SA isang lumang gusali sa San Juan La Union. Habang hinihintay ang shipment na manggagaling sa Manila ay nag-uusap-usap ang mga kasali.
"Hepe, nasaan na raw ang kausap natin? Bakit hanggang ngayon ay wala pa?" tanong ni General Valderama.
Bakas sa hitsura ang pagkabagot. Patunay lamang ang mayat-mayang pagsulyap sa pambisig na orasan.
"Parating na iyon, General. How about your men? Nakapuwesto na ba silang lahat?" balik-tanong ng Hepe.
"No problem about my men, Chief. Dahil kanina pa kami naghihintay. Patunay na nakahanda na kaming lahat." Tumango-tango pa ang heneral.
"Good, General. Dahil sigurado akong makakarami tayo sa pagkakataong---"
Kaso hindi na natapos ng hepe ang pananalita. Dahil dalawang sasakyan ang magkasunod na dumating. Kaya naman ay nagsitayuan sila upang salubungin ang bagong dating.
"WELCOME to La Union. How are you? How about your trip?" Halos sabayan nilang sambit sa pagbati sa naturang tsino.
"I'm doing great, Mr General, and Chief. Lalong-lalo na sa tuwing nagkikita tayong lahat. Dahil limpak-limpak na salapi ang nahahawakan ko. How about you, Sir General and Chief? How are you both?" Nakangiti nitong pinaglipat-lipat ang paningin sa kanila.
"As you are, Mr Tan. We are doing great. By the way, how about drinking as celebration?" muli ay wika ng opisyal.
"Oh, I love that too, my friends. Pero nakikita n'yo namang busy ako sa pagdestribute sa mga epektos," anito kasabay ng paggala ng paningin habang nakaturo ang palad sa dalawang boxes
"It's alright, Mr Tan. Some other day or try to come in my place. May hustler sa kantahan at halos lahat ng musical instrument ay kayang-kaya nitong laruin. By the way? Let's take our thing and let's go," saad ng opisyal.
"Sure, General. Mas ligtas pa kung magkaniya-kaniya tayo nh landas," muli ay pahayag ni Mr Tan
Nasa aktong magpapalitan na ng pera at pr●hibit*d nang ng nagsalita at naglabasan ang mga militars at matitinong pulisya.
"ITAAS ninyo ang inyong mga kay! Raid ito!" Malakas na mando
Kaso!
"Ano'ng ibig sabihin nito, General?" maang na tanong ni Mr Tan.
"B@st●rd! Ano'ng malay ko riyan samantalang pare-parehas tayong nandito!" sigaw at mura ng opisyal.
Aba'y kapwa na nga sila nagulat dahil basta sumulpot ang mga militar tapos tatanungin pa siya!
Sasagot pa nga sana ito ngunit eksakto namang sumulpot din si Ginoong Roy.
"Magaling! Magaling na magaling! Sa wakas ay nahuli na rin kita, Heneral. Wala ka ng takas sa bgayo. Pinaikot-ikot mo ang taong bayan. Pinaglaruan ninyo amg Papa Zamin ko. Or should I say Valera. Kung napaikot-ikot n'yo siya noon, ibahin ninyo ako! Sige! Subukan mong tumakas at ora-mismo ay mamatay ka!" Mula sa mapang-usig na pananalita ay nauwi sa mapanganib.
"Ikaw? Diba't pinatay lahat ni Valera ang pamilya Regalado? Paano nangyari iyon? Aba'y paano nangyari iyon?" maang na tanong ng General.
Ganoon pa man ay abalang-abala ang isipan kung paano makatakas sa kamay ng mga kapwa militar.
"Tama na iyan! Sa Camp Villamor kayo magpaliwanag!"
"Men, arrest them all! Make sure that no one can escape! Did you hear me?"
Pinaglipat-lipat ng opisyal ang paningin sa mga tauhan at iskalawag. Idagdag pa ang insektong nagdala ng ipinagbabawal na gamot!
Ngunit bago pa man nila mapusasan ang heneral ay binulabog sila ng palitan ng bala sa labas ng gusali. Bagay na sinamantala ni General Valderama. Naging maagap din si Ginoong Roy subalit ang tinik ng lalamunan ng militar ay mas mabilis. Napuruhan nga ang hawak-hawak nitong attache case na naglalaman ng pera subalit nakatakas naman ang may hawak.
Nang nakahuma sila sa tear gas na pinakawalan ni general Valderama ay wala na ito. Samantalang si Mr Tan ay nakahandusay sa sahig ngunit nag-aagaw buhay na.
"Hay*p! Mautak talaga ang gag●ng iyon!" Dahil sa galit ay pinagsisipa ni Ginoong Roy ang nadaanang kalaban na nakahandusay.
