"BRENDON, maghanda ka ngayon din. Nag-imbita si General Valderama. Nawala raw ang dating lead singer ng banda nila pero nay pumalit na hustler. Akalain mo ba raw kayang-kaya nitong pagsabayin ang drum at pagkanta," ani General Antimano sa tauhan.
"Wow! Bigatin, boss. Bihira ang kayang pagsabayin ang dalawa pagdating sa kantahan," napahanga nitong saad.
Subalit sa isipan ay ang kaibigan. Ang taong inakalang patay na siya. Ang sablay niyang kaibigan ngunit may malaking puso na handang tumulong without boundaries.
Kaso mas tumibay ang hinala niya ng muli itong nagwika.
"Ang sabi ni Valderama ay taong-grasa raw ito. Kamuntikan nilang masagasaan. Wala naman daw silang balak gawan ito ng masama. Kaso nagmakaawa raw itong saktan. Kaya't isinama ito sa kanilang tahanan. Along the way, tumawag daw ang katiwala sa club at sinabing umalis ang lead singer. Aba'y nagpresinta raw ito. Ah, pinasample raw nila para sa paghahanda. Abah ang loko ay ito raw mismo ang gumitara sa sariling kanta. Hmmm, WHISKEY LULLABY daw ang kinanta."
Pagkukuwento nito. Tuloy ay mas natahimik siya. Maraming magkakaparehas ng karanasan sa buhay. Ngunit ang talento ay ibang-ibang ang kaibigan niyang sinakop ang lahat sa pagkanta. Guwapo ito at isang opisyal sa military department. Maaring nasa kiddle class pagdating sa yaman ngunit kung talento ang pag-uusapan ay maari itong ihanay sa nga batikang mang-aawit.
Kaso!
Aba'y masyado yatang napalalim ang pag-iisip niya! Dahil napakislot siya ng muling nagwika ang amo.
"Aba'y, mukhang may problema ka, Brendon?" Pamumuna nito sa kaniya.
"Wala, boss. May naalala lang ako sa kuwento mo. May kaibigan akong kagaya sa taong tinulungan ni General Valderama. Lahat ng musical instrument ay kayang laruin lalong-lalo na ang gitara at drum. Sayang nga lang at---"
Kamuntikan na niyang masabi ang hindi pa maaring isiwalat!
"Oh, bakit hindi mo ituloy? Boss mo ako sa trabaho pero maari mo ring ituring na kaibigang mapagkatiwalaan. Aba'y malay mo mabigyan pa kita ng payo," anito.
"Thank you, Boss. Kako, sayang lang at kinailangan naming maghiwalay," saad na lamang niya upang wala itong masabi.
"Talagang ganyan ang buhay, Brendon. Minsan at kadalasan pa nga ay dinadaya tayo ng ating paningin at pandinig. Hala, sabihan mo na ang ilan sa kasamahan mo at lalakad na tayo," sabi nitong muli.
Hindi na siya sumagot bagkus ay tahimik siyang sumunod sa ipinapagawa nito.
Abala sa pagpalo at pag awit si Artemeo nang namataan niya ang mga bagong dating kong hindi siya nagkakamali si James Antimano ito ng AFP. Pero hindi ito nag iisa kasama nito ang taong matagal na nilang inilibing!
Si Sherwin Abrasado!
Ang kaibigan niyang sumalo sa dapat sa kanila tatamang bala. Pero paanu nangyari iyun kitang kita nila noon ng tamaan ito ng bala at natumba pa ito. Ikinurap niya ang mata niya saka tumingin
muli dito pero iba na ang nakita niya.
'Am I missing my friend that much? Impossible namang nabuhay itong muli?' ani Romeo sa isipan.
'Sh*t! Ano'ng ginagawa ng taon iyan dito? Huh! Kaya naman pala gamoon ang pakiramdam ko noong nagkuwento si boss." Lihim na napamura si Sherwin.
