NAMANGHA ang lahat o ang nakarinig sa boses ni Romeo Sablay. Walang mag-aakalang ang taong grasa na tinulungan ng bipolar na heneral ay mayroong itinatagong talento.
Samantalang hindi maiwasang maiyak ni Romeo. Dahil sa pagkanta niya ay muli niyang naalala ang mga kaibigang sunod-sunod na nawala sa piling. Ganoon pa man ay dali-dali niyang pinunasan ang luha saka bumaling sa opisyal.
"Pasado na ba, Boss? Game din po ako sa rock songs kung gusto ninyo," aniya sa masiglang boses.
'Nasa misyon ka, Sablay. Kaya't huwag kang maging emosyonal.' Pangaral niya sa sarili.
"Hindi lang pasaso, Romeo. Perfect kind of singing. Kuhang-kuha mo boses ng original kahit pa gitara ang ginamit mo. Sa ngayon ay maghanda ka na. Dahil isasama ka nina Baldo at Badong. Sila ang magtuturo sa maging trabahaho mo," pumapalakpak na tugon ng opisyal.
Napangiti si Romeo dahil dito! Ngiting tagumpay! Oo, nagtagumpay siyang nakapasok sa mundo ng taong matagal na nilang minamanmanan.
'Tulungan n'yo akong magtagumpay sa laban kong ito mga Pare,' piping sambit ni Romeo.
Siya ang taong hindi takot sa responsibilities. Ngunit natatakot siyang baka hindi niya matulad ay maibigay ang ipinangakong hustisiya sa mga kaibigan. Ganoon pa man ay nangako siya sa sariling gagawin ang lahat upang magtagumpay siya.
VICTORIAS NIGHT CLUB
Halos hindi pa umiinit ang puwet ng grupo ni General Valderama nang lumapit sa kanila ang katiwala ng naturang club.
"Boss, mayroon tayong problema. Bokalista noong isang araw ang nawala at ngayon naman po ay ang gag*ng drummer. Mabuti sana kung nagpaalam. Lintik na nga hay@p eh. Kung kailan darating ang mga parokyanong manggagaling sa Manila."
Isinalubong ang bad news! Tuloy ang naging good samarithan ay muling naging Lucifer!
"Ano?! Kailan pa? Bakit ngayon n'yo lang ipinaalam sa akin? Aba'y ikaw na rin ang nagsabing may darating na bisita. Hah! Nag-iisip pa ba kayo o hindi?!"
Kulang ang malakas upang ilarawan ang boses ni General Valderama sa oras na iyon. Kahit ang mga mata ay kulang na lamang ay lumuwa.
"Wala akong ibang dahilan, bossing. Dahil talagang nagpadala ako sa maling akala. Ang sa isipan ko kasi ay darating ka at maaring dito na lamang din ipaalam sa iyo. Pero ako na po ang magtanong, boss. Nasaan iyong papalit da bokalista?" patanong nitong sagot.
Nasa iisang lugar lamang sila kaya't dinig na dinig ni Romeo ang usapan ng mga ito
Subalit dahil hindi siya kinakausap ay nanatili siyang tahimik. Kung abala ang mga ito sa bokalista at drummer ay iba sa kaniya. Occupied ang utak niya sa pag-iisip at pagplano sa susunod niyang hakbang.
"Romeo..."
"Huwag lalapit mamatay ka muna bago iyan," biglang sabi ni Romeo kay Badong na tumapik sa kaniya.
Huh! Kamuntikan na siya! Sumablay na naman!
"Ano ba, Pareng Romeo? Saan ba nakarating ang imahinasyun mo? Kinakausap kita pero nagulat ka pa! Dinaig mo pa ang babaeng kinikilig kapag binibigyan ng regalo eh. Susme, masakit iyon kung hindi ko nailagan. Aba'y hindi ako kalaban, Parekoy. By the way, nais kang kausapin ni Boss kaya't lapitan mo na," nakatawang pahayag ni Badong.
Dahil sa narinig ay hindi na nag-atubling lumapit si Romeo kay General Valderama.
"Sorry, boss. Nagagandahan masi ako sa kabuuan ng club. Kaya't hindi ko napansin ang paglapit ni Pareng Badong." Paghingi niya ng paumanhin sa opisyal.
White lies lang!
"Oh, that's normal reaction, Romeo. By the way, siya si Dado at siya rin ang tagapamahala rito. Dado, siya naman si Romeo at siya ang ipapasok kong bokalista." Pagpapakilala ng opisyal sa dalawa.
"Ikinalulugod kong makilala, Pareng Dado. Pare na lang kung okay sa iyo." Inilahad ni Romeo ang kanang palad upang makipagkamay.
"Sure, Romeo. Walang problema sa bagay na iyan. Lahat tayo ay under kay Boss(sabay turo sa opisyal)." Nakangiti naman tinanggap ni Dado ang palad ng bagong kakilala.
