NABULABOG ang mag-asawang Boromeo nang nalamang nawawala ang kanilang anak. Dahil hindi nila ito mahintay na bumaba ng araw na iyon ay pinakatok nila ito sa kanilang katulong. At doon nila nalamang wala ito kasama ng Yaya nito. Dahil sa kaalamang wala ang kanilang unica Hija nila ay halos mabaliw silang mag-asawa.
"Kasalanan mo ito! Kasalanan mo ang lahat! Kung hindi mo lang sana sinabing ipakasal mo siya sa anak ng kumpare natin ay hindi niya naisipang naglayas! It's all your fault!" sigaw at paninisi ni Mrs Boromeo sa asawa.
"Ano ba, Honey?! Hindi ngayon oras ng natuhan ng sisi sa isa't-isa! Dahil kahit sinabi ko iyon kung ayaw niya ay wala tayong magagawa! Ikaw nga itong pumagitna sa pag-stay niya kay Allen sa Pilipinas. At ngayon ay gusto mong ipabalikat sa akin lahat ang sisi?! My God! Be reasonable, Hon!"
Ngunit sa lakas ng pagkasabi ni Mr Boromeo sa mga salitang binitiwan ay nagulat yata ang asawa. Dahil humagulhol ito ng tuluyan. Galit man siya dahil sa pag-aalala sa anak. Ngunit ayaw na ayaw niyang nakikita itong umiiyak. Kaya't naging maagap din siya. Niyakap niya ito.
"I'm sorry, Honey. Hindi ko man gustong sigawan ka ay nagawa ko pa rin dahil walang maitutulong ang pagpasahan ng sisi. Tahan na, honey." Pagpapatahan niya rito habang marahang hinahaplos-haplos ang likuran.
Samantalang hindi kaagad nakasagot ang Ginang. Umiiyak siya oo pero hindi dahil sumigaw ang asawa niya. Panibugho sa sarili. They tried to control the life of their only child but it only lead Surene's runaway. Ganoon pa man ay hinamig muna niya ang sarili bago nagwika.
"It's alright, Honey. I was carried by my emotion as well. But can you please do something to bring back our daughter? Hindi ko kakayanin kung kahit siya ay mawawala rin sa atin," tugon niya.
"Yes, I will do that, Honey. She is my child as well," sagot naman ng asawa.
NASA ganoon silang senary nang dumating ang mamanugangin sana. Kaya't dali-dali nila itong hinarap.
"Alfred, since that you are here, would you mind to help us in finding our daughter, please?" kaagad na sabi ng Ginang sa bagong dating na binata.
"Kaya po ako pumarito, Tita, Tito. Dahil sa katunayan ay nakita ko sila ng Yaya niya kaninang umaga. Marahil sa kanilang pagmamadali ay hindi nila napansin na private car ang napara. Ngunit ng napansin niyang ako ang nasa harapan ng manibela ay dali-dali niyang binunot ang baril saka itinutok sa akin. At mariing iniutos na ihatid sila sa airport." Pagkukuwento ng binata.
Halangya! Aba'y ibinuko agad-agad? Ah, masampulan ka sana ni Lampa!
Sa narinig ay mas naging emosyonal ang Ginang.
"Oh, my princess! What I've done? She's gone! My God! Where is she---"
"Honey, call Allen in the Philippines right now! For sure she went home in the country where her friends are residing." Tumingala at utos ng Ginang sa asawa.
"Okay, okey, wifey. I will do that," tugon nito.
Sa kanilang usapan ay muling sumabad ang panauhin.
Paano naman kasi! Kinalimutan n'yo na yatang may ibang tao sa paligid!
"Sa aking palagay ay hindi sa Pilipinas ang kanilang routa, Tita, Tito. Subakan ninyong kuntakin ang mga employees ninyo sa Los Angeles or Las Vegas or sa Italy. Base na rin sa aking nakita. At isa pa po, Tita, Tito. Maaring kalimutan na natin ang usaping kasal? Mahal ko siya ngunit hindi ko masring ipilit ang aking sarili sa kaniya. Let her choose the one she love and who love her. Let her live according to her own will."