And yes! Si Brendon ay si Sherwin. Nang dahil sa tulong ng mga mahihiwagang nilalang ay nabuhay siya.
Kailangan niyang makagawa ng paraan upang malaman kung ano ang ginagawa ng kaibigan sa lugar na iyon. Instead of being a captain sa Camp Villamor ay nag-pretend na taong-grasa, band singer, guitarist and drummer.
NANG natapos ang kanta ni Romeo agad siyang bumaba upang hanapin sana ang taong pumukaw sa kaniyang paningin. Kaso hindi pa siya nakababa ng husto ay sinalubong naman siya ng among heneral.
"Oh, Romeo, saan ka pupunta? Nais pa naman sana kitang ipakilala sa kaibigan kong nanggaling sa Manila. At isa pa, celebration ito para sa iyo. Ilang buwan na ba simula dumating ka rito pero talagang limpak-limpak ang income ko," anito sa kaniya.
'Umalis ka sa harapan ko baka masipa kita ng wala sa oras!' Pipi siyang nagngingitngit!
"Huh, pasensiya na, boss. Naiihi kasi ako kaya ako bumaba sa stage."
Pagsisinungaling niya. Saka na lamang niya ito harapin kapag mayroon na siyang sapat na ebidensiya.
"Ah, ganoon ba? Sige-sige. Paglabas mo sa CR ay puntahan mo kami sa VIP room. Doon ko sila pinapuwesto. Sumunod ka na lang sa amin ah," anitong muli
Sa hitsura pa lamang at talagang masaya ito.
'Gag*! Kung maari lang sana kitang patayin ay matagal na!' Ngitngit pa niya. Ngunit kailangan niyang magtiis muna.
Samantalang sinundan ni Sherwin si Artemeo suot ang kaniyang kuwentas. Nakita niyan kausap nito si Valderama at nagpaalam na mag-CR kaya sinundan niya ito. Nang maulinigan niyang kausap ang boss nila sa kampo ay binantayan niya at siniguradong walang makalapit dito. Hinayaan niyang makapag-report ito.
'Boss, nandito ngayun sina David James De Ocampo at Oliver Antimano.'
'O, sige, boss. Tatawag na lang ulit ako kung ano man ang pag-uusapan nilang nasa VIP room. Susundan ko muna si general doon baka makahalata.'
'Isa lang pinapakiusap ko, boss. Huwag n'yo munang sabihin kina Nanay kung nasaan ako ngayon. Dahil ayokong madagdagan ang pag-aalala nila. Huwag kang mag-alala, boss, mag iingat ako. At piliting huwag maging Sablay. At isa pa, ginagawa ko ito para kina pareng Sherwin at pareng Jonas. Sige na,
boss, bye!'
Dinig na dinig niya ang pakikipag-usap nito sa boss nila. Kaao gusto niya itong sapakin sa huliang bahagi ng pahayag. Ngunit sa bandang huli ay napahanga siya nito.
'I really admire you, Parekoy. Kahit literal kang sablay ngunit hindi matatawaran ang talento mo,' aniya sa maliit na tinig saka hinayaang makabalik ito sa kinaroroonan ng mga amo nila.
MASSACHUSETTS USA
"Wooooooohhhh!! I am free like a bird! Wooooohhh, yeah!!" sigaw ni Surene habang nakapikit at nakatingala sa langit kaya't nabitawan niya ang kaniyang bag pack na hawak-hawak. Tuloy ay napatimbuwang siya nang disoras.
Blag!
Blag!
Blag!
Nagpagulong-gulong niya dahil na out of balance siya. Pero agad siyang tumayo at pinagsisipa ang back pack niya.
"Walang hiya kang bag ka balak mo pa yata akong balian ng buto! Kung hindi lang ako nagmamadali itatapon na kita hinayupak!" gigil na gigil niyang sambit.
