MATAGAL ding nagmuni-muni si Romeo matapos tumawag ang misteryosong k*ller este caller pala. Gabi na at sigurado siyang anumang oras ay lalakad na ang grupo. Sa loob ng halos isang taon niya sa pangkat ng kasalukuyan niyang amo ay masasabi niyang iyon na ang pinakamalaking entrapment.
Kaso!
At dahil sa lalim ng pag-iisip niya hindi niya namalayan na kanina pa pala kumakatok ang kaniyang amo. Kaso dahil dakila siyang sablay ay talaga namang sumemplang siya!
"Romeo! Romeo, open the door!" sigaw nito nang marinig ang kalabog mula sa kuwarto nito.
"What a f*ck! Kahit kailan talaga--- Tang●na eh!" Napamura tuloy siya.
"Romeo! Ano ba?! Bubuksan mo ba ang pinto o gigibahin ko?!" muli ay sigaw ng nasa labas.
"Gag*! Kahit gibain mo iyan ay wala akong pakialam! Pag-aari ko ba?!" mahina niyang ngitngit.
"Ikaw ang bahala, boss. Sumemplang ako kaya't hindi ako makakilos!" ganti niyang sigaw.
Kailangan niyang sumigaw upang mas kapanipaniwalang nasasaktan at hindi siya makakilos ng maayos.
Then...
"Baldo! Badong! Nasaan ba kayong dalawa? Pumarito kayo ngayon din sa silid ni Romeo! Ang sablay na ito ay sumemplang na naman ay hindi makakilos! Ano ba?! Bilisan ninyo!" malakas nitong saad.
But deep inside of Artemeo Aguillar a.k.a Romeo Sablay is laughing. Dahil kung tutuusin ay kayang-kaya niyang kumilos. Subalit natataranta ang mga ito. Ngunit maganda na rin iyon upang siguradong maiiwan siya.
"Kahit kailan! Kahit saan, Pareng Romeo. Talaga bang sumpa ang apelyido mong sablay kaya't sumemplang ka na naman?"
"Susme, Pareng Romeo. Dapat siguro ay Sablay na lang ang itatawag ko sa iyo dahil palagi kang sumesemplang. Lampa sana kaso lalaki ka eh! We have a moves tonight. How is that? Hindi ka makasama."
Mga salitang nanulas sa labi nina Badong at Baldo. Natawa toloy siya ng lihim. Dahil nag-english na nga ay mali-mali pa!
But!
Whatever!
Kailangan niyang makabuo ng plano upang makatakas sa lugar na iyon sa takdang oras!
Still, napakamot siya sa ulo. Dahil totoo namang sumemplang siya.
"Narinig ko sa mga boss natin Bading este Badong. It's not my fault if I was born this way. Huwag kang mag-alala dahil kahit sumemplang ako ngayon ay sasama ako sa lakad natin tonight." Panggagaya niya sa binitiwang salita ng kapwa tauhan.
'Have mercy on me, BOSSING. Wala naman akong ibang intensiyong iba kundi ang makatulong sa kapwa ko!' Pipi niyang panalangin.
Dininig on the spot ang panalangin ng Sablay nating Military Captain!
"Huwag na, Romeo. Ang nararapat mong gawin sa ngayon ay magpagaling ka. Dahil bukod sa club ay may iba pa naman tayong lakad.
'My victory!!! The angels sing the lullaby!' aniya ng isip niya at lihim na napapangiti.
"Pero, boss..."
"Huwag ka ng umangal, Romeo. Dahil marami pang pagkakataon na maari kang sumama sa lakad natin. Kung ipuwersa mo ang iyong sarili ay baka mas mapahamak ka pa. Sa susunod na lang."
"Let's go, Baldo at Badong--- Ah, wait. Bigyan n'yo muna ng gamot si Sablay Lampa!"
Mapanuksong pinaglipat-lipat ng opisyal ang paningin.
Tuloy!
