NANG dahil sa pagkadulas ni Romeo ay ilang araw din siyang naiiwan sa bahay ng boss nila. Ganoon pa man ay laking pasasalamat niya dahil sa wakas ay makakilos siya ng maayos at malaya. Masakit man ang buo niyang katawan dahil sa pagsemplang niya ngunit hindi niya iyon ininda. Isa siyang military Captain at bugbog sarado ang katawan sa training. Kaya't inisip niyang walang-wala ang pagbagsak sa mga pinagdanang pagsasanay.
Kaso!
Napangiwi siya nang maalala ang ginamit niyang pangalan upang makapasok sa teritoryo ng balimbing na heneral
Ahem!
Hindi man siya ang pinaka-guwapong nilalang sa earth ngunit may hitsura siyang tao. Hindi lang iyon! Isa siya sa assets ng buong Camp Villamor!
Well, maaring literally Sablay siya ngunit pagdating sa trabaho ay masasabi niyang successful!
Dahil na rin sa kagustuhang makakuha pa ng mas solid na ebidensiya ay tiniis niya ang sakit ng katawan. Ngunit nasa hallway pa lamang siya ay dinig na dinig niya ang ungol o mas tamang sabihing daing ng isang nilalang!
Tama!
Daing iyon ng nasasaktang tao!
Kaagad niyang idinikit ang taenga sa dingding at hindi siya nagkamali! Dinig na dinig niya ang tinig ng kaniyang boss na si General Valderama! Sa tinig pa lamang ng kausap ay sigurado siyang si Ginoong Policarpio Concepcion ang bihag na dumadaing!
"Mga hay*p kayo! Gamahan na nga kayo sa puwesto ay ganoon din sa pera! Hindi pa kayo nakukuntento ay nagawa n'yo pang pahirapan ang mga taong tapat sa serbisyo! Mga lintik kayong lahat! Kayo na ring nasa posisyon ang sumisira sa imahe nating mga alagad ng batas! Dahil sa ipinagpalit ninyo ang inyong chapa sa kinang ng salapi! Pero ipinapangako kong itutumba ko ang grupo ninyo! I swear!"
Kulang ang galit na galit upang ilarawan siya sa oras na iyon. Dahil talaga namang kulang na lamang ay sumabog ang dibdib niya sa galit.
Kaso!
Sa kaniyang pag-atras ay aksidente niyang nasagi ang flower base.
Tuloy!
Lumikha ng ingay!
'Tang*na naman eh!' Ngitngit tuloy niya!
"Sino iyan?" dinig niyang tanong ng heneral.
Ngunit pigil hininga siya! Dahil baka mabuko siya ng wala sa oras.
Saka na lamang siya nakahinga ng maayos ng narinig niya ang tunog ng pusa.
'Whua! Saved by the cat!' Lihim siyang nagbunyi dahil dito.
Kaso!
Nakalimutan yata nitong on vacation siya kuno at nasa club sina Badong at Baldo dahil nagsisigaw ito. Hanapin daw nila ang pusa at iharap dito upang patayin!
Hanep!
Pati pusa ay nadadamay!
"PAY back time! Ito na ang tamang oras upang maghihante! Pinatay ninyo noon ang kambal ko. Idinamay n'yo pa ang kaibigan ng Sablay Dulay ko ay gagawin ko rin sa inyong lahat! I'll do my revenge in my own way!" mahinang sambit ni Surene.
Kailangan niyang iligaw ang mga magulang. Dahil kung sa mga bansang alam nila siya pupunta ay siguradong wala siyang magagawa. Wala siyang balak tumigil hanggat hindi niya nabibigyan ng hustisiya ang mga taong nawala sa mundong ibabaw. Kagaya nina Cynthia at Sherwin.
"Yaya, kahit ano man ang mangyari ay huwag na huwag mong sasabihin sa iba kung nasaan tayo ha? Dahil may gagawin ako," aniya sa kaniyang Yaya.