Wow! Nagpakabayani rin ang dahilan ng paglalayas ni Lampa!
Dahil dito ay makahulugang tumitig ang mag-asawang Boromeo sa binata.
"What's on that sudden changed, Alfred?" tanong ng Ginoo.
"Wala po, Tito. Sabihin na nating napag-isip-isip kong hindi maaring pilitin ang taong pakasalan ang hindi minamahal. And vice versa, even I love her, it's useless. Dahil one sided love affair ang kalalabasan. Don't worry about me, Tito. It hurts but I chooses her happiness by selecting her own man instead of insisting myself. But I will be okay," paliwanag ng binata.
"Thank you, Alfred. Ikaw ns rin ang mismong nagsabi sa bagay na iyan. God will reward you with your kindness," pahayag na rin ng Ginang.
Hindi na sumagot ang binata bagkus ay tumango-tango at nagpaalam na rin.
BAGUIO CITY, PHILIPPINES
"Dude, aba'y kanina pa tunog nang tunog ang cellphone mo ah. Bakit ba ayaw mong sagutin?" Pamumuna ni Oliver sa katabing si Allen Johnson.
"Ang sabihin mo, Dude, ay wala siya sa tamang huwesyo dahil gusto niyang bumalik sa bahay." Tuloy ay pambubuska ni Bryan.
Ngunit dahil naturete yata ang taenga ni Raven ay ito na ang kusang umabot sa tawagan ng kaibigan at sinagot. Dahil kung hahayaan niya ang tatlo ay walang patutunguhan ang kanilang usapan.
"Hello."
''Hello, Allen. How are you?'
"Oh, I'm not Allen, Tita. It's me, Raven. But wait and I give him his phone."
'Thank you, Raven.'
Kaagad namang ipinasa ni Raven ang cellphone sa kaibigan.
"Hello, Tita. How are you? What's up?"
'Allen Hijo, nandiyan ba si Surene? Kako baka dumating na sila ng yaya niya riyan. Naglayas siya kahapon at hanggang ngayon ay hindi namin alam kung nasaan.'
"What?! But why she runaway?"
Sa kabiglaan dahil sa kaalamang naglayas ang pinsang-buo ay nakalimutan na niyang nasa paligid ang mga kaibigan. Kahit ang bagong dating na kaibigan o si Roy ay napatda dahil sa lakas ng kaniyang boses. Ganoon pa man ay nag-peace sign siya bago muling hinarap ang tawagan.
'Kasalanan namin ng Tito mo, anak. Alam mo naman ang nangyari sa kambal niya noong umuwi sila riyan ilang taon na ang nakalipas. Iyon ang dahilan kung bakit tumatakas siyang bumabalik diyan.'
"Then what's the connection of the past why my cousin runaway, Tita?"
'Makinig kang mabuti, Allen anak. Pinauwi namin siya nitong huli. Dahil nais namin siyang ipakasal sa anak ng aking kaibigan. She was about to marry Alfred. Pero kahapon ay naglayas na siya.'
Sa narinig ay natampal niya ang noo. At bago pa niya napigilan ang sarili ay nasabi na ang nasa isipan.
"Tita, ayaw kong sisihin ka sa nangyari. Ngunit sana kasi ay hinayaan n'yo siyang gawin ang gusto. Hayaan n'yong magdesisyon kung sino ang papakasalan. Noong nandito nga siya ay saksi ang lahat kung gaano kasaya kasama ang partner. At ngayon, saan natin sila hahanapin? Tama po ang narinig mo, Tita. Wala pa sila rito. Itanong mo sa aking mga magulang or sa kapatid ko sa Nevada."
Kahit naman siguro sino! Maglalayas kapag planong ipakasal sa taong hindi mahal! Umaasa nga lamang siyang nasa himpapawid sila patungo sa Baguio.
'Sige, anak. Ibaba ko na ang telepono upang makatawag ako sa Nevada. Please update us if ever that they will come over there." Pagtatapos naman ng Ginang sa usapan sa tawagan.
NANG nakita ng magkakaibigan na ibinaba na ng kaibigan ang cellphone ay pinagitnaan nila.