Naiwang pakamot-kamot sa ulo ang binatang Sablay. Ngunit nang tuluyang nawala ang tatlo ay pinakawalan ni Romeo ang ngiting half victory!
Half victory lang daw! Dahil hindi pa nakapagdesisyon kung ano ang gagawin!
NANG naayos na ni Surene ang lahat ng kakailanganin niya ay kinausap niya ang Yaya.
"Yaya, ikaw po muna ang bahala rito. Dahil uuwi ako ng Pilipinas," sabi niya.
Ngunit dahil nakaharap ito sa kalan at may hawak na sandok ay ibaba sana ito subalit dumiretso o nahulog.
"Ay! Anak ng baklang kabayo!" anito
Ngunit yumuko naman at dinampot itong muli.
"Kapag sumagot iyan, Yaya. Sasabihing sabdok siya hindi kabayong bakla," saad niya.
Subalit hindi iyon pinansin ng Yaya. Bagkus ay humarap ito sa kaniya.
"Bakit, anak? Ano ang gagawin mo roon? Kung tutuusin ay hindi pa umiinit ang katawan natin dito sa Texas ay bibiyahe na naman tayo? Hindi ka pa ba nahihilo sa lahay na iyan?" sunod-sunod nitong tanong.
Kaso!
Ang dalagang nakataas ang mga paa sa lamesa ay sumagot ng bg hindi nag-iisip!
"Hindi ako nahihilo sa kakabiyahe, Yaya. Pero mamatay ako kapag tuluyan kong hindi makikita ang aking labidabs," aniya.
Kaso!
"Aray! Yaya, naman eh. Bakit ka po nangungurot?" nakasimangot na tanong ng dalaga sa Yayang basta na lamang siya kinurot!
"Ikaw na bata ka ay umayos-ayos ka! Aba'y baka magsalita ang lamesang iyan at sabihin sa iyo na lamesa siya at hindi patungan ng paa!" sabi nito na talaga namang tinularan ang sinabi niya sa sabdok nitong nahulog.
"Yes! Yes! Yaya, huwag kang mag-alala dahil hindi kita isasama sa Pilipinas ngayon. Ako lang po ang uuwi dahil maiiwan ka rito. Uuwi ako upang ipagpatuloy ang misyon ko. Ang hanapin at pagbayarin ang mga pumatay kay Cynthia. Nagtapos ako ng Business Administration ngunit lingid sa kaalaman nina Mommy at Daddy ay nagtapos ako ng pagiging alagad ng batas sa bansa with Kuya Allen. Kaya't maisabuhay ko iyan doon. Well, thanks to that cousin of mine. Dahil nakilala ko ang aking labidabs."
Naman!
Talagang isiningit pa talaga ang kagaya niyang lampa ngunit sablay daw dahil lalaki!
Sa tinuran ng alaga niya ay ipinahayag na rin ng Yaya ang saloobin.
"Anak, kung aalis ka at iiwan mo ako rito ay mas mabuting ihatid mo muna ako sa Massachusetts. Mas panatag ang loob ko kung kasama ko ang mga magulang mo," aniya.
Ngunit napasimangot lamang ang dalaga dahil dito. Ganoon pa man ay hindi pinansin ng Yaya. Alam niyang masama pa rin ang kalooban nito sa mga magulang. Ngunit kailangan niyang inulat ang mga mata nito sa tamang daan.
"Anak, alam kong masama pa rin anh loob mo sa iyong mga magulang. Ngunit mas hindi ako papayag na maiwan ito samantalang maari naman akong maiwan sa Massachusetts. Alam kong masama pa rin ang loob mo sa kanila. Ngunit ako na ang nagsasabing sigurado akong nag-aalala na sila sa iyo sa pagkakataong ito.
Subukan mong unawain ang lahat. Kagaya ng ginawa nilang pakikialam sa buhay pag-ibig mo. Isipin mong ginawa nila iyon dahil sa iyong kapakanan. Hindi ko hahadlangan kung ano man plano mo sa pagkakataong ito, anak. Ngunit ako ang nakikiusap sa iyong doon mo ako iwanan. Magulang ay magulang. Walang magulang na matitiis ang anak."