"Pero, anak. Baka nag-aalala na ang mga magulang mo sa Massachusetts. Hindi ba maaring ipaalam natin sa kanila kahit sila lang?" patanong nitong sagot.
Kaso sa tinuran nito ay talaga namang napasimangot siya. Napahaba talaga ang kaniyang nguso dahil ayaw na ayaw niyang marinig ang tungkol sa mga ito. Subalit napabunghalit naman ito.
Tuloy!
"Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko, Yaya? Aba'y kanina ka pa tawa nang tawa ah. Mamaya ay kabagin ka riyan. Ah, ang sabi ng mga ungas ay baka pasukan ng bangaw ni Ara ang bibig mo. Gusto mo ba iyon?" aniyang nagpaikot-ikot pa talaga rito.
Ngunit mas namamatay-matay naman ito sa pagtawa dahil sa inasta niya.
"Kahit kailan talaga ikaw, anak. Seryosong usapan ay ginagawa mong biro," anito
"Hmmmp! Totoo naman, Yaya. Kung hindi lang nila ako pinilit na ipakasal na herodes na iyon ay hindi ko sana naisipang naglayas at nagtatago rito sa Texas. Hah! Kahit masungit ang Sablay Dulay ko ay hinding-hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino man!" kipot-nguso niyang saad.
"Oo, anak. Nandoon na tayo. Pero isipin mo na ring magulang mo sila. Kahit ano man ang mangyari ay sila ang iyong pinagmulan. Maaring pinilit ka nilamg ipakasal kay Alfred ay walang magulang na matitiis ang anak," muli ay paliwanag ng yaya.
Tama naman ang Yaya niya. Kaso talagang masama ang loob niya! Kaya't bago pa napigilan ang sarili ay nasabi na niya ang laman ng isipan!
"Kasalanan naman talaga nila, Yaya. Magpasalamat nga sila dahil hindi ko naisipang magpakamatay!" aniyang hindi man lang pinag-isipan ang sinabi!
Tuloy!
Napaantada ng wala sa oras ang Yaya! Hindi lang iyon! Napahawak pa ito sa dibdib! Ang labi kasi niyang walang preno!
"Peace na tayo, Yaya. Joke ko lang ang pagpakamatay. Hindi ko po iyon gagawin. Dahil may misyon pa ako at gusto ko pang makapiling ang Sablay Dulay kong masungit. Love you, Yaya," kaagad niyang sabi saka malambing na yumakap!
Aba'y mahirap nang mawalan ng Yaya!
"Huwag na huwa mo ng uulitin iyan, Surene. Dahil talagang iiwan kita rito. Makikita mong bata ka!" Pagbanta pa nito at kulang na lamang ay kurutin siya sa singit!
"Opo, Yaya. Promise! Peksman! Mamatay man lahat ang mga epal!" Malambing siyang nag-puppy eyes dito.
Well... Madali namang lambingin ang nahal na mahal niyang Yaya!
NAGDAAN pa ang mga araw!
Naging maayos ang buhay ni Romeo sa piling ni General Valerama. Kahit ang pilay niya mula sa pagkadulas ay bumuti-buti na rin.
Samantala, labis-labis ang pagkabagot ni Sherwin o Brendon dahil nakailang dial na siya ay walang Sablay na sumasagot.
"Anak ng tukneneng... Sagutin mo, Sablay! Ah, kung kailan kita kailangang makausap ay saka ka naman nagtatago!" Gigil na gigil siya dahil na rin sa samot saring emosyon.
"Hijo, bakit ba gigil na gigil ka riyan?" tanong tuloy sa kaniya ng boss na si Oliver Antimano.
And, yes!
Nang nakasigurado siyang kakampi ng bayan ang boss niyang opisyal ng AFP ay nagtapat siya. Kung ano ang tunay niyang pagkatao. Doon din niya nalamang niloloko rin nito ang sarili upang maloko ang iba. At higit sa lahat ay ito ang gumawa ng paraan upang makalapit siya sa kampo ni General Valderama.