"Anak, ano'ng kasalanan ng bag mo? Dapat ikaw ang tumingin eh nakapikit ka namang nakatingala kaya ayan ang napala mo. Hala
bitbitin muna iyan may parating ng taxi baka mahuli pa tayo sa ating flight," sabi naman ng kaniyang yaya.
Masama naman ang loob ng dalaga na dinampot ito. Saktong mapulot niya ito nang bumukas ang main gate ng mansion nila kaya't agad-agad silang pumasok sa taxing dumaan sa kanilang harapan.
"Bye, Massachusetts! See you soon, Hotel California!" aniya sa boses na parang may kaaway!
Kaso sa kaniyang pag-unat ng mga braso ay dumiretso ito sa povreng driver.
"Ouch! If you have a plan to kill me better for you to get out of my car and wait for a taxi, you young lady!" mautoridad na ani ng driver.
Napamulagat na lamang si Surene ng magsalita ito. Sa pagmamadali nilang magyaya kanina ay walang nakapansin sa kanilang private car pala ang nasakyan.
"YOU??????????!"
"Oh, yeaahhh!!" sagot naman nito at nakangiti ng nakakaloko.
"PARE, nasaan na ang drummer mo gusto ko siyang makausap baka gusto niyang sumama sa akin sa Maynila," ani David kay general Valderama.
Kaso umiling-iling lamang ang opisyal.
"That would never happen, Panyero. Ipakilala ko siya sa iyo ngunit hindi ko ipapamigay at magtrabaho para sa iyo. Well, dito siya sa akin at madadatnan n'yo siya rito anumang oras," saad ng heneral.
Sa usapan ng mga kapwa alagad ng batas ay sumabad si Oliver. Dahil ayaw din naman niyang magkasamaan sila ng damdamin.
"Hmmm... Umangat ang income mo dahil sa kaniya, ano? Well, sa grupo natin ay walang sulutan ng tauhan. Kaya't huwag kang mag-alala. By the way, ano pala ang pangalan niya?" patanong niyang sabi.
"Romeo Sablay ang pangalan niya, panyero," sagot ni General Valderama.
Kaso!
"What happened to you, Brendon kong hindi ka sanay uminum huwag mong pilitin magpakuha na lang tayo ng softdrinks sa mini bar ng club," sabi ni Oliver Antimano sa tauhang basta na lamang naibuga ang tagay.
Nailabas ni Brendon ang kanyang tagay ng marinig ang pangalan ng kaniyang kaibigan. Halos magkanda samid samid siya dahil dito. Hindi niya lubos akalain na ang pagkasablay pa yata nito ang ginamit na apelyido. Kinalma muna ang kaniyang sarili bago sumagot.
"Pasensiya na, boss. Natawa lang ako sa pangalan ng drummer nila. Romeo Sablay. What a rare name," pahayag niya.
Subalit sa kaloob-looban ay pinagtatawanan niya talaga ang pangalan nito. Gusto nga niyang sapakin ito.
Samantalang napakunoot-noo namang lumapit si Romeo sa mga ito dahil narinig niya ang kaniyang pangalan at pinagtatawanan pa talaga siya ng kasama ng mga ito.
"Ahem ano'ng nakakatawa sa pangalan ko? Kung pagtatawanan n'yo lang din ako ay aalis na ako bye!!!" aniya sa mga ito.
Agad namang kinapa ni Sherwin ang bulsa niya at nanalangin na umipekto agad ang bisa ng kuwentas niya. Hindi pa panahon para magpaabot sila ng sablay na ito.
"Ano'ng nakakatawa sa pangalan ko? Aba'y sabihin n'yo lang at aalis na ako rito kay Boss! Kanina ka pa tawa nang tawa riyan ah! Huwag kang magpasabog ng bad air dito dahil mawawala ang mga costumers! Narinig ko sa radio, COSTUMERS ARE ALWAYS RIGHT!" Malakas at bakas ang pagkabagot sa boses ni Sablay.