Pak na pak!
Ang yaya ay nakapag-SONA rin sa harapan ng Lampang alaga!
Sa mahaba-habang paliwanag ng kaniyang Yaya ay bahagyang natahimik si Surene. Subalit makalipas ng ilang sandali ay yumakap siya rito saka nagwika.
"Sorry po, Yaya. Kamuntikan kong makalimutan ang mga itinuro mong kabutihan sa akin. Sige po, Yaya. Ihahatid kita sa Massachusetts bago ako uuwi ng Pilipinas," malambing niyang saad.
"Walang problema, anak. Ang mahalaga ay nakapag-isip-isip kang walang magandang maidudulot ang titikisin mo ang iyong mga magulang," tugon ng Yaya saka gumanti ng yakap.
DALAWANG oras na ang nakalipas simula ng nakaalis ang grupo ni General Valderama. Ngunit hindi pa rin makapagdesisyun si Romeo kung ano ang gagawin.
Dahil dito ay inis na inis ang kaibigang nasa waiting shed na naghihintay. Maya't-maya ay tinitingnan niya ang pambisig na orasan.
"Tang*nang Lampa na ito eh! Nasaan ka na ba? Hah! Huwag mong sabihing sumemplang ka na naman kaya't hindi makakilos-kilos?"
Murder na kung murder!
Ano'ng magagawa niya kung siya ang kinakabahan para sa Sablay niyang kaibigan!
IKA-SIYAM ng gabi nang pinuntahan ni Romeo ang silid na sinabi ng caller. Nang nakita niya ito ay may pagmamadali niyang kinalag ang tali nito saka tinulungang makatayo.
"Sino ka? Bakit mo ako tinutulungan? Alam mo bang kamatayan ang parusa mo oras na mahuli ka nila?" agad nitong saad.
"Wala na tayong oras para sa question and answer portion, Attorney Concepcion. Mamaya na lang po ako magpaliwanag. As of now, we need to be out of this place," tugon niya.
"Ngayon pa lamang ay labis-labis na ang pasasalamat ko sa iyo, Hijo. Hindi man kita kilala ng personal ngunit alam kong may mabuti kang kalooban. Thank you very much, Hijo." Muli nitong pasasalamat.
Subalit tumango-tango na lamang siya ay sinimulang ilabas ito.
Kaso!
Nasa hallway na sila nang makasalubong ang taong hindi inaasahang nasa paligid!
"Ano'ng ibig sabihin nito, Romeo?" agad nitong tanong saka akmang bubunot ng baril. Subalit mas naging mabilis ang Sablay na tulad niya! Sa isang iglap ay bumulagta na ito sa sahig!
"Wala akong planong saktan at patayin ka, Badong. Ngunit dahil kaaway mg pamahalaan ang amo mo at isa akong tuwid na alagad ng batas ay kasama ka sa aking paparusahan. I'm sorry, Pareng Badong. Ngunit mas mahal ko ang aking trabaho bilang alagad ng batas," aniya bago muling hinarap ang itatakas na si Attorney Concepcion.
Kaso!
Kung kailan niya yayakagin ang masama upang magpatuloy sila ay saka naman siya nadulas!
"Ouch! F*ck! Maari bang makisama ka naman, self?! Darn!" Napamura siya ng wala sa oras dahil sa nangyari
Nadulas lang naman siya sa dugo ni Badong!
Lihim namang natawa ang Ginoo dahil sa nasaksihan. Ganoon pa man ay pinanatiling sa kalooban ang pagtawa. Abay mahirap na! Baka iwanan siya ng kaniyang saviour!
"Tara na po, Mr Concepcion." Baling ni Romeo sa Ginoong itatakas.
Sa isipan ng binatang may pagka-Sablay ay baka magbago ang isipan ng misteryosong caller at sundo nila sa waiting shed.