"Sa pananalita at kilos mo ay mayroong bad news, Pare. Ano ba iyon? Sabihin mo na baka makatulong kami sa iyo," wika ni Roy ngunit hindi pa rin sumagot o nagwika ang kaibigan.
"You are killing us in waiting whats the news! Will you speak, men?!" malakas na ring tanong ni Raven.
Bahala sila riyang magsapakan!
Ngunit dahil alam niyang nag-aalala rin ang mga kaibigan ay kusang nagsalita si Allen.
"Ang pinsan kong si Surene. Ayon sa Mommy niya ay naglayas daw. Walang nakakaalam ngayon kung nasaan ito," pahayag niya.
Kaso!
Sila naman mag halos mabingi sa lakas ng boses ni Bryan.
"Ha?! Sa ano'ng dahilan daw, Dude? At bakit nabanggit mo ang iyong future bayaw?" Sa kabiglaan ay napalakas din sng boses ni Bryan. Hindi lang iyon, bigla rin itong sumampa sa lamesa.
Ngunit ang estrikto sa ganoong bagay ay muling nagwika!
"Hey, man! Lamesa iyan hindi upuan! Maari bang huwag kang umupo diyan? There are many chair here, Dude!" nakasinghal na wika mi Smith o ang bunso ng grupo kasabay nang pagsapak dito.
"Huh! Wala ka namang pag-ibig upang sabihin ko sanang ikaw ang naglilihi, Dude. Huh! Para iyon lang ay nananapak ka na." Dahil sa kabiglaan dulot mg sapak ng kaibigan ay napahawak sa batok si Bryan.
Maaring sasagot pa ang kaibigang nambatok ay binalingan sila mg founder!
"Kayong dalawa, maari bang manahimik muna kayo? Susme, nakikita n'yong may problema ag kapatid natin eh!" Malakas na pananaqay ni Roy sa dalawang maghaharutan na naman sana.
Then...
"Bakit daw ba naglayas si Surene?" muli ay tanong ni Ginoong Roy.
"Ang sabi ni Auntie ay binalak daw nilang ipakasal sa anak ng kaibigan nila. Ngunit dahil ayaw nitong sumunod ay mas minabuting naglayas?" paliwanag niya.
Dahil nasaksihan ng lahat kung ano ang ugali ng dalaga ay talagang hindi sila makapaniwala. Ngunit nakalipas ang ilang sandali ay napangiti si Ginoong Bryan at nagwika.
"Well... Talagang hindi nila mapipilit si Surene na magpakasal sa ibang tao. Tayong nandito ang saksi kung paano sila magturingan ni Captain Aguillar. Maaring wala silang ibang relasyon ngunit iba ang tinginan nila. Wala mang nakakaalam kung nasaan silang mag-yaya ngunit sigurado akong umiibig siya kay Aguillar at ito ang tunay na dahilan kung bakit ayaw magpakasal sa taong nais ng magulang. Kahit sino ang kapusta ko sa inyong lahat mga dude. Inlove ang dalwang iyon sa isa't-isa. Kaya't kung ako sa iyo pareng Allen itawag mo sa iyong tiyahin na babalik at babalik si Surene pero may gagawin sa kasalukuyan."
Mahaba-habang paliwanag ni Ginoong Bryan! Huh! Pahabaan ba mga dude?
"Iyan na nga, dude. Ayaw na ayaw daw nitong magpakasal sa ibang tao dahil may mahal na itong Sablay Dulay. Kaya't mas kinabuting naglayas kaysa itali ang sarili sa taong hindi mahal," sagot muli ni Allen.
"Try to ask Aguillar if he know something. Alam naman nating lahat na may communication silang dalawa kahit nasa magkabilang mundo sila." Suhestiyon ng pari sa grupo nila o si Ginoong Ralph Raven bagay na sinang-ayunan nilang lahat.
Kaya naman ay hindi na nagsayang si Allen Johnson. Nasa misyon man ang Sablay nilang military Captain ay nakakausap naman nila.
Samantalang dahil sa pagkadulas ni Romeo ay hindi siya nakapasok sa trabaho.
But!
Hindi niya akalaing may malalaman siya sa pagkaiwan sa bahay!
Takbo, Sablay Dulay!