Kaso dali-dali ring tinutukan ang kumilos. Naudlot na nga ang paghabol sana niya sa tumakas na opisyal. Kaya't ito na lang ang pinagbuntunan ng galit.
"Maiksi lang ang pasensiya ko. Kaya't kung gusto mong mabuhay ay magsalita ka!" malakas niyang tanong.
"Saan ka pupunta sa iyong pag-aakala?" dali-dali ring tanong ni Allen ng napansing kumilos ito.
Subalit sumandal lamang pala ito sa dingding. Napaubo muna ito bago nagsalita.
"Mayroong hide out si General dito sa La Union. Iyon ang pinakamalapit at maaring puntahan niya sa oras na ito. Mayroon din sa Sagada. At ang isa ay sa Ilocos Sur---"
Kaso napatigil ito sa pananalita dahil napaubo at naglabas ng dugo.
"Attorney Calvin, maari bang makiusap sa iyo?" anitong muli ng akmang aalis na si Roy.
Tuloy!
Nag-about face siya at muli itong hinarap.
"Bakit mo ako kilala?" agad niyang tanong.
"Oo, kilala kita simula pagkabata mo. Isa ako sa nakasaksi sa paghihirap ng pamilya ninyo. Kako makikiusap akong palabasin ninyong namatay ako sa isang aksidente. Dahil hindi alam ni Tatay ang tunay kong trabaho. S-salamat, Kuya Roy. A-at patawad na rin. Si Tatay Temyo ang ama ko."
Sa huli ay nautal-utal na ang pananalita hanggang sa nalagutan ng hininga.
"Hey, dude! Bakit mukhang marami siyang nalalaman tungkol sa iyo?" tanong ni Cameron dahil sa pagtataka.
"He is one of those who came from that Province. Maaring may asawa at anak kaya't sabi niya ay palabasing aksidente ang ikinamatay," tugon noya.
Naunawaan man nito o hindi ang paliwanag niya ay hindi na muling nagwika.
SAMANTALANG napasuntok sa hangin sina Harden at Mckevin. Dahil parang usok na basta na lamang nawala ang sinusundang sasakyan o si General Valderama
"What a f*ck! Sh●t! Ang dulas niya!" Ngitngit ng una!
"Putang*nang hay●p! Magaling magtago!" sambit naman ng huli.
"Let's go back now, Mckevin. Maybe it's not our day. But I swear that if I'll see him again, I will surely kill him personally!" Gigil na gigil tuloy ang trying hard magtagalog.
GALIT na galit ang opisyal sa pagkasabutahe ng shipment nila.
"Kung sino ka mang sumabutahe sa lakad kong ito ay pagbabayaran mo ito! I lost millions because of you! I'll will make sure that you will pay for it!"
Kulang ang salitang galit na galit upang ilarawan ang opisyal sa oras na iyon! Dahil na rin sa galit na lumulukob sa pagkatao sa sandaling iyon ay kulang na lamang ay paliparin ang sasakyan! Hindi nga niya napansin ang nakaparada sa isang tabi.
"F*ck! Nasaan na kaya ang Sablay na ito? Tang●na eh! Sinumpong na naman siguro ng kalampahan! Mabulilyaso pa yata ang pagtakas nila ni Attorney! Darn!"
Isang salita, isang mura!
Aalis na nga sana siya. Subalit namataan ang dalawang nilalang. Kaya't iniatras niya ang sasakyan upang mas mapadali ang pagsakay ng mga ito.
At bago niya napigilan ang sarili ay nasalubong na niya ang kaibigang Sablay!
"Hah! Sumablay ka na naman siguro ano, Artemeo! Hindi mo ba alam na kadadaan lang ng boss mo rito? Tinalo pa ang ibon dahil sa bilis ng pagtakbo! Sablay na ito eh!" aniya.
Tuloy!
Ang magiting nating Military Captain ay nagsalubong ang mga kilay!
Sinalubong niya ng sermon! Ngunit nais niyang matawa dahil nagsalubong ang maitim at malalago nitong kilay. Halos isang taon nang nagluluksa sa pag-aakalang patay na siya. Wala pa rin itong ipinagbago. Kapag naaasar ay salubong ang maiitim na kilay.
"Hoy, poncio pilato! Hindi porket iniligtas mo kami ay maari mo ng sabihin ang nais mo! Huwag na huwag mo akong matawag-tawag sa pangalang iyan. Dahil mga kaibigan kong pumanaw lang ang gumagawa niyan!" singhal ni Artemeo sa walang-hiyang maka-sablay wagas!
"Hah! Nakakatawa ka pa rin hanggang ngayon, Romeo Sablay. Aba'y hindi man lang nagmaliw ang kalampahan at pagkamasungit mo!" Pang-aasar pa niya lalo.
