CHAPTER FOURTEEN

1653 Words
NANG naihatid ni Artemeo si Attorney Concepcion sa bahay ng magkakaibigan at pinagbigyan ang paanyaya nilang magkape man lang sana ay nagpaalam na rin siya. Tumuloy siya sa Camp Villamor upang magreport after ng isang taon na pagiging Romeo Sablay sa piling ni General Valerama. Kaso nasa main gate pa lamang siya at hindi pa nagbigay-galang sa day time guard shift ay napatigil na siya. Sinalakay siya ng matinding lungkot kaya't mas hindi siya makahakbang. 'Akala ko ay kaya ko na. Maaring sabay-sabay kaming nag-aral at nagtapos. Ngunit dito kami hinubog upang maging matapang at magiting na alagad ng batas. I miss you mga parekoy,' bulong niya. Ang buhay nga naman ng tao sa mundo. Kung sino-sino ang tapat sa sinumpuang tungkuli ay sila pa ang nanaunang nawaala . Paalis na sana siyang muli ngunit naabutan siya ng kaniyang Kuya Roy. Ang biktima ng karahasan din ito sa probinsiya ng Abra. Ang tatay niya daw noon ang nagluwas dito at sa MMTC ito tumira sa kapatid ng tatay niya na madre si mother superior Jane. Bata pa lamang siya nang makita niya ito pero kapag bakasyun o walang pasok ay bumibisita sila sa Bontoc at doon niya ito nakilala ng husto. At masuwerte ito dahil naampon ng mag-asawang Americano na taunang dumadalaw sa MMTC na kapatid ng lalaki si Father Calvin. "Artemeo! Sandali bakit hindi ka tumuloy?" kaagad nitong tanong sa kaniya. "Hindi ko pa kaya, Kuya! Akala ko sapat na ang isang taon simula nang mawala sila pero hindi pa pala. Masakit sa damdamin eh mga taong minahal ko at pinahalagaan ko ng higit sa magkakapatid ay halos sabay na nawala," aniya na hindi pa rin tumitingin sa kausap. Samantalang iginaya ni Ginoong Roy ang panganay na anak ng taong tumulong sa kaniya noong bata pa lamang siya. Military Camp man ang kinaroroonan nila ngunit napapalibutan ito ng iba't ibang uri ng bulaklak. May ibang para sa nga orchids. "Maupo ka muna, Artemeo." Paanyaya niya rito. Samantalang siya ay nanatiling nakatayo subalit nakatukod ang mga braso. Hinintay niyang nakaupo ito kahit pa sabihing nakatingin sa malayo. "Artemeo, wala ng ibang nakakaunawa sa iyo kundi ako. Napakahirap mawalan ng mahal sa buhay. Ngunit huwag mong kalimutang isa kang alagad ng batas. Isa kang may katungkulan sa kampong ito. Isa lamang ang ibig sabihin niya, kapatid. Hindi mo sarili ang iyong buhay. Nakalimutan mo na ba ang motto nating mga alagad ng batas? We soldiers were born to die for our country and countrymen. Ngayong nakabalik na si Attorney Concepcion sa kaniyang anak ay kailangan mo na ring tanggapin ang katotohanang hindi ka maaring magkulong sa nakaraan o ang pagkawala ng mga kaibigan mo. Dahil mas hindi sila matatahimik sa kabilang mundo kapag magpatuloy kang ganyan. Huwag mong sayangin ang sakripisyo nila. Isipin mo na lang na ikaw ang naiwan dahil ang tulad mo ang magpapatuloy sa misyon ninyong tatlo. Be back to your old self, Artemeo." Mabuti na lamang at nahagip ng mata niya ang pag-alis sana ito na hindi man lang tumuloy at nagkaroon siya ng pagkakataong makausap ito ng maayos. Anak ito ng taong pinagkakautangan niya ng ikalawa niyang buhay. Kaya't mahalaga ito sa kaniya. "Hayaan mo, Kuya. Sisikapin kong ibalik ang dating ako kahit paunti-unti. Ang sanaying