Samantalang sa kabila ng pangamba ni Brendon o Sherwin ay hindi niya maiwasang matawa. Ang kaibigang hindi lang matinik na military Captain at talentadong singer na sablay ay takaga namang madaling mabagot! Laking pasasalamat nga niya dahil agad niyang naikubli ang sarili sa pamamagitan ng mahiwaga niyang kuwentas.
NANG mamukhaan ni Surene ang may-ari ng sasakyan ay agad niyang binunot ang kaniyang baril na may silencer at itinutok dito.
Namangha naman ang lalaki sa bilis ng kilos at galaw ng babae. Wala naman talaga siyang planung isumbong ito pero ganoon yata ang pagkakaunawa nito.
"Drive very fast and make your way to the airport, now! Never think of telling the truth to my parents or else I will hunt you even if I'll drag you to hell!" sigaw niya!
Tuloy!
Napatulala ang lalaking may-ari ng private car. Dahil hindi niya akalaing kababae nitong tao ngunit dinaig ang isang libong sundalo sa liksi. Maari nga itong ihanay sa mga international models!
INCRIDIBLE!
"Anak, baka naman pumutok iyan. Maari namang makiusap na lang tayo sa kaniya upang nagpahatid sa paliparan isa." Pananaway ng butihing yaya sa dalaga.
"Cynthia, I don’t have a plan to scare you or tell your mom and dad where you're going, so kindly put down your gun, please?" Pakiusap ng lalaki sa dalagang sinisinta.
"Marunong ka pala na makiusap, unggoy ka! Ano kaya kung pasabugin ko ang ulo mo ngayon din? Alam mo, ikaw na gorilya ka, may mahal na akong iba at siya lamang ang aking papakasalan hindi ikaw na impakto ka!"
Murderous words, Miss Boromeo!
Samantalang hindi na napigilan ng yaya ang humalakhak dahil na rin sa alaga. Sabagay, kilala niya ito. Dahil Yaya na siya nito pagkasilang sa mundong ibabaw. Sa kanila nga siya nagtagal.
"Anak, baka hindi niya tayo ihatid. Ang dami-dami mo nang sinabi," saad ng yaya sa nakasimagot na dalaga.
"Subukan lang niya, yaya! Subukan lang niya at ihahatid ko siya impeyerno!" sagot ng dalaga sa Yaya!
MABILIS ang pagdaan ng mga araw at buwan nasa kaniya na ang tiwala ng lahat lalo ang kanilang amo. Pabalik na sana siya sa kusina para kumain ng mapadaan siya sa sala ng hindi sinasadyang marinig ang usapan ng mga ito.
"Panyero, may entrapment sa La Union sa susunod na linggo. Nakahanda na ba ang lahat?" tanong ng nangangalang David James.
"Oo, panyero. Basta siguraduhin ninyong darating si Mr Tan," sagot ng general.
"Darating iyon, general. Dahil nasa kaniya ang epektos. Aba'y kung hindi siya sisipot ay baka kahit bangkay niya ay hindi makuwi sa China," nakangising sagot ni David James na isang taga-AFP at kaibigan ni Antimano na siya ring back up ng general.
"How about Antimano? Ano'ng sabi niya?" tanong muli ng heneral.
"That man is unpredictable, General. Hindi ko pa nakausap tungkol sa entrapment na ito," kibit-balikat nito.
Ang hindi nila alam!
"P*tang ina ninyo! Kayo-kayo ring mga opisyal ang sumisira sa imahe nating mga alagad ng batas! Sisiguraduhin kong mananagot kayong lahat!" Ngitngit ni Romeo pero ang lahat ng usapan ng nasa loob ay naipasa na niya kay
general Valdemor.
Paalis na sana siya dahil nawalan na ng ganang kumain nang hindi sinasadyang madulas siya.
"Blag!!!"
"Ouch! Naman naman!"
Ang Sablay Dulay ay sumemplang na naman!