"Teka lang! Teka--- Sino ka ba at--- Sherwin?! Paano nangyari iyon? Kitang-kita ko noong inilibing ka namin ah," hindi makapaniwalang saad ni Artemeo nang mapagsino ang tumatawa sa kaniya ng lampa at Sablay.
"Oo, Pareng Art. Ako nga. Ngunit mahabang kuwento. Sa ngayon ay kailangan mo munang itakas si Attorney Concepcion. At higit sa lahat ay kailangan ka ng kampo. Nanganganib ang pamilya nina boss." Nakatutok man ang paningin sa daan habang nagmamaneho ay hindi naging hadlang iyon upang makausap ang kaibigan.
"Paano ka nakatakas sa ilang tama ng baril? Sino ang inilibing namin noon? Pare, hindi naman ako matakutin at mas lalong hindi naninisa multo. Ngunit---"
"Pare, ito ang tandaan mo. Sa iyo pa lang ako nagpakita. Hindi ko isinugal ag buhay ko para lang masayang. Nais ko munang ayusin ang buhay ko bago ako magpakita sa publiko. Tama na si Jonas na nalagas sa grupo natin. I will avenge their death including my parents and Andy, Parekoy. "
Napahigpit tuloy ang pagkahawak ni Sherwin sa manibela.
"Kung ganoon ay makakaasa ka, Pare. Pero kailan kita maaring makausap ng masinsinan?" tanong ni Artemeo.
Nais niyang ipaalam dito na nasa kalinga nila si Andy at Kimberly Aguillar na ang pangalan. Dahil sa kagustuhang mailigtas sa mga taong nasa likod ng kamatayan ng pamilya Abrasado. Ngunit hindi pa umaayon ang panahon.
"I will show up in front of you, Parekoy. Huwag kang mag-alala dahil malapit na iyon," tugon nito.
"YAYA, tara na. Mahuhuli na tayo sa ating flight. Kapag nagkataon ay sa Pilipinas ka sasama hindi kita maihatid sa Massachusetts," ani Surene sa butihin niyang Yaya.
"Nandiyan na, anak. Ang hilig mo talagang magmadali. Mamaya ay baka---"
'Mamaya ay baka sumemplang ka na naman.' Nais pa sanang sabihin ng Yaya kaso nangyari na!
Lagabog ng pintuan! Dahil sa palagian nitong paglingon sa kaniya ay nakayakap na sa pintuan!
Naman, Lampa!
"Hay*p na pintuan eh! Aalis na nga lamg kami ay bibukulan mo pa yata ako! Lintik! Hah! Magpasalamat ka dahil kailangan na naming bumiyahe dahil kung hindi ay gigibain kitang hay●p ka!" Pinagsisipa na nga ay kung ano-ano pa ang pinagsasabi laban sa pintuan!
Walang kasalanan iyan, Lampa!
"Hala, tama na iyan, anak. Kung hindi ka lang sana lingon nang lingon ay hindi mo nayakap iyan," muli ay wika ng Yaya.
Samantalang sinipa-sipa pa ni Lampa ang pintuan bago lumakad. They need to go to the airport once again. Ihahatid niya ang Yaya sa Massachusetts bago siya uuwi ng Pilipinas kung nasaan ang labidabs niyang si Sablay Dulay!
"CONGRATULATION, men. Job well done." Masayang salubong ng heneral sa mga tauhang dumating mula sa entrapment.
"Thank you, Sir," sabayan din nilang sagot as they saluted as well.
"Officer Calvin, how about Captain Aguillar. Is there's any news about him? Did he show up in the entrapment area?" tanong muli ng general.
"Hindi, Sir. Marahil ay mas pinagtuunan nh pansin ang maiwan sa kampo ni General Valderama," tugon ni Ginoong Roy.
"Then, how about Attorney Concepcion? Wala bang balita?" Bumaling ang opisyal kay Officer Cameron dahil hawak nito ang kaso tungkol sa abogado.
"The latest is, Captain Aguillar confirmed the day before the entrapment that he is with that iskalawag General Valderama. They locked him in a dark room," paliwanag nito.
Nang makasigurado na silang nasa safe na lugar ang bawat ebidensiyang nakalap ay nagsiuwian na rin ang bawat isa. Dahil hinintay lamang ng opisyal na makarating ang mga tauhang nagsagawa ng entrapment.
"MAG-INGAT ka, Pare Tungkol sa tanong mo kanina ay darating din tayo sa takdang panahon. Huwag kang mag-alala dahil back up kami ni Sir Oliver Antimano."
"Attorney Concepcion, nasa safe ka na. Lampa man at Sablay ang kaibigan kong ito ngunit maaasahan iyan."
Aalis na nga ay mangangantiyaw pa! Ano ba iyan!
"Both of you, Artemeo and Sherwin. I owe you both my life. Nang dahil sa inyo ay nakaligtas ako sa palad nila. Huwag mo ng kantiyawan ang kaibigan mo. Asset niya iyan. Ikaw din ang mag-ingat sa daan," tugon ni Attorney Concepcion.
