NANG nasa sasakyan na sila ay muling nagwika si Baldo.
"Boss, tumawag nga pala ang club. Nagpaalam na raw ang night shift na singer," wika nito upang pukawin ang opisyal na halatang malalim ang iniisip.
"Ano?! Kailan pa raw? Aba'y bakit ngayon pa sila nagkaaberya?" sunod-sunod nitong tanong na halatang hindi maipagkakailang galit.
Kaso ang Sablay Dulay na mayroong itinatagong talento ay kusang sumabad.
"Sir, maari po bang sumabad sa usapan ninyo?" tanong niya.
"Sure, you may, Romeo. Ano ba ang gusto mong sabihin? Bilisan mo dahil on trouble kami ngayon at baka maging Lucifer akong muli," tugon ng opisyal na hindi man lang pinagkaabalahang lingunin ang nagsalita.
Sa sagot ng opisyal ay hindi na nagdalawang-isip pa si Romeo.
"Bilang pagganti po sa tulong n'yo sa akin ay matutulungan ko rin po kayo sa inyong problema. Kailangan ko ng trabaho at ganoon din po kayo sa singer. Marunong po akong kumanta at humawak ng anumang musical instrument. Lalong-lalo na ang gitara, tambol at piano," pahayag niya.
'Mga lintik! Basic lang iyan para sa akin! Kahit nakapikit ako ay kayang-kaya kong gawin iyan!' aniya sa sarili.
Umaasa siyang papayag ang mga ito lalong-lalo ang boss. Dahil alam niyang nagsimula na ang kaniyang misyon.
Samantalang sa narinig ay unti-unting nagliwanag ang madilim na mukha ni General Valderama.
"Wow! That's impressive enough, Romeo! Ngayon pa lang ay tanggap ka na. Mamayang gabi ay magsimula ka na agad-agad. Huwag kang mag-alala dahil sasahuran naman kita," aniya saka bahagyang lumingon sa kinaroroonan ng dalawang tauhan.
"Baldo, Badong. Narinig n'yo naman ang pahayag ni Romeo. Solved na ang problema natin dulot ng lintik na singer. Mula ngayon ay kasama n'yo na siya sa trabaho," sabi sa mga ito.
Kaso!
"How about gun, Sir? Pasensiya na, boss. Pero pangungunahan kita ngayon tungkol sa baril. Marunong kaya si Totoy na humawak ng baril?" diskumpiyadong saad ni Badong.
Ngitngit na ngitngit naman si Artemeo. Dahil simula sa daan kung saan siya napulot kuno ng mga ito ay Totoy na nang Totoy ang dalawa. Sa isipan niya ay baka mas marunong pa siyang humawak ng baril kaysa sa mga ito! PMA graduated siya at bugbog sarado sa military trainings. Natural lamang na marunong siya sa baril. Ganoon pa man ay nanatili siyang nagmasid kaysa naman mabulilyaso ang lahat.
"Sa usaping baril ay kayo na ang bahala sa kaniya, Baldo at Badong. Sa tagal ninyong nasa akin ay imposible namang hindi pa kayo maaring trainer sa kaniya sa barilan. Ang mahala ngayon ay mayroon tayong ipapalit sa hay*p na Rodriguez na iyon," saad ng heneral.
"Masusunod, Boss," sabayan namang tugon ng dalawa.
"Ah, dumaan muna tayo sa Department Store," aniyang muli.
Ngunit dahil nakatutok ang paningin sa daan ay hindi niya napansin ang biglang pag-apak ni Baldo sa preno.
Tuloy!
"Abo ba, Baldo?! Huwag mong sabihing may nabundol ka na naman? Kung sakali mang ganoon na nga ay atras-abante mo na sasakyan ng matuluyan na!" malakas niyang sabi habang sapo-sapo ang noong nauntog.
"Eh, huwag ka ng magalit, Boss. Nais ko lang namang itanong kung ano ang gagawin natin sa Department Store---"
"Saan mo ba inilagay ang kukute mo ngayon, Baldo? Aba'y kailangan mo pa bang itanong kung ano ang gagawin aa Department Store? Natural, bibili tayo ng bigas upang may kakainin tayo sa daan! Idagdag mo pa ang sardinas na pang-ulam. Gamot para sa iyo upang hindi lumala ang Alzheimer mo!
Ano pa ba ang gagawin sa Department Store kundi ang bibili ng damit? Hah! Alalahanin mong si Romeo ang singer mamayang gabi. Alangan namang ipakita natin siya sa mga costumer sa ganyang hitsura? Susme naman, Baldo. Maari bang paganahin mo kahit kaunti ang iyong utak? Huwag kayong mag-alala ni Badong. Dahil kayong tatlo ang mamimili ng damit para sa inyo rin. Ngayon, kung ayaw mong tuluyan akong maging Lucifer ay deretso mo na sa pamilihan ng damit!"
Boom, panis!
Oo nga naman, Baldo!
Sa tinurang iyon ng opisyal ay lihim na tumatawa si Artemeo. Ngunit ginawa niya ang lahat upang supilin ang pagkawala ng tawa niya.
Samantalang wala ng nagawa sina Badong at Baldo kundi ang sundin ang kanilang amo. Kung unofficial lakad ay sila lang ang kasama nito. Ngunit kung military works, mga tauhan nito sa kampo ang kasa-kasama.
MAKALIPAS ng ilang oras nilang biyahe. Sa isang hide out sila humantong. Pasimpleng nagmamasid ang binatang si Romeo Sablay. Lahat ng dinadaanan at ibang passages ay kinabisado niya. Binilinan naman siya ng Heneral na gitara bumili sila ng gitara. Dahil ang ibang instrumento ay nasa club daw. Pinagupitan nga nila ang suot niyang original long hair na isinuot niya. Ngunit dahil tunay namang buhok ang ginupit ay walang nakahalata.
"Pareng Romeo, ito ang magiging silid mo. Lahat tayong nandito ay may kani-kaniyang silid, gamit at privacy. Isa lang naman ang patakaran ni Boss. What you see, and what you hear. When you leave, leave it here. At sabi pala ni Boss bukas ka na magsimula upang makapagpahinga ka ng maayos ngayon. Bukas ng hapon ka namin tuturuan ng baril," paliwanag ni Baldo habang binuksan at tinulungan si Romeo na ipasok ang iba nitong gamit.
"Maraming salamat sa inyong dalawa, Pareng Baldo at Pareng Badong. Huwag kayong mag-alala dahil tatandaan ko ang lahat ng sinasabi ninyo. Hindi ko kayo bibiguin pangako ko iyan sa inyo," tugon ni Romeo Sablay.
"Ikaw talaga oo. Huwag ka sa amin magpasalamat, Pareng Romeo. Kay General Valderama. We are all under his wings. Ibig sabihin ay siya ang boss," saad naman ni Badong.
Tumango-tango na lamang siya bilang sagot. Dahil aminin man niya o hindi ay talagang ramdam niya ang pagod ng kaniyang katawan. Gusto rin niyang mapag-isa at ipahinga ang sarili.
Nang nakaalis na ang dalawa ay iginala niya ang kaniyang paningin. Sa disenyo pa lamang ng naturang silid ay halatang panglalaki na. Isang couple bed size ang kama na napatungan ng sobrang kapal na kutson.
Mahihiga na nga sana siya ngunit naalala niya ang cellphone niya. Mabuti na nga lang at napaghandaan niya ang lahat. Kaya't hindi nakita at mas hindi napansin ng tatlo ang cellphone at iba pa niyang gamit. Iyon naman ang labis-labis niyang ipinagpapasalamat dahil hindi lang cellphone kundi iba pa niyang kakailanganin.
Iyon naman ang advantage ng makabagong teknolohiya. Dahil hindi lang basta cellphone ang gadyet niya kundi compass, recorder. Puwedeng itapat lang sa nag-uusap ay recorded na ang lahat. Iilaw naman kapag may mensahe. Iba rin ang ilaw nito kapag may panganib.
Nagmistula siyang tunay na taong-grasa nang nahiga siya sa harapan mismong harapan ng sasakyan ng mga ito. Ngunit naging napagmasid siya at fully-pack gamit niya.
Mabuti na nga lamang din at hindi tinaggap ng tunay niyang boss ang isasauli sana niyang Chapa. Dahil toto namang kakailanganin niya iyon. Sa pag-iisip niya ay hindi namalayang nakatulog na pala siya.
KINABUKASAN dahil napahimbing ang tulog niya ay napabalikwas siya nang kinatok siya ng mga bagong katrabaho o sina Baldo at Badong. Sa pagmamadali niya ay hindi natantiya ang hakbang kaya't sumemplang siya umagang-umaga.
BLAG!
"Romeo! Buksan mo ang pintuan! Ano ba ang nangyayari sa iyo? Susme! Umagang-umaga, Pare. Ano bang kalabog iyan ha?" dinig niyang wika ni Badong.
"Huwag mong sabihing kumapit ang iyong apelyidong Sablay at sumablay ka nga riyan, Romeo?" saad pa ni Baldo.
Paika-ika man ngunit nagawa pa rin ni Sablay Dulay na lumapit sa doorknob.
'Mga hay*p kayo eh! Kung hindi lang sana kayo nangangalampag ng maagang-maaga ay hindi sana ako sumemplang!' Ngitngit niya bago inabot ang doorknob at binuksan ang pintuan.
"Pasensiya na kayo nga Pare. Napahimbing ang tulog ko. Simula imiwan n'yo ako kagabi at ngayon ay napahimbing ang tulog ko," aniya na lamang.
"Tsk! Tsk! Umagang-umaga ay hindi mo makontrol ang iyong pagka-lampa. Hala, ayusin mo na ang iyong sarili. Dahil mag-almusal na tayo. Mamaya na tayo mag-report kay General," nakangiwing pahayag ni Baldo.
Tumango-tango na lamang siya at tahimik na sumunod sa dalawa.
NANG natapos ang kanilang almusal ay sabay-sabay din silang nagtungo sa likod kung saan naroon ang opisyal.
"Good morning, boss." Masaya niyang pagbati.
"Magandang umaga rin sa iyo, Romeo. Kumusta ang tulog mo?" tugon nito.
"Okay lang, Boss. Maraming salamat pala sa lahat." Pasasalamat niya.
"Wala kang dapat ipagpasalamat, Romeo. Dahil wala namang libre. Magtatrabaho ka naman sa akin. So, maari mo na bang iparinig sa amin ang iyong boses?" muli ay tanong ng opisyal.
"Opo, Boss. Walang problema," sabi niya saka nagsimulang kalikutin ang guitara.
SAMANTALA sa tahanan ng mga Aguillar. Dahil na rin sa pag-aalala ay naisipang itanong ni Aling Gorya ang anak na panganay sa asawa.
"Ruben! Ruben! Ruben! Nasaan ang anak mo? Akala ko ba naka-leave ang isang iyon?" patanong na sigaw ni Aling Gorya sa asawa niyang si Mang Ruben.
"Naka-leave naman talaga, asawa ko. Tingnan mo sa kaniyang kuwarta. Baka nandoon. Kaysa naman magsisigaw ka riyan," tugon nito.
"Aba'y paanong hindi ako mapapasigaw samantalang kagabi ko pa hindi napansin ang taong iyon!" sagot niyang mataas pa rin ang boses.
Sa narinig ay napatakbo si Mang Ruben. Minadali niya ang bawat hakbang upang makarating agad-agad sa silid ng panganay na anak. Saka pa lang niya napagtanto kung bakit nagsisigaw ang asawa niya sa paghahanap sa lalaking anak.
Dahil wala talagang Artemeo sa kabahayan. Malinis ang silid nito. Walang bakas na may taong natulog sa nagdaang gabi. Kaya naman ay lalabas na sana siyang muli upang ipaalam sa asawa na wala nga talaga roon ang biyente-otsong anak. Subalit mayroong nahagip ang kaniyang mga mata.
Isang sulat ang maayos na nakapatong sa side table nito. Maaring doon inilagay upang madali nilang makita. Kaya naman ay dali-dali siyang bumalik at tinungo ito saka dinampot at binuklat upang alamin kung ano ang nilalaman nito. Subalit napadausdos siya sa sahig dahil sa nilalaman ng sulat.
"Ano'ng nangyari, asawa ko?" tanong ni Aling Gorya sa asawang nakasalampak sa sahig.
Subalit imbes na sumagot ito ay iniabot ang sulat. Kaya naman ay dali-dali rin niya itong tinanggap at binasa.
Then...
"Wala na tayong magagawa kung ganoon, asawa ko. Hintayin nating siya mismo ang babalik dito sa bahay. Ang nararapat nating gawin sa ngayon ay magdasal para sa kaligtasan kung saan man naroon."
Napahingang malalim si Aling Gorya dahil wala ng ibang nakakaunawa sa anak kundi silang kapamilya nito. Dalawa sa best friends nito ang nawala sa iisang taon. Ang mahalaga ay may permission mula sa boss nito.
MASSACHUSSETTS, USA
Boromeo's Mansion
Habang abala ang mga tao sa kani-kanilang trabaho ay naipuslit na nailabas ng magyaya ang gamit ni Surene ay mali gamit nila dahil walang nagawa ang yaya. Dahil hindi ito tinigilan ng dalaga hanggat hindi napapayag.
"WHUAAAAAAAAAHHHOOOOOOOOOOOOOH HHHHH!!!!I'M FREE AS A BIRD AGAIN! NO ONE CAN FORCE ME ON WHAT I AM GOING TO DO!!!"
Dinaig pa ang megaphone sa lakas at tinis ng boses nang sila ay nakalabas sa mansion.
Kaso!
BLAG!
BLAG!
BLAG!
Ano'ng nangyare kay Lampa?
Bakit ito nagsisigaw?
At ano naman kaya ang nghihintay na kapalaran sa ating bidang Sablay Dulay?