mamuhay na wala sila sa buhay ko. Ngunit iyan nag hindi ko maipangako kung kailan," tugon nito makalipas ng ilang sandaling pananahimik. "Kahit na, Artemeo. Ang mahalaga ay magpatuloy ka sa buhay. Ah, hindi ka pa ba uuwi sa bahay? Pasensiya ka na kung hijdi ko napigilan ang aking sarili. Dahil naipagtapat ko kay Nanay kung nasaan ka. Naaawa man din kasi ako sa kaniya na sa tuwing dumadalaw ako ay laging malungkot. Alam ko rin ang tungkol kay Kimberly dahil ikinuwento ni Tatay," muli ay pahayag ni Ginoong Roy. "Okay lang iyon, Kuya. Uuwi pa lang sana ako ngayong araw. Kaya nga ako pumarito upang magpaalam muna kay Sir General at sa susunod na linggo na ako magsimulang magtrabaho upang makauwi muna ako," ani Artemeo. "Dapat lang na uuwi ka, Kapatid. Sige na, pumasok ka na at makausap mo na si General. Dahil ako at doon muna sa bahay(tahanan nilang magkakaibigan). Dahil doon mo naman ihinatid si Attorney Concepcion." Tinapik-tapik naman ni Ginoong Roy sa balikat ang binatang itinuring na kapatid. "Salamat, Kuya. Kakausapin ko muna si general bago ako pupunta ng SM para makabili ng maiyuwi ko," anito. Hindi na siya sumagot bagkus ay tumango-tango na lamang. Umaasa siyang simula na iyon ng pag-usad ng buhay nito. Wow! Sosyal! SM! PAGKALAPAG pa lamang ng eroplano sa NIA ay tumayo na si Surene saka nagtungo sa mismong tapat ng eroplano. Eh, ano'ng magagawa niya kung excited siyang makitang muli ang labidabs niya! Ano'ng silbi na nasa VIP section siya kung magpapahuli siya? Well, hihintayin na lang niyang bumukas ang pintuan upang siya ang maunang lalabas! Kaso! "Miss, bumalik ka sa upuan mo. Makakalabas naman tayong lahat kahit hindi ka tatayo riyan!" sigaw ng kapwa pasahero. Subalit tinaasan lamang niya ito ng kilay at nanatiling nakatayo. Aba'y hindi naman sila ang mapapagod sa pagtayo. Gusto bga niyang siya ang maunang makalabas ng eroplano! She's so excited to be in the arms of her labidabs! "Hoy, babaeng nababaliw na, maari bang umalis ka riyan! Dinala pa rito sa eroplano ang pagkasayad ng utak eh!" bulyaw pa ng isa ring kasama ng pakialamerong lalaki! Dahil dito ay lumapit sa kanila ang isang flight attendant. "Excuse me, Ma'am, Sir, what's the problem here? Will you please remain silent while waiting for the door to open? Don't worry because all of us can go out and be homed to our beloved family's," pahayag nito. "No, Miss. It's okay with me even I'm standing here while waiting. I just want to be the first to step outside this plane tajy is why I preferred to stand here," magalang na tugon ni Surene. Kaso! Ang dalawang lalaki ay mukhang naghahanap ng sakit sa ulo. "Hoy, babaeng nababaliw na! Engot na baliw pa! Sinabihan na ngang bumalik sa upuan eh!" sigaw ng isa. Tuloy! Ang maiksi niyang pasensiya ay biglang naglaho! Aba'h ang herodes! Sinabihan siyang baliw? Engot pa raw? This can not be!!! "What did you just said, f*cking I'd!