"Huwag mo kaming alalahanin, Sir. Dahil talagang ganoon kami mag-usap-usap. Walang pikunan. Siya, mauna na ako lalo at tumatawag na naman ang demonyong De Ocampo." Muli ay pamamaalam ni Sherwin bago tuluyang lumakad.
IGINALA naman ni Artemeo ang kaniyang paningin sa bahay niya sa Baguio. Kung hindi pa siya nakauwi sa araw na iyon ay isang taon na siyang hindi nakauwi room. Nasa tamang puwesto pa rin ang ilan sa gamit niya. Subalit talagang maalikabok na ang paligid.
"Pasensiyahan mo na ang bahay ko, Sir. Isang taon na rin ang nakalipas simula noong huli akong nandito. Hayaan mo, Sir. Unang liwanag bukas ay ihahatid na kita kay Miss Ashley. Upang makapaglinis ako rito at anumang oras ay makabalik kayo rito. Dito ka muna, Sir. Sasaglit ako sa tindahan upang makabili ng pagkain natin," aniyang muli.
"But it's dawn already, Hijo. Just take some rest." Pagtutol ng Ginoo.
"Walang problema, Sir. Sa uri ng trabaho ko ay nasanay na ako. Kung ano man ang nasa isipan mo ay tama po. Mga alahad kami ng batas ng paru-parung iyon at ang nasa kabilang buhay." Bahagyang yumuko si Artemeo bilang pamamaalam sa Ginoo saka naglakad.
Nasa bahay daw nila ang kaniyang kotse! Kaya't naglakad na lamang!
KINABUKASAN puyat man dahil ilang oras lang ang naitulog ay maaga pa ring nagising si Artemeo. Minadali niya ang paglilinis sa paligid. At nang nakapaglinis na siya ay ang pagluluto naman nag hinarap. Patapos na siya ng nagising ang matanda. Masasabi niyang sa wakas ay nagmukha itong tao dahil nakapagbihis at malinis ng tingnan.
'Masinop ang batang ito. Militar na militar ang paligid. Hindi siya ang uri ng ibang opisyal na palalo,' sambit ng matanda habang lihim na nagmamasid.
"Halika, Sir. Mag-almusal na tayo at maihatid kita sa iyong anak. Heto na rin po ang pamalit mo sa iyong kasuutan." Salubong niya rito. Kaso napaubo siya nang sagot ito.
"Kung hindi ako nagkakamali ay magkasing-edad kayo ng anak ko, Hijo. Bagay kayonh dalawa," anito.
"Huwag mo ng alalahanin ang bagay na iyan, Sir. In love po ang isa sa mga boss ko sa kampo sa dalaga mo. At isa pa, sumablay na ang puso ko sa lampang tulad ko," tugon na lamang niya.
'Kumusta na kaya siya? Isang taon na rin ang nakalipas. I miss her.' Kusang nanulas sa kaniyang isipan habang ini-imagine amg dalagang kapwa niya Lampa!
"Masaya akong nakilala ka, Hijo. At wish ko ang iyong tagumpay sa mga susunod mo pang laban at sa iyong buhay pag-ibig," tugon na lamang ng Ginoo.
SAMANTALANG umusok ang bunbunan ni Valderama nang makitang wlaang buhay ang isa sa trusted man niyang si Badong.
"Romeo! Romeo! Nasaan kang Sablay ka!" sigaw niya.
Kaso walang sumasagot kaya't muli siyang sumigaw
"Letse kang Sablay ka! Romeo! Madulas ka sanang lampa ka---"
Kaso hindi pa siya tapos magtungayaw ay siya na ang nadulas dahil sa dugo ni Badong!
Karma ang tawag diyan!
"Punyeta kang Sablay ka! Sabi ko ngang hindi ka ordinaryong palaboy! Pulido anh English at kilos mong hayop ka! Ikaw na lang sana ang madulas---"
Again!
Dahil sa galit niya at pagtutungayaw ay hindi na niya napansin ang braso ni Badong na nakaharang kaya't muli siyang nasubsob.
Kinarma na naman! Backfired pa!
"Hayop kang Sablay ka! Traydor! Wala kang utang na loob!"
Mga ilan lamang sa muling nanulas sa labi ng heneral lalo nang umusok ang damdamin ng napagtantong wala na ang bihag niyang si Attorney Concepcion.
NINOY INTERNATIONAL AIRPORT MANILA, PHILIPPINES
"WELCOME HOME, SURENE! I'M HOME, MY LABIDABS. YAAHHHHHOOOO!" sigaw ni Surene nang makalabas siya sa paliparan ng bansa.
Huwag sanang madapa!
Lalo at walang kasama!