Pupuwesto na sana ang lahat sa kani-kanilang tuka o instrumento nang muling nagwika si Sablay Dulay.
"Boss, ang sabi ninyo ay nagkasakit ang drummer. At papalitan ko naman ang bokalista. Kung may tiwala kayo sa akin, maari bang ako na ang bahala sa dalawang posisyon? Sabihin na nating kailangan ko ang extra-income. Ah, straight to the point ako walang pasakalye."
Totoo nama, Sablay Dulay!
Samantalang napataas ang kilay ng opisyal at hindi napigilan ang napahalakhak.
"I'm not insulting you or degrading your talent, Romeo. Subalit kaya mo nga bang pagsabayin ang pagkanta sa drumming? No problem about income because I will give it to you. But, can you really do those two?" Paninigurado pa nito.
"Kung papayag ka, boss, patutunayan kong hindi kita ipapahiya at mas hindi bibiguin," puno ng kumpiyansang sagot ni Romeo.
"Then, you can take the wheel now. And I'll do the same later on," tumatango nitong sagot.
Sa narinig ay hindi na nagdalawang-isip pa si Romeo. Agad siyang puwesto sa harapan ng drum. Subalit bumaling siya organista at gitarista.
Agad namang tumalima ang binata sa drum at agad na naupo pero bago pumalo ay binalingan muna ang organista at ang gitarista.
"Mga pare HOTEL CALIFORNIA tugtugin natin bagay sa nga parokyano na sinasabi ninyon darating. Okay lang ba?" tanong niya sa mga ito.
"Walang problema sa amin, pare. Ikaw nga itong tatanungin sana namin kasi ikaw ang mag-drum sabay awit kaya mo, pare Dibaleng back-up kami sa awitin mo,"aniya naman ng gitarista.
"Kaya ko, pare. Huwag kayong mag alala. So let's rock and roll and rumble the stage," aniyang hindi maipagkamali ang ngiting bumalatay sa mukha.
"HALIMAW din pala ang taong-grasa na ito, Badong, Baldo. Sa paraan ng pagpalo at pagkanta niya ay hindi kapani-paniwalang isa siyang beggar," ani ng opisyal habang nakatutok sa kumakantang si Romeo.
"Iyan nga sana ang sasabihin ko, Boss. Pero kasama ka namin noong halos masagasaan ko siya," sabi naman ni Baldo.
"Pero, boss, sa palagay ko ay mas dadami ang mga costumer ng club dahil kay Romeo. Kanina ko pa sana gustong sabihin kaso ayaw ko namang pangunahan ka." Nakatutok man ang paningin sa halimaw kung tawagin ng amo si Badong ay naipahayag din niya ang tunay na saloobin.
Sa mga pahayag ng dalawang tauhan ay hindi na napigilan ni General Valderama ang pagguhit ng ngiting bumalatay sa mukha na kulang na lamang ay umabot sa taenga.
"Oo, Badong at Baldo. Kahit may pagdududa tayo sa katauhan niya sa kasalukuyan ay isantabi muna natin alang-ala sa income ng club. Pakisamahan n'yo siya ng maayos habang binabantayan ninyo. Maliwanag ba?" Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga ito.
Tanging tango at silent OO ang naging tugon ng dalawa.
BONTOC MT PROVINCE
"KIMBERLY anak, huwag na huwag mong iisiping umalis ang Kuya Romeo ninyo dahil sa iyo. Dahil ginawa lang niya ang trabaho bilamh alagad ng batas. Nabasa naman natin ang sulat-kamay niya kaya't pukawin mo na iyan sa iyong isipan."
Niyakap ni Aling Gorya ang bunsong anak. Oo, dahil sa makabagong teknolohiya at pera ay bunso na niya itong anak.
"Opo, Nanay. Nauunawaan ko po. Pero sana bumalik siya agad-agad. Dahil namimiss ko na silang parehas ni Kuya Win," tugon ng dalagita.
"Darating din tayo sa puntong iyan, anak. Kilala mo ang iyong Kuya Art. Kahit madalas tuksuhin ng kuya Win at Jonas mo na Sablay Dulay ay hindi nagpapatinag. Ibig sabihin magkikita pa rin kayo balang-araw." Pang-aalo naman ni Mang Ruben.
Hindi na sumagot ang dalagita bagkus ay yumakap sa mga taong kumalinga sa kaniya simula sabay-sabay na nawala ang mga mahal sa buhay.
SAMANTALANG kulang mag salitang masaya at natutuwa upang ilarawan ang buong club lalong-lalo na ang opisyal dahil sa nasaksihang performance ng taong-grasa. Kaya't napagdesisyunan niyang kalingain ito ng matagalan
Ang hindi nila alam!
May mga pares din ng mata ang nagmamasid sa kanilang lahat!