●t? D@mn you, b@stard! No one had ever say those words to me!" galit niyang saad. Kaso mas kumulo ang dugo niyang kumukulo dahil sa naging sagot nito! "I said, you are f*ck!ng crazy, stup!d sl●t---" Ngunit hindi na niya iyon pinatapos! Dahil dumapo na ang delicates hand niya sa mukha nitong hindi dinaanan ng salamin sa loob ng ilang taon! PAK! PAK! PAK! PAK! "YOU AND YOUR ASH●LE SELF! NO ONE CALL ME THAT WAY! YOU CAN GO TO HELL F*CK YOU! WHAT'S THE MATTER WITH YOU! TRY TO SPEAK UP ONE MORE TIME AND I'LL BE THE ONE TO OPEN THE DOOR AND PUSH YOU DOWN AND WE WILL SEE WHAT'S ON YOUR BOASTFULL MIND! F@CKING J&RK! YOU RUINED MY EXCITEMENT. D@MM YOU!" Dahil sa inis niya rito ay talagang hindi niya pinagbigyang makabawi ito. Bukod sa hinablot niya ang kuwelyo ng polo nito ay pinagsisipa at pinagsusuntok pa! Kaso natigilan siya ng napansin niya ang tattoo sa balikat nito. Ang tattoo na kailanman ay hindi niya maaring kalimutan. Still! "Go and meet your big boss in hell, Lucifer!" aniyang muli! Wala siyang pakialam! Ginalit talaga siya! Mabuti na lamang at eksaktong bumukas nag airplane door kaya't natupad pa rin ang wish niyang maunang lalabas. Hindi na nga niya nakita ang reaksyon ng mga naiwan sa loob! Wala na siyang pakialam!. Anyway! Highway! Going back to Baguio City! Who the hell does she care about those f*cking poncious pilate? The important thing is to be with her labidabs! Her one and only labidabs! No other than her partner! Captain Artemeo Aguillar! Sa isiping iyon ay agad siyang napangiti. Hays, jusmiyo! Ang masungit niyang labidabs sana ay magtapat na! Pero ayaw niyang siya ang maunang magpakita ng motibo. Babae pa rin siya. Abah kahit pilya siya, she's V. V as in VIRGIN!!! And she's saving that for her labidabs! Ang masungit na si Sablay Dulay ng buhay niya! GALIT na galit naman ang heneral ng napagtanto niyang nagbabalat-kayo lamang si Romeo Sablay. Tanga na kung tanga. Ngunit talaga namang nakalimutan niyang may CCTV ang buong rest house. "F*ck you, Sablay! Tang●na mong Aguillar! Siguraduhin mo lang na hindi na magsanggang muli ang landas natin. Dahil ako mismo ang papatay sa iyong traydor ka!" Kung nakailang mura man siya ay hindi niya mabilang. Kaya't ilang sandali rin ang pinalipas niya bago kinuha at inilagay sa isang bag ang mahahalagang dokumento at muling tinungo ang sasakyan. DULOT ng pagod ay hindi na nakayanan ni Artemeo ang sarili. Kaya't nakatulog siya sa loob ng sasakyan. Mabuti na lang at sa front seat ang natsambahan niyang upuan. Kaya't kahit nasa loob siya ng sasakyan ay maayos siyang nakatulog. "ALAM kong nasa bingit tayo ng pilegro ngunit hindi ko na kayang itago ang aking tunay na nararamdaman sa iyo, Rene. Mahal na mahal kita. Iyan ang totoo." "Alam mo bang ngayon lang nasayaran ng labi ang aking labi? Baka naman maaring humirit ng isa?" Dahil iba ang isinagot nito ay lumambong ang mukha ng binata. "May mahal ka na bang iba, Rene?" malungkot niyang tanong. Kaso! Nagulat siya dahil basta na lamang siyang sinapak! Ouch! "Eeeeehh, ikaw ang sablay ng buhay ko eh! Bakit hindi mo ba nararamdaman na mahal din kita. Bakit ngayon mo lang sinabi iyan? Ikaw lang naman hinihintay ko eh," kipot-ngusong sagot ng dalaga. At akmang hahalikan na siya. Pababa na! Lalapit na! Tukaan na! Pero! Pak! Isang sapak! ISANG mahinang tapik sa kaniyang balikat ang gumising sa dreamer sa loob mismo ng sasakyan! "Gayyem, gising na. Nandito na tayo sa Bontoc. Saan ka ba upang alam ko kung saan ko ihinto?" nakangiti nitong tanong. Naman! Panaginip!? Ever? Sa loob ng sasakyan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD