberly dito sa harapan. Kung gusto n'yo ay kayo ang maupo sa likuran," kalmadong saad ni Cora kahit gigil na gigil siya.
"Abah! Aba'y! Hoy, CORAZON! Bakit ang tigas mo ngayon? Sino ba ang ipinagmamalaki mo? Bugbugin kaya kita!" sigaw nito.
"Wala akong ipinagmamalaki, Merly. Sinasabi ko lang ang totoo. Dahil mali ka, Merly. Hindi sa lang oras ay tama ka! Kaya't puwede bang lumugar ka naman?!" ganti na ring sigaw ni Cora.
Mas mahaba ang pasensiya niya kaysa kapatid na lalaki. Ngunit sa oras na iyon ay umiksi! Baka mas maiksi pa kaysa panali ng sapatos niya at baka maihambalos niya rito!
"Ate, tayo na lang si likod. Huwag ka ng makipag-away," nanginginig na wika ni Andy.
Kaso ito naman ang binalingan ng babaeng si Merly. Dinuro-duro pa nga nito.
"Ikaw namang bubwit ka ay huwag kang paepal! Huwag kang makisabat-sabat kung ayaw mong ipagahasa kita sa mga tambay sa kanto!" sigaw nito habang nakaduro ang palad kay Andy.
Ngunit dahil hindi sanay na matrato ng ganoon ay tinabig na rin ni Andy ang daliri nito. Ngunit maaring hindi inakalang tatabigin ang daliri ay hindi rin napaghandaan ang pagtabig kaya't sumadsad sa sahig!
Tuloy!
May pagmamadaling bumangon at susugurin sanang muli ang dalawa. Ngunit hindi na nagawa dahil hinawakan ng biglang sumulpot ang palad.
"Hindi ako pumapatol sa mga bata, Hija. Ngunit nagpapakulong ako kahit menor kapag abusado. Sige, ituloy mo at ora mismo ay itawag ko sa kapulisan upang damputin kayong nam-bubully sa mga kapatid ko!"
Lingunin man nila o hindi ay kilalang-kilala na ang may-ari sa boses.
Kaya naman!
"KUYA! We miss you a lot! Where have you been, po?" Sabayang tumakbo at lumapit ang dalawang babae ganoon din sa pagyakap sa kapatid nila.
"Hep! Hep! Dahan-dahan lang mga kapatid. Tara na sa sasakyan at makauwi na tayo," tugon ng binata dahil kulang na lamang ay maglambitin sila ng sabayan.
"Where have you been, Kuya. Isang tao ka pong nawala," ani Andy
"I've been to London to look at the queen," tugon ng binata.
"Ay si Kuya gaya-gaya. p***y cat ka ba?" Hagikhik tuloy ni Cora.
Indeed! Nang nakasakay na sila sa sasakyan ni Sablay ay walang hanggang kuwentuhan.
NANG nakasakay na si Surene sa pampasaherong jeep ay nag-inat-inat siya.
Ngunit!
Dahil sa inasta niyang iyon ay nasuntok niya ang katabi!
Subalit imbes na humingi siya ng paumanhin ay napamulagat ang magaganda niyang mata dahil sa nakita!