Oo simula nang magkaaminan sila ng lihim ng kaniyang boss ay ito na mismo ang tumutulong upang isabutahi ang iskalawag na opisyal. Kagaya na lang ang operasyon ng grupo ni Valderama ngayon sa La Union. Isang shipment ng mga dr*ga at b@r!l ibibenta ito sa chineese national na si Mr Tan.
"Si Sablay, boss. Ayaw sagutin ang tawagan niya. Nais ko sana siyang abisuhan tungkol sa napag-usapan natin. Lalo at confirmed na nasa kalinga ng boss niya si Attorney Concepcion. Kahit ang entrapment sa La Union ay ibabalita ko sana. Ah, ako ang napapanot sa Sablay na iyon!" aniyang hindi napigilang murder'en ang kaibigan.
"Huwag mong tigilan, Sherwin. Sa mga pagkakataong ito ay nararapat lamang na malaman niya ang mga lahat. Dahil baka magka-miscommunication tayo ay magkandaletse-letse pa. We need each other to succeed," anitong napaupo ng maayos.
Maraming salamat, boss. Maaring nasa iisang propesyon tayo ngunit masasabi kong masuwerte akong ikaw ang goof samarithan ko way back then. Tatanawin ko itong utang na loob at ibabalik ko ito sa anumang paraan. Napamahal na kayong lahat sa akin. Naging ama at kapatid ako kay JR. Ngunit kailangan ko ring lumantad sa publiko. Ang kapatid kong babae ay naka-Aguillar na ngayon. Ngunit kako walang problema. Alam kong ginawa lamang ni Sablay ang nararapat---"
"Boss? May problema ba?" Naudlot anh nauna niyang sinasabi ngunit napatanong naman sa pangalawa.
Aba'y labis-labis ba naman ang pagtataka niya! Ang ganda-ganda ng sinasabi niya ngunit napatawa lamang ito.
"Don't be mistaken, Sherwin. Napatawa lang ako dahil sa paraan nang pagtawag mo sa iyong kaibigan. Talaga bang Sablay at Lampa? Romeo Sablay daw ang pangalan. Totoo ba iyon?" patanong nitong saad.
"Hindi, Boss. Artemeo Aguillar ang buo niyang pangalan. Subalit dahil literal na may pagkalampa at sablay ay kami ng isa naming kaibigan ang tumatawag sa kaniya ng ganoon. Pero sa naniwala ka man o hindi ay assets siya ng military department. Sa aming tatlo ay siya ang pinakamatalino at pinakamatalento. Madulas ang bala sa kaniya."
Well, walang bobo sa kanilang grupo. Ngunit sa kanilang tatlo ay walang-wala sila ng departed friend nila na si Jonas. Talentadong matalino kung describe nila ito.
"Rhyme din naman ang Romeo at Artemeo, Hijo. Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit ganoon nag reaksiyun niya noon sa unang kanta niya sa club ni Valderama. Go ahead, Hijo. Tawagan mo na siya. Nararapat lamang na maabisuhan mo ang iyong kaibigan." Pagtataboy nito sa kaniya.
Hindi na siya sumagot. Bagkos ay bahagya siyang yumuko bilang pamamaalam at paggalang.
SAMANTALA kulang na lamang ay basagin ni Romeo ang cellphone niyang tunog nang tunog. Dahil hanggat maaari ay ayaw niyang gumamit ng gadget kapag may nakakakita. Ngunit dahil makulit ang caller ay sinagot din niya. Iyon nga lang ay talagang inis na inis siya.
"Hello! Sino ito?!" galit niyang sagot.
Kaso mas nainis siya nang sumagot ang nasa kabilang linya.
'Makinig kang mabuti, Sablay! May operasyon ngayon ang grupo ng boss mong si Valderama sa La Union. Ipasa mo sa iyo ang eksaktong address. Ikaw na ang bahalang magpasa kay General Valdemor. At ito na rin ang iyong pagkakataon upang maitakas si Attorney Concepcion mula sa kalinga ng boss mo,' saad nito.
Tuloy!
Napataas ang kilay niya.
"Hoy! Aba'y sino ka ba at maka-sablay ka wagas! Walang-hiya ito eh!" gigil niyang sagot.
Nais namang natawa ni Sherwin sa kabilang linya dahil sa reaksyin ng kaibigan. Ngunit dahil hindi pa oras upang magkita at magkabukuhan sila ay pinanindigan niya ang pagtawag dito ng sablay.
'Makinig ka, Sablay. Hindi pa ito ang tamang oras upang magkita tayo. Ngunit kailangan mong maghanda. Dahil kagaya nang sinabi ko kanina ay mayroong entrapment sa La Union. Ikaw na rin ang magsabi kay General Valdemor.
Magpaiwan ka riyan upang maitakas mo si Attorney Concepcion. Siya anh nasa silid laging nakasara. Ang susi ay hanapin mo sa halaman sa harapan nito. Pero ang alam ko, ayon sa kuwento ng boss mo ay nabasag daw ang base roon dahil sa lintik na pusa.
Huwag kang lalampa-lampa, Sablay. Kailangang bago mag-alas-onse ngayong gabi ay makaalis na kayo ni Attorney Concepcion. Bawal ang mahuli dahil iyan lang ang tsansa mong, Sablay. Hihintayin ko kayong dalawa sa waiting shed. Now, itawag mo na kay General! Bye!'
Matapos niyang litanyahan ang kaibigan ay dali-dali niyang pinatay ang cellphone upang makapaghanda ito.
Samantalang hindi pa naka-rekober si Sablay Dulay sa pag-SONA sa kaniya ng unknown caller ay tumunog na naman ang cellphone ngunit ang email na tinutukoy ng caller. Kaya naman ay dali-dali niyang ipinasa sa Kuya Roy niya.
Pero, teka lang!
Maka-sablay at maka-lampa ang caller ay wagas na wagas!
Pero halos isang taon na ang nakalipas simula nang magkasunod silang pumanaw o ang mga taong tumatawag sa kaniya ng ganoon!
"Ano iyon, multo?" aniya sa isipan na buong akala niya ay siya lang din nakarinig.
Kaso!
"Hoy, Romeo. Ano'ng multong sinasabi mo? Aba'y sa guwapo kong ito ay ginawa mo akong multo? Hmmm... Pahiram ako ng cellphone mo," wika ng biglang sumulpot na si Badong.
"Susme, Pareng Badong. Kapag ako ang matuluyan ay muli kayong mawawalan ng lead singer. Huh! Aanhin mo ang cellphone ko? Ah, hinihintay ko pa naman ang tawag ng chika-babes ko," tugon niya.
Umaasa siyang kakagat ito. Dahil sa katunayan ay ayaw niyang ipahawak dito ang cellphone niya. Lalo at hindi pa siya nakapag-delete ng inboxes.
"Awts. Siya sige, Pareng Romeo. Sa iyo na ang cellphone mo at baka mapagkamalan pa ako ng girl-pren mong ako ang kasintahan. Aba'y sa guwapo kong ito. Doon ako kay Baldo baka loveless na naman at mahiram ko ang cellphone niya," anitong bahagyang lumiyad!
Tuloy!
Kamuntikan siyang matawa!
Kung kaguwapuhan nag pag-uusapan ay walang-wala ito sa kaniya! Ganoon pa man ay laking pasasalamat niya dahil kumagat ito sa kaniyang dahilan. Kaya naman ay dali-dali siyang bumalik sa kaniyang silid at palihim na naghanda.
'Boses niya ay kaboses ni pareng Sherwin. Pero malapit na ang ika-unang taon ng kaniyang kamatayan. Paanong---'
Multo!
Takbo na, Sablay!